Revenge of a Battered Wife
By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala)
CHAPTER 6
“Isn’t she lovely?” tanong ng noon ay nakangiting si Kuya Joshua kay Jaxon.
“Exquistely lovely, indeed,” sagot ni Jaxon na parang napapaluha pa sa sobrang pagsamba sa aking kagandahan. Nahihiya man ay kailangan kong panindigan na ang pagsusuot ko ng sunod sa fashion at sexy. Pero dahil hindi sanay magsuot ng heels ay biglang bumigay ang aking paa. Natapilok ako kung kailan ilang baitang na lang. Babagsak na dapat ako ngunit mabilis si Jaxon na saluhin ako. Mabuti na lang, nandiyan siyang lagi para saluhin ako. Sa ginagawa niyang iyon, sa dalas ng pagkakalapat ng aming mga katawan, ramdam ko. Lalo ko siyang nagugustuhan.
Nang nasa sasakyan na niya kami ay tahimik lang ako. Magara ang kanyang sasakyan. Malaki. Mabango.
“I don’t usually drive a car kasi may mga drivers ako. Gusto kong abutin ka. Gusto kong maranasan ang buhay mo para alam ko kung paano kita makuha. Gusto kong pasukin ang mundo mo para maintindihan kita ng lubusan. Ivy, this is not easy but I am willing to do everything just to be mine.” Pabulong lang iyon. Nakatitig siya sa aking mga mata at hindi ko alam ang aking isasagot. Yung tingin niya sa akin, pinapasok ang kaloob-looban ko. Ibinaba ko ang aking tingin. Nahihiya ako na nakita niya na akong hubad.
“You don’t need to answer me now. You don’t need to say something.”
Ngumiti ako. Salamat naman Diyos ko. Nagdadasal ako na sana, hindi iyon ang aming pag-uusapan. Yung nakita niyang kahubdan ko. Pasulyap-sulyap siya sa akin at ngumingiti-ngiti lang. Ganoon din naman ako sa kanya. Namumula nga lang ako dahil sa hiya.
“Ano pala ang pangarap mong maging?” tanong niya sa akin. “If you don’t mind sharing.”
“Maging Engineer.”
“You love working with men.”
“I just love numbers.”
“Wow, gusto ko ‘yan. Sinasagot mo ako ng English.”
Ngumiti ako. Namula.
“Aside sa pagiging Engineer. May pangarap ka pa ba?”
“Gusto kong matulungan ang pamilya kong makabili ng sarili naming lupa. Mabigyan si Tatang ng sarili niyang lupain nang hindi na siya niloloko at maipaayos ang aming bahay. Makatulong sa pagpapa-aral ang aking mga kapatid. Basta. Marami pa akong plano at gustong gawin.”
“Ibig sabihin, matatagalan pa pala kung hihintayin kita na maabot ang lahat ng iyon.”
“Hindi mo naman ako kailangan hintayin. Alam ko namang madali lang sa’yo makahanap ng babaeng mapapangasawa mo. Yung hindi kagaya ko na marami pang iniisip na responsibilidad.”
“Kaso ikaw kasi ang gusto ko eh. Ikaw ang pangarap ko. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.”
Walang babaeng hindi kikiligin kapag nakakarinig ng ganoon kaya sa kagaya kong probinsiyana madali akong kilabutan. Hindi ko tuloy siya matitigan sa kanyang mga mata lalo pa’t habang nagmamaneho siya, panay ang lingon niya sa akin.
“Kung nagawa mo na ba ang mga gusto mo para sa pamilya mo, pwede ka na bang lumagay sa tahimik. Pwede ka na bang mag-asawa no’n?”
“Oo. Siguro. Basta ba makita kong maayos na ang pamilya ko.”
“Okey. That’s great at lalo mo akong pinahanga, Ivy.”
Nang nasa tapat na kami ng malaking Mall ay hindi ko alam kung bababa ako. Iyon kasi ang pagkakataong makapasok ako sa ganoon dahil kahit palagi sina Tiya, Tiyo at mga pinsan kong pumunta roon, ni minsan hindi pa nila ako naisama. Nakaramdam ako ng kaba. Kaba na may halong excitement.
“Tara na, pumasok tayo sa loob.”
Kinakabahan ako.
“First time?”
Tumango ako.
“Kinakabahan ka?”
“Oo eh.”
“You need not to, kasama mo ako.”
Huminga ako nang malalim. Nakalahad ang kamay niya sa akin. Para akong prinsesa na may prinsipeng umaakay sa akin sa pagbaba sa karwahe. Para akong si Cinderella na nakahanap ng aking Prince Charming pagkatapos akong alilahin ng itinuturing kong pamilya. Nang tinanggap ko ang kamay niya ay parang kahit papaano nawala ang kabog sa dibdib ko. Naging maayos ang paghinga ko.
Nang pumasok kami sa Mall ay hinigpitan niya ang hawak sa ang aking kamay. Magkadaop-palad kaming pumasok. Naamoy ko ang kakaibang bango. Ang lamig ng buga ng aircon. Ang maliwanag na mga ilaw. Ang mga naggagandahang mga decorations. Parang ibang mundo. Ibang saya ang binigay sa akin. Ibang karanasan.
Nakita kong binati si Jaxon ng lahat. Para bang aligaga ang mga staff ng Mall at security guards nang makita siya. Pati ang tingin sa akin ng ibang tao ay parang biglang nagbago. Tumaas? May kalakip ja paggalang? Pakiramdam ko naging somebody ako mula sa pagiging nobody. Parang hindi ko napaghandaan ang biglang pagbago ng pangyayari sa paligid ko. Nalulula ako sa bago kong mundo.
Dinala niya ako sa Department Store ng Mall.
Tumawag siya ng limang lalaki.
“Magdala kayo ng shopping cart. Sundan ninyo si Ivy. Lahat ng ituro niya, ilagay sa cart. Sabihin sa Manager na guest ko siya. Kung makita ninyo ang Manager pakisabi pumunta siya sa akin. Okey?”
“Okey po sir.”
Tumingin ako kay Jaxon. Hinarap niya ako. Hinawakan niya ang aking mga kamay. Tumingin siya sa akin. Nakangiti.
“Lahat ng sa tingin mo, magugustuhan at kailangan ng pamilya mo, ilagay mo sa shopping cart.” Hinawakan niya ang pisngi ko. “Regalo mo ito para sa mga magulang at kapatid mo.”
“Ano? Hindi ko yata magagawa ‘yan. Wala akong perang pambili kung sakali.”
“Hindi mo babayaran. Isipin mo na lang na premyo mo ito sa matagal mong paglilingkod sa Tiya mo. Ako na ang bahala. Sky is the limit. You can get whatever you want.”
Umiling ako. Nahihiya.
“Please, Ivy. Masaya akong masaya ka. Wala ka rin namang choice. Pipili ka o hindi mag-uuwi tayo sa pamilya mo at baka masayang lang ang iuuwi mo kasi maaring hindi kasya sa mga kapatid mo o hindi nila gusto ang ipalalagay ko sa mga shopping carts na ‘yan. Kaya kaysa naman masayang lang ang ibibigay mo sa kanila na hindi naman magkakasya o hindi nila gusto, better to accompany my boys here and just tell them what you want.”
“Thank you. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para ganito ka kabait sa akin pero salamat.”
“Ooopps, hindi mo kailangan magpasalamat. Hindi mo rin kailangang umiyak. I want you to be happy.”
Mabilis niyang pinunasan ang noon ay naglalakbay kong mga luha sa aking pisngi.
“Huwag ninyong ibabalik ang cart na ‘yan dito kung hindi niya ‘yan mapupuno, boys ha?” bilin niya sa mga lalaking magtutulak sa mga cart ko.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang mga ilalagay ko roon. Lahat ng alam kong wala sa bahay, mga damit ng buo kong pamilya, mga laruan, gamit sa kusina, sapatos, pagkain lahat nabili na pero pinipilit pa ako ng mga boys ni Jaxon na punuin.
“Ma’am, good morning po,” bati sa akin ng isang lalaki. “I am Raymond, Manager ho ng Department store. Nandito po yung pinabili ni Sir na mga sapatos, mga accessorie, damit at iba pang kailangan ninyo. Dalawang shopping cart po ito.”
“Paanong-“
“Don’t worry, by just mere looking at you, alam na ng staff ko ang kasya at bagay sa inyo. Yung sapatos na suot ninyo, ako ang pumili kahit yung red dress ninyo ngayon. Enjoy po.”
Iyon lang at bahagya pa siyang yumuko at umalis. Pitong shopping carts na punum-puno ang nakasunod sa akin nang lapitan naming ang noon ay nakaupong si Jaxon. Nakita ko ang saya sa kanyang mukha dahil siguro nakita niya rin ang saya sa akin. Sinong malulungkot na maibigay ang noon ko pa pangarap na ibigay sa pamilya ko?
“Habang inaayos nila ang mga regalo ko sa’yo at sa pamilya mo, pwede bang samahan mo muna ako sa hair and beauty salon?”
“Salon?”
“Yes. Salon.”
Tumango lang ako. Hindi pa kasi ako nakaka-recover sa mga pangyayaring ito.
Nang pumasok kami sa salon ay agad akong binati ng mga hair stylist at beauty experts for my make-over.
“I’ll wait you na lang outside ha? They know what to do and the best for you kaya see you later.”
Paalam ni Jaxon sa akin.
Pagkaalis niya ay agad na akong inasikaso ng lahat. Pinagtulungan nila akong pagandahin. Habang may umaayos sa aking buhok ay may gumagawa rin sa aking mga kuko sa kamay at paa. May nag-ayos ng aking kilay. Naguguluhan ako pero hindi sila. Mabilis man ang kilos nila ngunit alam na alam nila ang kanilang mga ginagawa. Naririnig ko ang bulungan nila. Ang inggit nila sa akin. Ang kanilang pagpapahayag ng paghanga lalo na nang matapos na ako at nakita ko na ang buhok kong may bagong kulay at bagong gupit. Ang kilay kong maayos na maayos na. Pilik-mata na nagkakurba. Parang hindi na ako ang nakikita ko sa salamin. Kung kanina, nagandahan na ako sa sarili ko, ngayon, hindi ko na kilala kung ako pa ba ang nasa salamin. Tinakpan ko ang aking mga bibig dahil sa paghanga at nakita ko ang kulay ng aking mga kuko. Ang bagong ako. Ang ako na hindi ko man lang pinangarap maging. Ang bagong ako na kayang ipantapat sa kahit sinong artista. Gusto kong maiyak. Gusto kong sumigaw sa galak. Ito na ba ako? Yung dating bata pa, nalulublob na sa putik, nagpa-alila sa kamag-anak para lang makapag-aral? Ang binubulyawan, ang hindi pinapansin dahil sa mga luma at tagpi-tagpi kong kausotan? Napayuko ako. Nagpasalamat sa panginoon. Anong ginawa ko Diyos ko para bigyan mo ako ng biyayang ganito?
“Ang ganda mo naman. Kaya naman pala grabe na lang ang pagkaloko ni Sir Jaxon sa’yo.” Naibulalas ng Manager na lumapit kanina sa akin sa Department Store.
Ngumiti lang ako.
“Tara, hinihintay ka na ni Sir sa lunch ninyo.”
Tumango lang ako. Hindi ko pa kayang magsalita. Lubog na lubog na ako sa kasiyahan. Kung panaginip ito, sana Lord, huwag na muna akong magising.
Isang fine dining restaurant ang pinasukan namin ni Raymond. Pati mga ibang custumers napapalingon sa akin. Napapatitig. Yung parang titig ko noon kapag nakakakita ako ng magaganda sa school. Titig na may halong inggit. Titig na may paghahangad n asana sila na lang ako.
Hinila muna ni Raymond ang upuan at umupo ako. Nagpaalam siya sa amin. Nagpasalamat ako.
“Here’s the menu, Ma’am.” Magalang na inabot sa akin ng waiter ang menu.
Napatingin lang ako. Naghahanap ako ng mga paksiw, ginisang upo, pinakbet, sisig, menudo, bopis o kahit sana caldereta man lang pero wala. Mga pagkain ang naroon na hindi ko alam kung paano basahin at i-pronounce. Nilingon ko ang ibang tables. Naaktuhan kong may inilalapag sa harap nil ana mga pinggan. Oh my! Ganoon ba talaga kaliit ang servings nila. Paano sila mabubusog? Tumingin ako kay Jaxon. Parang gusto kong ibang kainan. Yung alam ko ang mga pagkain. Kahit nga dinakdakan o kaya ihaw na dalag, okey na ako. Bakit pati pagkain, pahirapan?
“May napili ka na?”
“Hindi ko alam kung ano ang oorderin.”
“Do you want me to just do the honor?”
“Please?”
“Okey. Don’t worry. Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Mula ngayon, hindi ko na hahayaan na maapi ka ng kahit sino. Hindi ka na magiging alila. Hindi ka na mamaliitin ng ibang tao. Hindi ka na makakaramdam ng hirap. Hindi ka na muli pang mawawalan ng pera. Part of this Mall is mine. I can stay in one of the best hotels here, but I choose to stay in your cousin’s house because of you.”
“Pero hindi pa naman tayo. Hindi ka pa naman nanliligaw, di ba?”
“Hindi pa ba ako nanliligaw? Well, siguro nga hindi pa pero nandito ako para tuparin ang lahat ng pangarap mo. Nandito ako to make your life easier. Let me love you and I hope you’ll give yourself a chance to love me too.”
Napabunot ako ng malalim na hininga. Sinong tangang babae ang hindi maglulupasay sa saya at hindi bibigay sa ginagawang ito ng isang lalaking bukod na sa gwapo, napakabait at napakamapagbigay pa.