MINADALI

1792 Words
Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 8 “Tang, may sorpresa ho ako sa inyo.” “Sorpresa?” tanong ni Tatang. Ako man ay lumapit kasi hindi ko alam ang tungkol doon. Lumabas din si Nanang mula sa kusina at lumapit. “Heto ho. Buksan ninyo Tang.” Inabot niya ang brown envelop. Tumingin sa akin si Tatang. Nakita kong nagpapatulong dahil hindi nga siya marunong magbasa at hindi alam kung anong laman ng envelop na iyon. Lumapit ako. Ako na ang tumingin. Nagulat ako. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ang lahat ng ito? “Tang, deed of sale ito at titulo ng lupa ni Tiya. Tatlong titulo ho. Tig isang ektarya.” Nanlaki ang mga mata ni Tatang sinasabi ko iyon sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala. “Ano ‘to, Jaxon? Bakit may ganito?” tanong niya sa noon ay nakangiti kong manliligaw. “Pirmahan ho ninyo yung Deed of Sale na ‘yan. Tatlong ektaryang lupang sakahan po ‘yan. Binili ko na ho sa kapatid ninyo para maging solo na ninyo ang ani. Gusto ko ho kasing mapabilis ang pagkamit ng mga pangarap ni Ivy para sa inyo, para ho sana mapabilis din ang pagsagot niya sa akin. Tang, Nang, hindi na ako magpaligoy-ligoy. Gusto ko po ang anak ninyo. Pwede ba niya akong samahan habang-buhay?” Sina Tatang at Nanang ay natahimik. Lahat kami ay hindi makasagot. Nilingon ako nina Tatang at Nanang. Parang gusto nilang alamin at tiyakin ang aking isasagot kay Jaxon.               Tumingin si Tatang kay Jaxon. Muli niyang ibinalik ang brown envelop kay Jaxon.               “Pasensiya ka na Jaxon ha? Hindi ko yata ito matatanggap. Masyadong malaking halaga ito lalo na’t anak ko ang gusto mong kapalit nito.”               “Tang, hindi ko ho binili ang lupang sakahan na iyan para ang kapalit ay si Ivy.” Hindi niya tinanggap mula kay Tatang ang envelop. “Hindi ko ho mabibili si Ivy. Hindi ang kanyang pagkatao. Gusto ko lang hong madaliin ang plano niya sa inyo tulad ng sinabi ko. Hindi na ho kasi ako makapaghihintay.”               “Pero pasensiya na Jaxon, hindi naman kami papayag na basta mo na lang kukunin ang anak namin na hindi kayo ikasal.” Si Nanang.               Nakita kong napalunok si Jaxon. Parang naramdaman ko na nabigla siya sa kasal. Wala ba siyang planong pakasalan dapat ako? O sadyang mabili pa masyado nap ag-usapan ang paglalagay naming sa tahimik kung sakali. Ako man ay hindi pa handa. Wala sa isip ko ang magpakasal pa. Makipagrelasyon habang nag-aaral, pwede pero magpakasal na hindi pa ako tapos mag-aral? Hindi ko alam.               “Tama ang asawa ko, Jaxon.”               “Gano’n ho ba?” Huminga siya nang malalim. “Ibig sabihin kailangan kong pakasalan ang anak ninyo pero paano ho kung hindi pa naman kami? Hindi pa rin nnaman niya ako sinasagot. Unless, sinasagot mo na ako, Ivy? Tayo na ba?”               Tumingin ako kay Nanang at Tatang. Hindi ko alam ang isasagot ko.               “Hindi ba masyadong mabilis? Hindi ko ba pwedeng pag-isipan ko muna?” paghingi ko ng palugit dahil kagabi lang siya nagtapat sa akin. Binuhusan lang ako ng maraming nakakalulang regalo. Ngayon naman binibigyan niya si Tatang ng lupain at hindi na iyon makatotohanan. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili, this jis really too good to be true. Hindi ko akalain na may gano’n. Na pwede palang maging gano’n lang kabilis ang lahat. Pero sa kagaya ni Jaxon, walang imposible. Walang hindi niya kayang gawin nang biglaan. Iba nga talaga ang nagagawa ng pera.               “Sige. Naiintindihan ko. Pag-isipan ho ninyo.” “Pasensiya ka na ha? Pagkatao na lang kasi ang meron kami at ayaw naming lumalabas na ipinagbebenta naming sa’yo ang anak naming. Ayaw rin naming isipin mo na mapagsamantala kami sa kabutihan mo sa amin. Nagugulat ako, kami. Nalulula sa mga ipinapakita mong ganito sa amin. Hindi kami sanay na may ibang taong kayang gawin ang lahat ng ito kasi mismong mga kapatid ko, wala ni isang nagbigay ng kahalagahang ito sa amin.” Mabilis na bumaybay ang luha sa pisngi ni Tatang ngunit mabilis niyang pinunasan. Alam kong natutuwa siyang magkaroon ng lupa ngunit hindi niya naisip na sa ganitong paraan. Na sa ganito kabilis. “Wala ho kayong problema sa akin. Pirmahan ho ninyo ang deed of sale at bukas kung sa tingin ninyo payag na kayo. Ibigay ninyo sa akin ang titulo at deed of sale na may pirma na ninyo. Iyon ay kung tanggap na ako sa pamilya ninyo Tang para mapanotaryo natin ang kasulatan at maging legal na sa inyo na ang mga sinasaka ninyo.”               “Sige. Kasi nakakabigla lang ang mga pangyayari eh.” “Huwag ho kayong mag-alala. Araw-arawin ko ang pagpunta rito ng pitong araw. Babalik na kasi ako sa Manila at Tagaytay kapag matapos ko na ang inaasikaso ko. May mga trip ako abroad na hindi ko pwede i-cancel pa. Sana bago matapos ang isang Linggo ay malaman ko ang desisyon mo,” tumingin siya sa akin, “Desisyon ho ninyo.”               “Mahal mo ba talaga ang anak namin?” tanong ng kahit nahihiyang si Nanang ay halatang nilalakasan niya ang loob niyang magtanong. Ramdam kong ayaw lang niya akong masaktan at mapahamak.               “Hindi ko ho gagawin ang lahat ng ito kung hindi ko ho mahal ang inyong anak. Mahal ko ho siya at kung kasal ang kailangan para mapatunayan kong malinis ang aking hangarin, magsabi lang kayo kung kailan at saan.”               “Pero gusto ko munang mag-aral. Gusto kong makatapos.” Inilabas ko na rin ang aking hinaing.               “Hindi naman iyong magiging problema. Pwede ka namang mag-aral sa Manila kapag tayo na. Hindi naman kita bubuntisin agad. Gusto kong matapos mo lahat ang mga gusto mong gawin. Hindi ako magiging sagabal sa mga plano mo. Ako ang tutulong sa’yo para makuha lahat ang mga pinapangarap mo. Wala akong hindi gagawin sa’yo. Wala akong hindi kayang ibigay para sa’yo, Ivy.”               Dahil sa sinabi niyang iyon sa harap ng aking mga magulang at mga kapatid ay lalo na siyang naging espesyal sa puso ko. Kahit nang nakaalis na at wala na siya sa bahay, hindi pa rin nawawala ang saya ng puso ko. Nag-uumapaw ang kilig. Hindi ako mapakali lalo pa’t masaya rin ang lahat. Hindi lang ako ang nagdidiwang. Pati ang aking mga magulang hindi pa rin makapaniwala. Bukam-bibig pa rin nila si Jaxon. Ang mga kapatid ko ay boto lahat kay Jaxon. Yung mga kapatid ni Tatang na kapitbahay namin, ngayon ay kilala na kami. Mahalaga na kami sa kanila. Nakikikain, nakikiinom. Pamangkin na ang tawag nila sa akin. Yung iba, halatang inggit, maraming mga paninira akong naririnig. Paninira na hindi raw dapat ako basta-basta magtitiwala sa taong hindi ko naman kilala. Na bakit ako magpapakasal sa lalaking tiga Maynila. Maraming mga sinasabi para lang masira ang loob ko. Para hindi ako magpapakasal nang hindi rin namin sila mahigitan. Ngunit matalino ako. Alam kong sinasabi lang nila ang lahat ng iyon dahil ayaw nilang matalo. Ayaw nilang umangat kami sa buhay.               Hindi ako muling nakatulog magdamag. Ninanamnam ko pang isuot ang nakaparami kong iba’t ibang mga mamahalin at magagarang mga damit at sapatos. Kahit ang mga kapatid ko ay yakap nila ang kanilang mga laruan, suot ang mga bago nilang mga damit. Lahat may ngiti sa labi. Lahat ay natutuwa na nakatisod ako ng isang dyamante.               Kinabukasan, nagulat na lang kaming lahat nang may mga truck ang dumating para ayusin ang aming bahay. Para kaming tumama ng lotto. Wala naman kaming magawa nang naroon na ang mga gamit sa pagpapatayo raw ng bagong bahay sa tabi ng aming maliit at lumang bahay.               “Bakit mo ginagawa ito?” tanong ni Tatang kay Jaxon. Paulit-ulit na tanong dahil sa hindi talaga kami makapaniwala sa kanyang kabaitan.               “Oo nga, hindi mo kailangang gawin ito, Jaxon.” Dagdag ko sa tanong ni Tatang.               “Hindi ba’t isa ito sa mga pumipigil sa’yo para pakasalan ako? Ipaayos ang bahay ninyo? Heto na. Ipapaayos natin ang bahay ninyo.”               “Jaxon, sandali lang. Pasensiya na sa pangingialam pero pwede bang kung ano na lang ang nadala nilang gamit okey na muna ‘yan? Binigyan mo na kami ng pagkakakitaang lupa. Sapat n asana muna iyon. Kung aani kami sa lupa na binigay mo sa amin, kami na ang magtutuloy sa pagpapatayo ng bagong bahay. Masyado na kasing madami kang naibigay at malulubog kami ng utang sa’yo, anak.”               “Tang, hindi ho utang ‘yan. Lahat po ay tulong at bigay.”               “Utang na loob ang sinasabi ko anak.”               “Wala ho ‘yon. Nagdala nga pala ako ng stamp. Nalaman ko kasi kina Joshua na hindi daw kayo marunong magsulat at magbasa. Kaya pwede namang thumb mark na lang ho ninyo ang gagamitin imbes na signature?”               “Salamat. Kagabi pa namin pinag-uusapan ng asawa ko kung paano ko pipirmahan ang mga ito.”               “Wala ho ‘yon. Mabuti nga nabanggit sa akin. So, paano Tang? Okey na tayo? Payag na ako na bahagi ng pamilya ninyo?”               Tumingin muli sa akin si Tatang. “Si Ivy, siya lang ang makapagsasabi kasi kami ng Nanang niya at lahat naman ng mga kapatid niya ay boto sa’yo. Saka Tatang at Nanang na rin naman ang tawag mo sa amin eh.”               “Talaga ho? Salamat naman.” Tumingin si Jaxon sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. “Anong desisyon mo, Ivy. Mahal mo na ba ako?”               Napalunok ako. Kung mahal ang tatanungin niya, siguro. Kung gusto, sigurado. Hindi naman kasi overnight lang ang pagmamahal.               “Babastedin mo ba ako?”               “Hindi. Hindi naman sa ganoon.”               “Pero bakit? Bakit hindi mo ako sinasagot pa?”               “Kinakabahan kasi ako eh. Natatakot. Para kasing napakabilis lahat.”               “Kailangan kong bilisan. Nasa trenta na ako. Ngayon lang ako nakahanap ng babaeng gusto kong pakasalan. Patatagalin ko pa ba?” huminga siya ng malalim. “Ano ngang desisyon mo?”               Huminga ako nang malalim. “Sige.” “Sige?” nakangiti na siya. “Tayo na.” sagot ko. Kinikilig.               “Talaga! Tayo na! Ivy! Seryoso kang tayo na?”               Tumango ako.Nakangiti.               “Yahooooo!” binuhat niya ako. Kinarga at niyakap. Paulit-ulit niyang sinisigaw na kami na. Na sa wakas kami na.               Kung gaano niya ako kadaling napasagot, ganoon din kadali niya ako napapayag pakasalan. Kahit kasi sina Nanang at Tatang pumayag na. May ilang kontra na mga kamag-anak namin pero sila ba ang pakakasal? Sila ba ang makikisama. Hindi ko alam pero nang panahong iyon, nabulag ako. Nadala sa mga matatamis na pangako. Sa mga pasiklab ng isang bilyonaryo. Sana yung mabilis kong pagpayag ay hindi bahangbuhay na pagsisisi ang kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD