Maaga akong nagising dahil madaling araw pa lang ay kinakatok na ko ni Mon. May dala pala siyang almusal sa akin at sinabayan din niya akong mag-almusal habang pinag-uusapan namin ang result ng natirang wine mamaya bago magtanghali. Pati na rin ang autopsy ng waiter. Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya para kumalap ng balita at bumalik sa kanyang trabaho. Ilang oras din akong naiinip na sa paghihintay. Gaya ng inaasahan ko pagbalik ni Commander Gilberto ay pinalabas na niya ako sa detention room. Napatunayan kasi sa examinasyon na isang uri ng chemical na oxalic acid na karaniwang ginagamit sa paglilinis ng mga alahas ang nakahalo sa wine. At kaya namatay ang waiter dahil naubos nito ang ininom niya. Kung nagkataon na nainom din ni Mr. President at ni Vice President ang wine