Muntik na akong sumubsob sa sahig dahil sa tama ng bala sa kanan kong balikat. Pero hindi ako pwedeng tumiklop dahil manganganib si Mr. President. Tinakpan ko siya ng aking katawan upang kung sakaling may bumaril ulit ay hindi siya tamaan. “May tama ka!” Nag-aalalang sabi niya sa akin. “Wag niyo po akong alalahanin malayo po ito sa bituka. Wag po kayong tatayo kahit anong mangyari okay?” Paalala ko sa kanya. Nag-umpisang umalingaw-ngaw ang putukan ng baril sa paligid dahil gumalaw na rin ang ibang PSG na kasama namin at hinarangan kami para madala ko siya sa loob. Nag-angat ako ng tingin at hinahanap ko si Ms. Kathy nakayuko silang lahat sa ilalalim ng mesa at takot na takot na nasa harapan nila si Mon at pino-protektahan sila. Dahil sa dilim ng paligid hindi ko alam kung saan ang buma