bc

REVENGE OF A BATTERED WIFE

book_age16+
13.4K
FOLLOW
90.6K
READ
revenge
possessive
drama
bxg
first love
lonely
tortured
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Hanggang saan ang sobra na? Ano nga ba ang pagkakaiba ng nagmahal lang at nagpakatanga. Lahat ng hirap sa buhay, napagdaanan na ni Ivy. Lumaki siyang salat, inalipin ng kamag-anak at ngayon sa wakas nakapag-asawa na siya ng isang Milyonaryong gwapong lalaki. Ang akala niyang hahango sa kanya sa hirap, ang lalaking itinuring niyang knight niya in a shining armour ang siya palang maging kalbaryo niya sa buhay. Nandiyang saktan siya, alipinin, babuyin, murahin at maltratuhin. Nang hindi na siya kailangan pa at may kapalit na itong mas maganda sa kanya, pinalabas siyang baliw at inilagak sa isang mental hospital. Tumakas siya at doon niya nakilala si Kai. Ang lalaking magbabago sa kanyang kapalaran. Ngunit may babalikan pa siya. Kailangan niyang maghiganti sa lalaking yumurak sa kanyag pagkatao. Maipapanalo ba niya ang kanyang karapatan? May lalaki pa bang tatanggap at magmamahal sa kanya?

chap-preview
Free preview
KAHIRAPAN
Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) Unang Kabanata:                   Hindi siguro ako sinaktan at ipinagpalit ng aking asawa kung ang sukatan ng isang mabuting asawa ay ang pagiging laging maganda, sexy, tahimik, masunurin, magaling magluto, maglinis, maasikaso, palaging mabango at mahusay sa kama. Nagbuntis rin naman ako at handang magluwal ng kahit ilan pang sanggol para sa ikakukumpleto ng aming pamilya. Naging sunud-sunuran rin ako, tinatanggap ang mga masasakit na salita at pambubugbog sa akin na hindi nagrereklamo dahil sa matindi kong pagmamahal. Naging submissivem tanga at loyal naman ako sa aking asawa ngunit bakit nagawa pa rin akong alipinin, ipagpalit at saktan? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ako nagkulang? Anong mali? Alin ba ang tamang formula para maging isang mabuting asawa? Yung formula na hindi na sy magluluko at ipagpalit pa sa iba? Sino ba ang may mali? Ako ba na sobrang magmahal o ang asawa kong hindi makuntento? Wala sa hinagap ko noon na ang kagaya kong mahirap lang at probinsiyana ay makatatagpo ng lalaking tiga lungsod na tatanggap at magmamahal sa akin ng lubos-lubos. Ang lalaking pagbibigyan ko ng lahat lahat ko at nagparamdam rin naman ng sobrang pagmamahal sa akin. Ang lalaking magbabago sa kwento ng buhay ko at pupuno sa lahat ng kakulangan ko. Bago natin siya makikilala ay mainam na balikan muna kung sino ako bago pa man dumating si Jaxon sa buhay ko. Katulad ng buhay ng ibang mga mahirap na umangat mula sa pagdarahop, may kuwento rin naman ako kung gaano kahirap ang buhay na aking pinagmulan.   Ako si Ivy Cruz. Ang babaeng mula pagkabata hanggang nag-asawa ay may pasan-pasan nang krus. Sisimulan kong ibahagi sa inyo ang buhay ko, ang aking masalimuot na landasin at buhay pag-ibig namin ng lalaking akala ko ay bubuo sa aking pangarap at siyang magbibigay sa akin ng maalwang pamumuhay. Hindi ako nagpakasal sa kanya dahil sa milyonaryo siya, nagpakasal ako sa kanya dahil sobrang mahal na mahal ko siya. Bonus na lang sa akin na mayaman ang lalaking pinakasalan ko. Paano ko nga ba sisimulan ang aking paglalahad? Para mas malinaw ay babalikan ko ang lahat ng aking naging simulain. Magsasaka ang Tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil kinamkam ito ng mga mga kapatid niyang may kaya at nakatapos ng pag-aaral. Mangmang kasi si Tatang, hindi nakatuntong kahit Grade 1 kaya hindi siya nakababasa at nakapagsusulat. Maluwang ang lupain ng kanyang pamilya at siya bilang walang interes sa pag-aaral ang naging katu-katulong ng lolo ko sa pagsasaka. Lumaki nang lumaki ang kanilang lupain dahil sa pawis at sipag nila ng Lolo ko. Nakatapos ang lahat ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral dahil na rin sa kanyang kasipagan. Nakampante si Tatang na may mamanahin naman siya dahil ipinangako ng Lolo ko na magiging kanya ang malaking bahagi ng kanilang lupain. Biglaan ang pagmakatay ng aking Lolo dahil sa atake sa puso. Akala ni Tatang, masusunod ang gusto ni Lolo na malaking bahagi ng lupain nila ay sa kanya mapupunta ngunit dahil tuso ang mga kapatid ni Tatang, pinaghati-hatian lang ng mga nakatapos ang mga lupa at walang ipinangalan kay Tatang. Hindi siya itinuring na kapatid. Hindi kasi siya nababagay sa kanilang mga titulado. Kung itatabi si Tatang sa kanila ay para lang siyang tauhan nila sa bukid. Ganoon na rin kami ng aking mga kapatid sa aming mga pinsan. Hindi maganda ang trato nila sa amin na para bang hindi kami kamag-anak. Masakit man ang loob ko sa aking mga kamag-anak ngunit wala naman akong magagawa. Mas makapangyarihan ang mga kapatid ni Tatang dahil mas may pera sila kaya habang lalo silang payaman ng payaman kami naman ay patuloy na humirap nang humirap ang buhay. Babae ako pero dahil maliliit pa ang mga kapatid ko, ako na ang katu-katulong ni Tatang at Nanang sa bukid tuwing Sabado at Linggo. Basta wala akong klase, nasa bukid lang ako. Lahat ng puwedeng iutos sa akin sa bukid ay ginagawa ko kapalit ng 100 pesos kong bayad sa maghapon sa mismong mga Tito at Tita ko na nakatira sa Syudad at minsan sa dalawang Linggo lang kung bumisita sa ipinapasakang lupain kay Tatang. Noong bata ako, ang 100 pesos na iyon ay sapat na para makatulong sa aming magkakapatid bilang pambaon namin sa school. Ngunit kahit anong pagod namin sa bukid maghapon nina Tatang at Nanang. Kahit pa ilubog namin ang buong katawan namin sa putikan, alam kong hinding-hindi ako makakatapos sa pag-aaral kung hindi ako makakaisip ng paraan para mabago ko ang buhay naming lahat. Pito kaming magkakapatid kaya kahit pangkain lang ay salat ang kinikita namin. Madalas mga dahoon-dahon lang na sinabawan lang ng may bagoong isda ang ulam namin. Pista nang maituturing kung magbubukas kami ng sardinas. May mga alaga namin kaming mga baboy at manok ngunit ibinebenta namin iyon. Hindi namin inalagaan iyon para katayin at kainin kundi para maibenta nang may maibili kaming gamit. Nagtatanim rin kami ni Nanang ng gulay sa likod bahay. Doon kami kumukuha ng aming pang-ulam at ibinebenta namin ang sobra. Masipag kami ngunit salat sa buhay kahit anong gagawin namin pagkayod araw-araw. “Nang, mag-aaral pa ho ba ako ng High School? Enrolment na ho kasi namin e. Magpapalista na ba ako?” tanong ko kay Nanang habang kami ay naggagapas. Pinunasan ko ang pawis ko na tumutulo sa aking mata. Mainit pa rin ang sikat ng araw kahit palubog na ito ngunit marami pa kaming gagapasin na palay sa harap namin kaya hindi pa nagyayaya si Tatang na uuwi na at magpahinga. “Hindi ko alam anak. Malayo ang iskwelahan dito. Kaya mo bang maglakad ng ilang kilometro araw-araw?” Tumingin siya sa akin. Itinaas niya ang laylayan ng kanyang damit para punasan rin ang kanyang pawis. “Hindi naman natin kayang magbayad ng pang-jeep dahil nag-aaral din ang iba mong mga kapatid.” “Gusto mo ba talagang makatapos, Ivy?” singit ni Tatang na noon ay tumigil rin sa ginagawa niyang paggagapas. “Oo sana, Tang.” Huminga ito ng malalim. “Hindi ko alam kung may mabuting magagawa sa’yo ‘yang pag-aaral na ‘yan. Tignan mo nga ang mga kapatid ko? Nakatapos sila, naging mayayaman, may nagawa ba sa kanilang pagkatao ang kanilang pinag-aralan?” Yumuko si Tatang at muling nagpatuloy sa kanilang paggapas. “Hindi naman ho ako kagaya nila. Mag-aaral ho ako para makatapos at matulungan ko kayo. Hindi yung ganito na lang tayo na ganito? Walang asenso. Lubog na lang tayo sa putikan habangbuhay. Ayaw ko ho ng ganito!” “Anong ayaw mo sa ganito?” tumaas ang boses ni Tatang. “Ivy, kahit ganito lang ako, kahit ganito lang tayo, ginagawa ko ang lahat para makakain tayo ng tatlong beses isang araw. Kung hindi pa rin iyon sapat, wala akong magagawa.” “Iyon na nga eh. Wala kayong magawa kasi kuntento na kayo sa ganito lang. Kung hindi mo sana hinayaan na kamkamin ang mga lupain mo, sana hindi kami naghihirap ngayon. Sana kahit papaano, magiging kagaya kami ng mga pinsan namin. Baka kung nagkataon na ipinaglaban ninyo ang karapatan ninyo sa pag-aari ninyo o kung sana nag-aral din kayo, hindi kami alangan at hindi kami minamata ng ibang tao.” Mabilis na lumapit si Tatang sa akin at bigla niya akong sinampal. Parang nagpanting ang aking paningin. Hindi ko iyon napaghandaan. Wala sa hinagap ko na gagawin sa akin ni Tatang iyon. “Wala kang utang na loob! Iyan ba! Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan ninyo? Wala kang respeto!” “Bakit Tang? Totoo naman, hindi ba? Bakit kayo hindi nag-aral? Bakit hindi kayo sumabay sa mga kapatid ninyo, ta’s ngayon kami na mga anak ninyo ang naghihirap!” “Aba’t talagang suwail kang anak ah!” muling itinaas ni Tatang ang kanyang kamay para sampalin muli ako pero mabilis na lumapit si Nanang. Tumayo siya sa pagitan naming mag-ama. “Eddie, tama na! Sinasaktan mo nang anak mo!” “Bakit? Siya ba? Hindi ba masakit ang mga binibitiwan niyang salita sa akin na ama niya? Hindi naman ganyan dati ‘yang batang ‘yan e. Nakapatgtapos lang ng elementary, nagtapos lang na may medal akala mo, alam na niya lahat. Akala mo kaya nang burahin ng mga medal niya ang pagrespeto niya sa akin bilang ama niya.” “Tang, ayaw ko ngang maging kagaya ninyo! Ayaw kong tumanda na lang ako sa bukid. Ayaw ko yung buhay na ganito! Ayaw kong maging kagaya ninyo ni Nanang na kayod kalabaw pero para pa ring hindi makakawala sa putikan. Anak kayo ng anak, hindi naman ninyo mabigyan ng edukasyon at magaan na pamumuhay!” “Aba’t bastos ka nga talagang bata ka ah!” singhal ni Nanang. Mag-asawang sampal ang dumapo sa aking mukha. “Aba gusto mo talagang makatikim ng bugbog kang bata ka ah! Halika rito nang matikman mong hinahanap mo!” pinulot ni Tatang ang tali ng kalabaw. Alam kong iyon gagamitin niyang panghampas sa akin. Bumalik sa aking alaala ang ginawa ni Tatang sa akin noong sampung taong gulang ako na pamamalo dahil sa muntik nalunod ang isang kapatid ko sa ilog dahil sa kapabayaan ko. Nakaramdam ako ng takot. Bumalik yung nginig ko noon. Binitiwan ko ang kumpay na hawak ko. Umatras ako at mabilis na naglakbay ang aking mga luha sa aking pisngi. Sumasabog ang aking dibdib sa sakit ng loob. Hindi nila ako maintindihan. Hindi nila ako naiintindihan! Lakad takbo akong umalis. Kahit saan ako dadalhin ng aking mga paa basta gusto kong lumayo sa kanila hanggang sa mawala ang nararamdman kong sa sama ng loob.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook