Hindi naging maayos ang tulog ko kaya maaga akong naghanda para sa pag-alis ko patungong
Malacañang Palace. Kagabi ko pa nasabi ang misyon ko at kila Mommy at Daddy. Ang sabi nila sa akin ay mag-iingat akong mabuti. Alam kong nag-alala sila sa akin ngunit hindi ko ipinakita na malungkot ako. Besides ang pagkakaalam ko ay sa before and after ng state of the nation address lang ang magiging papel ko kaya paniguradong uuwi din ako agad. Pero naghanda na rin ako ng mga gamit just in case na kakailanganin kong manatili ng matagal doon.
“Anak mag-iingat ka doon. Wag mong kalimutan na tawagan kami kapag may nangyari na hindi inaasahan okay?” Wika ni Daddy. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Pati na rin si Mommy ay niyakap ko na din.
“Bye sa inyo, uuwi din po ako.” Paalam ko sa kanila bago ako sumakay sa kotse ni Mon. Tumawag kasi siya sa akin na sabay na lang daw kami kaya sinundo na rin niya ako. Siya ng kasama ko sa training at hindi ko ini-expect na siya din ang makakasama ko sa mission. Kumaway pa ako sa kanila hangang sa malayo na ang sinasakyan ko.
“Ang ganda pala ng Mommy mo. Siguro doon ka nagmana.” Nakangiting sabi sa akin ni Mon.
“Yup, at only princess niya ako kaya ganun na lamang siya nag-aalala para sa akin.” Sagot ko sa kanya.
“Mayaman ka naman pala bakit gusto mo ang ganitong trabaho?” Usisa pa niya sa akin. Mayaman naman talaga kami dahil may minanang negosyo si Mommy at Daddy. Kapag nga nagkwukwento sila ng love story nila ay hindi ako makapaniwala na nangyari talaga yun sa kanila. Masaklap ang pinagdaanan ni Daddy sa kamay ng Papa ni Mommy. Kaya nagawa niyang paghigantihan ito. Parang teleserye kapag si Mommy ang nagku-kwento. Hindi nga ako makapaniwala na kinidnap niya si Mommy sa mismong araw ng kasal nito sa ibang lalaki at dinala sa isla. Napakaraming nangyari sa kanila bago sila naging mag-asawa sinubok muna ang relasyon nila kaya ngayon ay masaya silang dalawa at mahal na mahal nila ang isa’t-isa.
“Hindi ko rin alam kung bakit Mon. Basta masaya ako sa nangyayari ngayon sa akin. Exciting ang buhay at hindi ka lang nakaharap ng maghapon sa laptop doing paper works. Ipaubaya ko na lang sa kakambal ko at mga kapatid ko ang company.
“May kakambal ka din?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa ‘kin.
“Ipakilala mo naman ako para kapag binasted mo ako siya na lamang ang liligawan ko.” Litanya niya na ikinatawa ko. Noon pa man alam kong crush niya ako nararamdaman ko yun sa mga tingin niya sa akin at napaka-caring din niya pero hindi ko inisip na sasabihin niya mismo yun sa harapan ko.
“Lalaki ang kakambal ko shunga!” Natatawang sabi ko sa kanya. Hinampas ko pa siya sa balikat. Actually nag-shift si Migs ng course dahil kailangan na ni Daddy ng makakatulong sa business. Okay lang naman daw sa kanya na wag munang ituloy ang criminology dahil gusto rin niyang tulungan si Dad.
“Lalaki? Wow! Ang galing diba? Sina Luna at Sol kahit ata nunal parehong-pareho sila pero mas matapang si Luna at misteryosa. Si Keyla naman at Nara, magkaiba ang mukha at ugali mas maarte si Keyla habang si Nara serious type lang at kalmado at Ikaw….”
Napatingin ako dahil sa pagtigil niyang magsalita. Sakto naman na dumaan kami sa stoplight kaya sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Denim na jacket ang suot ko at may itim na t-shirt sa loob naka-denim cap din ako. Black skinny jeans naman sa pambaba.
“Bakit ganyan ka makatingin?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.
“Wala lang ikaw kasi ang pinakamaganda sa kanila.” Namumula ang tenga na sabi niya sa akin. Ilang araw lang kaming hindi nagkita kung ano-ano na ang sinasabi niya. Halata namang puro pambobola lang dahil mas maganda naman ang mga yun kaysa sa akin. Ako lang ata ang kilos lalaki sa kanila kapag magkakasama kami. Simula kasi ng maging pulis ako ay medyo nawala yung pagka-feminine ko kumilos.
“Sira! Lahat kami maganda ano.” Inirapan ko siya at bumaling ang tingin ko sa harapan.
“I’m happy na ikaw ang makakasama ko sa unang mission na ito.”
Nabalik ulit ang tingin ko sa kanya. Sa akin ay okay lang naman kung siya ang magiging partner ko. Kahit naman sino ay walang problema.
“Mon, uunahan na kita. Don’t mix your personal feelings sa trabaho. Dapat professional tayong magtrabaho. Lalo pa’t pinakamahalagang tao sa bansa ang babantayan natin. Wala akong balak na mag-intertain ng manliligaw sa ngayon and I’m not ready for that.”
Malalim siyang napabuntong hininga at tumahimik. Sabi ko na nga ba eh. May pagtingin na siya sa akin. Kasi kung wala sasabihin niya sa akin na wala siyang nararamdaman pero nanatili siyang tahimik.
“I understand Riya. Duty first, marami pa namang time para sa atin.” Nakangiting sabi niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya at isinandal ko ng maayos ako likod ko. Wala akong tulog kaya mabilis akong nakatulog sa byahe.
After ng isa’t-kalahating oras ay nakarating na kami sa Presidential security group Headquarters (PSG). Sinalubong kami ng mga naka-unipormeng guards at dinala kami sa pribadong office.
“Salamat sa pagpunta agents. Welcome sa PSG department. I’m commander officer Gilberto Manansala. Ako ang hahawak sa inyong dalawa habang nandito kayo sa Malacañyang. Unlike other PSG member’s ako ang mag-appoint sa inyo as Presidential security guards. Sa akin din mangagaling ang commands na gagawin niyo kaya hindi kayo pwedeng gumawa ng action nang hindi niyo sinasabi sa akin.” Seryosong sabi niya sa amin. Tahimik lang kaming nakinig sa orientations niya. Si Mon ay na-assigned as immediate family PSG. Ako naman ay sa mismong president. Magkikita pa rin naman kami dahil sa Malacañyang silang lahat na nakatira.
Nagtaas ako ng kamay dahil may nais akong i-clarify sa kanya.
“Ano yun Police Captain Riya?”
“Sir? Ang ibig sabihin po ba noon hindi lang sa state of the nation namin babantayan ang presidente?” Tanong ko sa kanya. Dahil yun ang nakalagay sa red envelop.
“Tama ka, titira kayo dito sa Malacañyang sa buong termino ng pangulo. At ni-request din ni President Alixander na magkaroon siya ng in-closed PSG. Kaya kahit saan siya magpunta ay dapat naroon ka.” Sagot niya sa akin.
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay pinagbihis na niya ako ng kulay puting uniporme, pencil cut na palda at itim na sapatos na may isang inch na takong. Maayos na nakatali ang mahaba kong buhok. Nakalimutan kong magdala ng panali kaya inayos ko na lamang ang panyo kong kulay itim at ipinantali ko sa buhok ko. Ito daw ang susuotin ko kapag walang lakad at nasa Malacañyang lang ang president.
Pagkalabas ko sa rest room at pagbalik ko sa office ay naroon na rin si Mon. Hinatid kami ni Sir Guilberto sa aming magiging quarters. Hiwalay kami ni Mon sa magkabilang dulo ng building. May naghatid sa akin sa magiging kwarto ko. Simply lang naman ang kwarto ko parang studio type pero nandito na ang lahat ng kailangan ko. Pagkatapos kong mailagay ang gamit ko sa sofa ay lumabas na rin ako at gamit ang rotary locked ay sinarado ko ang pinto ng aking kwarto.
Pagkalabas namin ay nagtuloy na kami sa Malacañyang Palace. Ipapakilala kami ni Commander kay President Alixander. Actually kinakabahan talaga ako. Dahil ito ang unang beses kong tatapak sa palasyo. At makakaharap ko pa ang president na sa TV at social media sites ko lamang nakikita. But I voted for him dahil matagal na rin siyang naglilingkod sa gobyerno at gusto ko din ang plataporme niya.
Sa bungad pa lamang ng Malacañyang Palace ay namangha na ako sa lawak at laki nito. Ang pagkakaalam ko ay si President Marcos at ang first lady ang pinamakamatagal na nanirahan dito. At ngayon si President Alixander na ang nakatira dito.
Maraming silid na rin ang dinaanan namin. Bago kami pumasok sa isang kwarto. Bumungad sa amin ang isang malaking wooden table at may mga chairs din.
“Maupo muna kayo. Antayin lang natin si Mr. President.” Wika niya sa amin. Magkahiwalay kami na umupo ni Mon. Dadalawa lang kami sa loob dahil umalis si Commander.
“Are you nervous?” Nakangiting tanong sa akin ni Mon.
“Bakit ikaw? Hindi?” Tanong ko sa kanya. Huminga ako ng malalim dahil talagang kinakabahan ako ng sobra.
Maya-maya pa ay may nagbukas ng pintuan. Akala ko si Mr. President na pero isang lalaking nakaputing uniporme ang bumungad sa amin.
“Nasa Malacañang Park si Mr. President doon niya kayo pinapapunta. Sumunod kayo sa akin.”
Lumabas siya ng pinto at tahimik kaming sumunod sa kanya. Lumabas siya sa isa pang pinto at nasa likuran na kami ng building. Bumungad sa amin ang malawak na garden. Ito pala ang tinatawag na Malacañang park. Maraming malalaking puno dito at may malaking fountain sa gitna. Nagkalat ang mga nakaputing PSG sa paligid at umagaw ng atensyon ko ang lalaking nakatalikod sa gawi namin malapit sa malaking fountain. Kausap niya si Commander Gilberto. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeve na nakatupi sa kanyang siko. At nakakulay itim din na slacks pants. Nang makita ni Commander Gilberto ang pagdating namin ay senenyasan niya kaming lumapit.
“Mr. President, I’d like you to meet. SPO4 Police Captain Lhiriya Martinez and Lieutenant Mon Bautista. Sila ang magiging bago at in-close security niyo pati narin ng immediate family members.”
Pagkilala sa amin ni Commander Gilberto Manansala.
“Good morning, Mr. President!” Sabay naming bati ni Mon habang naka-salute pa kami at nagbigay ng respect sa kanya. Humarap siya sa amin at natigil ang tingin niya sa akin. Nakayuko niya akong tinignan. Sobrang tangkad pala talaga niya at hangang balikat niya lang ako. Nagmistula akong high school lang sa harapan niya.
“Isang maliit na babae ang pinadala ng TAJSO para magbantay sa akin?” Seryosong tanong niya. Sa way ng pagtatanong niya ay parang minamaliit niya ako dahil isa akong babae o dahil sa kinulang lang ako sa height?
“Mr. President, hindi lang dumaan sa mahigpit na training si Police Captain Lhiriya Martinez. Isa din siya sa pinakamagaling na pulis sa Quezon police headquarters. At hindi rin siya ire-recommend ng TAJSO kung hindi siya magaling.” Pagtatangol sa akin ni Commander. Pakiramdam ko sobrang higpit ng uniporme ko at hindi ako makahinga. Dahil nao-overwhelm siguro ako ng presensya niya.
“Riya…” Sambit niya. Parang musika sa aking pandinig ang pagsambit niya sa pangalan ko.
“Yes, Mr. President.” Tanong ko sa kanya sinalubong ko ang mapanghusga niyang mga mata.
“Totoo ba ang sinabi ni Commander Gilberto?” Tanong niya sa akin.
“Yes, Mr. President! Maliit man ako sa inyong paningin. Siguradong nakakapuwing din.” Litanya ko. Wala pa akong napapatunayan sa kanya kaya hindi ako gaanong nasasaktan sa pangmamaliit niya sa akin. Parang kagat lang naman ng dinosaur.
Tipid na ngumiti si Mr. President sa aming dalawa at tinangap ang salute namin. Kinuha niya ang dalawang box sa ibabaw ng mesa. At inabot sa amin tig-iisa ang m1911 pistol.
“Asahan ko ang galing niyo.” Wika niya sa aming dalawa at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya at tumalikod sa amin. Saka lang ako nakahinga nang hindi ko na siya natanaw. Dahil pumasok na siya sa nakabukas na pintuan kasama ng ilang PSG at si commander.