Napatingin ako kay Mon nang tumigil kami sa seaside ng bay walk. Bumaba siya kaya bumaba din ako. “Bakit dito tayo? Nasaan ang party?” Kunot noo kong tanong sa kanya. “Doon oh!” Turo ni Ms. Kathy sa malaking yate na nasa pangpang. Hindi ko akalain na sa yate pala sila magce-celebrate. Iba na talaga ang kabataan ngayon mag-isip. At dahil kasama si Tandang sungit kailangan ko siyang bantayan syempre. Bakit pa kasi sumama pa siya? Dapat si Ms. Kathy lang ang babantayan namin dito eh. Ano namang gagawin niya sa party ng isang teen ager? Napapakamot na lamang ako ng ulo habang nakasuod sa kanya. Papunta na sila sa pampang para tumawid sa maliit na tabla papunta sa malaking yate. Mayaman din siguro yung sila Ms. Nancy dahil can afford mag-party sa yate o baka naman sa kanila talaga ang yat