Sabay kaming pupunta ni Mon sa tinutuluyan ng immediate family ni Pres. Xander. Wala namang problema sa akin dahil wala rin naman akong gagawin bukas kaya okay lang mapuyat ngayong gabi. Saka para na rin kahit paano ay maiwasan ko ang mag-isip tungkol sa mga nangyayari. “Naks! Ayos ang style natin ngayon ah? Bakit ganyan ang suot mo?” Salubong niya sa akin dahil imbis na puting polo at skirt ay nagsuot ako ng sibilyan. Maong na pants at maong na jacket naka puting crop top naman ang panloob kong damit kaya hindi gaanong mainit. At nakalagay naman sa likod ko ang isang handgun. Isinara ko ang jacket ko kahit walang butones dahil sa tiyan ko siya nakatingin. “Kung saan—saan dumadapo yang mata mo ha.” Banta ko na ikinatawa niya. Siya naman ay naka-itim na pantalon at itim na leather ja