Mabilis na lumipas ang sampung linggo. Sa sobrang hirap ng pinagdaanan namin sa pagsasanay ay sugat, paltos at sakit ng katawan ang inabot namin. Pinag-akyat kami sa matarik na bangin bitbit ang thirty kilos na buhangin. Pinagsanay kami sa pagamit ng baril at pag-asinta sa gumagalaw na bagay. Pinag-akyat kami sa lubid na nakatali sa tuktok ng poste na wala man lang harness. Tinuruan din kami ng iba’t-ibang self-defense at mix martial arts. Sa gitna ng training ay hindi maiwasan na magsakit ang iba sa amin dahil sa pagod. Kulang na lang sumuka kami ng dugo ngunit walang kahit isa man sa amin na sumuko. Marami pa kaming ginawang training na mas makakatulong sa aming magiging misyon. Mas humanga ako sa mga kasamahan ko. Dahil nakita ko talaga kung gaano sila kagaling. Sa tuwing napanghihinaan na ako ng loob pinapakita nila sa akin na kakayanin namin hangang dulo. Lahat naman kami ay may kanya-kanyang kahinaan. Pero dahil na rin sa galing ni Sir Raul ay nababalanse niya kami at hinuhubog ng maayos para magtagumpay. Hindi lang katawan kundi pati na rin ang utak. Isang linggo din kami sa bundok na wala man lang sariling pagkain at matutulugan kaya kanya-kanya kami ng paraan para makakain at mabuhay. Mabuti na lamang at nasa tabing dagat lang kami. At may malinis na bukal na pwedeng inuman kaya kahit paano ay nakabalik parin kami ng buhay dahil sa tulong ng isa’t-isa.
Sa pagtatapos ng training namin ay mas naging matatag ako at naging malakas. Masasabi kong handa na ako sa mga delikadong misyon na ibibigay nila sa amin.
Pagkatapos ng naging training namin kahapon ay buong magdamag kaming nagsaya. Hindi nawala ang alak. Habang nasa gitna namin ang lumalagablab na bonfire. Nagawa pa naming pasayawin si Sir. Raul. At kaninang umaga ay inabot sa amin ang black camouflaged na susuotin namin para sa graduation. Nakalagay dito ang aming apelyido at ang Philippine flag. Kahit hindi pa rin gumagaling ang tinamo namin sa pagsasanay ay tumaas ang tingin ko sa aking sarili. Pati na rin sa aking mga kasama na itinuring ko na ring pamilya.
Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin ay hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Malayo na ako sa dating Riya. Mahabang taon ang ginugol ko para marating ko kung ano man ako ngayon. At wala akong pinagsisisihan dahil alam kong ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.
“Umiyak ka?” Bungad sa akin ni Sol nang makalabas na ako sa aking kwarto. Pinahid ko kasi ang nangingilid kong luha.
“Hindi ah!” Pagtangi ko sa kanya. Nagsilapitan sila sa akin. Inakbayan ako ni Luna at ginulo naman ang buhok ko ni Nara. Habang si Keyla naman ay inayos ang kwelyo ko. Akala ko hindi rin sila magiging emosyonal pero nang magroup hug na kami ay kanya-kanya na kaming ingos. Kahit siguro sinong matatag maiiyak kapag nandito ka na sa sitwasyon na pinakahihintay namin. Hindi lang ako ang nahirapan nakita ko din kung paano nila pinilit na maka-survive. Kaya siguro pare-parehas kami ng nararamdaman.
“Pwede ba kaming sumali sa power hug na yan?” Napatingin kami sa nagsalita. Sila lang naman ang iba pa naming kasama na naging malapit na rin sa amin. Isa na dito si Mon at Gabriel. Sila ang dalawa sa limang lalaking mas una naming nakasundo.
“Abay lapit na at maguumpisa na ang graduation natin!” Tawag ko sa kanilang lahat. Kaagad naman silang lumapit sa amin. At sabay-sabay naming nilasap ang aming tagumpay.
Pagkatapos ng madamdamin naming kadramahan ay ipinatawag na rin kami. Present sa harapan namin si Mr. X, sir Raul at ang dalawa pang lalaki na ngayon lang namin nakita. Nakasuot din sila ng kagaya ng sa amin.
“Maraming salamat sa inyong lahat! Kayo ang panibagong henerasyon na magtatangol sa ating bansa. Inaasahan kong magagampanan niyo ang lahat ng misyon na iaatang namin sa inyong balikat.
Kinuha ni Mr. X ang kahon na kulay blue at pula ang desenyo. Nakahilera kaming labing lima sa harapan nilang apat.
Bawat isa sa amin ay pinaabante niya at inilagay sa aming dibdib ang isang pin. Ginto ang kulay nito at may watawat na desenyo. Sa gilid naman nito ay ang pangalan ng organization namin.
“Ang pin na yan ay magpapatunay na kasapi kayo ng TAJSO. Yan ay parangal dahil natapos niyo ang inyong training. Pero hindi pa natatapos dito ang lahat. Dahil magsisimula pa lamang ang tunay na misyon niyo bilang agent. Umaasa ako na gagampanan niyo ang inyong tungkulin sa abot ng inyong makakaya. Do you understand?!”
“Yes Sir!” Sabay-sabay naming sagot.
Binati din nila kami isa-isa. Bago kami tuluyang iwan. Makakauwi na rin kami sa aming mga pamilya. Isang linggo kaming magbabakasyon at para paghilumin din ang aming mga sugat. Pagkatapos ay ipapatawag na lamang kami para sa aming misyon.
“Magkikita pa tayong muli.” Paalam ko sa kanila nang makababa na ako mula sa chopper na sinakyan namin. Isa-isa kasi ang naging paghatid sa amin. Sinalubong ako ng aking pamilya. Kumaway pa ako sa kanila bago tuluyang lumipad ang chopper.
“Mommy! Daddy!”
Parang batang tumakbo ako patungo sa kanila ay niyakap sila ng mahigpit.
“I’m always proud of you Lhiriya.” Wika ni Daddy na kinintalan pa ako ng halik sa noo.
“Thank you Daddy.” Masayang sabi ko sa kanya.
“Mommy wag ka ng umiyak nandito na ako.” Pinahid ko ang luha niya. Namiss talaga siguro ako nila at ganun din naman ako.
“Ang laki na ng pinagbago ng prinsesa ko.” Naiiyak na sabi ni Mommy sa akin.
“Thank you Mommy. Ako pa rin naman ito.”
Sabay-sabay ko silang niyakap. Pagkatapos ay sumakay na kami sa van at dumaan kami sa restaurant para mag-celebrate. Hindi ko na kinwento pa sa kanila ang pinagdaanan ko doon dahil ayoko ng bigyan sila ng alalahanin. Gusto kong makita nila na masaya ako sa pinili ko. Kahit hindi ko ikwento kita din naman ang mga bangas ko sa mukha kaya baka alam na rin nila.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami sa bahay. Nagpaalam na akong magpapahinga sa aking kwarto. Nagbihis ako ng damit na pambahay at isinabit ko ang nakatupi kong camouflaged sa malaking aparador.
Pagkatapos ay nahiga na ako sa aking kama. Kahit na bakasyon na ako ay hindi ko pa rin pwedeng itigil ang aking training. Kailangan ko pa ring mag-exercise kaya araw-araw akong nagjojoging at pinapalakas ang aking katawan.
Pang-apat na araw ko na nang makauwi ako dito sa bahay. Puro gulay, isda at chicken ang naging diet ko. Hindi ko na rin gaanong nararamdaman ang sakit ng katawan ko. Bumalik na ang lakas ko. At magaan na rin ang pakiramdam ko.
Kinabukasan ay maliligo na sana ako katatapos ko lang mag-jogging sa labas. Kaya tumutulo pa ang pawis ko sa mukha at katawan. Naka-sports bra lang ako at inuubos ang tubig sa malaking tumbler ko nang iabot sa akin ang isang pulang envelop. Kaya kaagad kong tinignan ang nakasulat sa loob.
“Lhiriya Martinez. You are assigned at Malacañang Palace as an in-close Presidential Security group of the newly appointed President of the Republic of the Philippines. We received a high intelligence report that the new president will be in danger. Before or after his state of the nation address. Report to Malacañang Palace tomorrow morning someone will approach you and Agent Mon Bautista. This is your first mission. Keep the President safe.
Pagkatapos ng ilang segundo ay nawala na naman ang sulat. Naging blankong papel na ulit ito. Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang misyon ko. At hindi ko rin inaasahan na dalawa kami ni Mon para sa misyon na ito. Kakayanin ko kaya ang mabigat na responsibilidad na ito? Ang maging PSG ng presidente?