GANDANG HINDI INAKALA

1924 Words
Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 5               Nakita kong lumabas na si Jaxon hawak ang isang kopita ng alak. Nakangiti siyang nakatingin sa amin.               “Okey na. Payag na siya. Bukas, sasama siya sa’yo.” Nakangiting sinabi iyon ni Tiya.               “Talaga? Wow. That’s good to hear!” nakangiting sambit ni Jaxon.               Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Sana lang hindi ako mapapahamak sa kanya. Sana lang siya na ang aking knight in a shining armor.               Kinaumagahan, maaga akong nagising o mas akmang sabihin na hindi ako nakatulog sa kaiisip. Masaya, excited, natatakot, nagdadalawang-isip at nagkakagusto. Mga iba’t ibang damdaming gumugulo sa aking isipan. Tama naman ang sinasabi sa akin ni Tiya. Ngayon na may swerteng dumating bakit ako tatanggi? Isa pa, hindi naman matanda si Jaxon kagaya ng ibang napapanood ko sa mga teleserye. Nasa edad trenta lang siguro siya at bata siyang tignan sa kanyang edad. Maaring nasa sampung taon mahigit na ang agwat ng edad niya sa akin pero ang gwapo naman niya. Para siyang artista. Ako nga dapat ang mahiya sa sarili ko. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanya. Hindi ko kasi makita sa salamin ang ganda ko na sinasabi niya sa akin. Tanga lang ba siya na sa akin nagkagusto? Sa kagaya kong wala naman akong nakikita extra-ordinary?                 Oo, matalino ako, matangkad, seksi rin naman siguro pero hindi ko alam, hindi ko nakikita kapag nagdadamit na ako ng mga luma kong kasuotan. Maputi na ako ngayon dahil hindi na naaarawan pero hindi pa rin talaga ako bagay sa kanya. Hindi ko mahanapan ng tamang dahilan kung bakit ako. Kaya nga natawa na lang ako nang sinabi niyang maganda ako.               Pumasok si Aling Diday, ang matagal nang katulong nina Tiya. Sa kuwarto kasi ng katulong ako natutulog kapag ganoong nasa bahay nina Tiya.               “Hindi ka ba bababa at mag-almusal?” “Para ho kasing di pa ako natutunawan sa dami ng nakain ko kagabi, Aling Diday eh.” “Eh di bumangon ka na lang diyan. Hinahanap ka na. Tinatanong sa akin kung nakabihis ka na raw. May lakad daw kayo nong boss ni Joshua ah.”               Buntong-hininga ang sagot ko. “Wala kasi akong maisuot na maayos-ayos eh.”               “Eh di kung anong meron ka na lang, iyon na lang ang isuot mo. Mamaya, pupuntahan ka rito ng tiya mo at bubungangaan ka lang.”               “Sige ho. Maliligo na lang ho ako at magpapalit.”               “Mabuti naman. Baka kasi pati ako, masermunan.”               Pumasok ako sa CR. Lumang CR ito sa taas katabi ng guest room. Hindi na nila ginagamit ang CR na ito dahil may mga CR sa kuwarto nina Tiya at meron din sa baba. May malaki doong salamin na nakikita ang buong katawan kapag naliligo. Sira nga lang ang lock ng CR pero kami lang naman ni Aling Diday ang naliligo roon at madalas nakatakip ng tuwalya ang salamin dahil natatakpan kapag inilalagay sa sabitan ang tuwalya. Nang hinubad ko ang damit ko ay tinanggal ko muna ang tuwalya para naman mapagmasdan ko ang hubad kong katawan sa harap ng salamin na walang kahit anong saplot. Hmnnn nakita kong tama nga si Jaxon. Sexy nga ako. Mahaba ang aking leeg. Malusog at may kalakihan ang aking dibdib at mala-rosas ang kulay ng aking mga u***g. Maputi at makinis ang aking makurbang katawan. Mahaba ang aking biyas. May ganito pala akong katawan na hindi ko napagmamasdan dahil sa lagi akong abala. Kung naliligo kasi ako. Buhos na lang ng buhos dahil kulang na kulang ang oras ko sa pag-aaral at pagta-trabaho. Bumuhos ako ng tubig. Lalong nakakaakit nang pagmasdan ang nabasa kong katawan. Pinagmasdan ko ang aking mukha. Makapal ngunit maayos ang kilay ko. Mahaba ang pilik mata. Bilugan ang aking mga mata na binagayan ng matangos na ilong at mamula-mula kong mga labi. Huminga ako ng malalim. Maganda nga. May angking kagandahan nga yata ako. Hindi ko lang kasi sure pa. Mas marami kasing magaganda akong nakikita kaysa sa akin.               Bubuhos pa lang sana ako muli nang biglang bumukas ang pintuan ng CR. Nagulantang ako. Hindi ko alam kung paano ko tatakpan ang aking hubo’t hubad na kabuuan. Nakita ko doon si Jaxon. Nakatapis lang din siya ng tuwalya. Nakita ko ang maputi niyang magandang katawan. Siya man ay nanlaki ang mga mata. Hindi ako nakakilos agad. Hindi ko alam kung alin ba ang aking unang tatakpan, ang dibdib o ang aking perlas? Ngunit mas mabilis ang ginawa niyang paghila sa pintuan para isara iyon. Ngunit kahit isinara niya agad. Alam kong nakita na niya ang aking kahubdan ko at hindi ko alam kung anong aking sasabihin.               “Sorry Ivy. Akala ko walang tao. Ito kasi ang itinuro ng Tiya mo na banyo na pwede kong magamit kasi ginagamit ang…”               “Sana kumatok ka muna,” hindi ko na siya pinapatapos. Hindi ko alam kung kailangan kong mainis.               “Ang sabi kasi sa akin, wala naman gaano dito naliligo kaya, binuksan ko na lang basta.”               “Pwede bang patapusin mo na muna akong maligo? Babalik ka na lang mamaya?” pakiusap ko. Ayaw ko kasing may lalaki sa labas ng banyo at nakahubad pa ako.               “Okey. Sige.”               Binilisan ko na ang aking pagbubuhos. Kailangan kong matapos na ang pagligo nang makaalis na at baka nga gagamitin ni Jaxon ang banyo. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko sa kanya. Alam ko kasing nakita na niya lahat ang sa akin at wala na akong maitatago pa.               Nang matapos akong maligo ay mabilis kong ibinalabal ang tuwalya sa katawan ko at mabilis kong binuksan ang pinto para makalabas na ngunit nagulat ako nang mabangga ko ang naroon pa ring si Jaxon. Sa pagkagulat ko ay nadulas ako at halos matumba na sana kung di lang ako nahawakan ni Jaxon. Napayakap siya sa akin. Dumampi ang mukha ko sa maumbok at may balahibong dibdib. Maayos ang pagkakahubog ng kanyang abs. Nakaramdam ako ng kakaibang silakbo ng aking damdamin. Lalo pa’t amoy ko na ang mabango niyang katawan at init ng kanyang hininga.               “Okey ka lang?” tanong niya.               Nahimasmasan ako. Mabilis ko siyang binitiwan at dahil sa hiya, walang imik akong umalis. Ni hindi ko na nagawa pang magpasalamat sa kanya. Hindi ko alam kung sinadya niya o nagkataon lang ang lahat pero kung dati na akong nahihiya, lalo na ngayon na alam kong kita na niya ang lahat sa akin. Nakakainis. Hindi man lang kasi ako nag-ingat. Hindi man lang ako naglagay ng sagabal sa pinto. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nakitaan.               Lahat na ng damit kong pwede kong maisukat ay nasukat ko na. Pero wala pa rin talagang maganda. Lahat ay luma at bitin sa akin. May sapatos naman ako pero may bumibigay na sa kalumaan. Pudpud na kasi ako bumubuka na pero anong magagawa ko. Iyon lang naman ang meron ako. Ayaw ko namang manghiram sa mga pinsan kong hindi naman pinsan ang tingin sa akin. Baka mapahiya langa ko kung magsabi ako kay Yeng na halos kaedad ko at kasingtangkad lang.               Naupo ako. Hindi ako makalalabas na ganito ang hitsura ko. Halatang alangan ako kay Jaxon. Baka isipin nila, katulong niya ang kasama niya sa Mall. Nakakahiya. Parang ayaw ko na talagang sumama pa. Hanggang sa nakita ko ang ibinigay sa akin kagabi ni Kuya Joshua. Tama. May regalo nga pala sa akin kagabi si Kuya Joshua. Mabilis ko iyong binuksan baka lang kasi pwede kong magamit. Nang mabuksan ko ay tumambad sa aking ang isang mamahaling dress at isang itim na sapatos. Mukhang binili iyon para sa araw na ito kasi bumabagay sa black shoes na may konting heels ang sosyal na red dress. Hindi ako sanay magsuot no’n pero wala akong magagawa. Kaysa isuot ko ang t-shirt kong bitin na, maluwang pa ang bahaging leeg at mapusyaw na ng yellow nitong kulay na binagayan ko kanina ng jeans kong may kaluwangan sa akin.               Nang maisuot ko ang regalo sa akin ay lumabas na ako. May kaiksian pero mahaba naman ang legs ko at maputi. Hindi lang din ako komportable na nakikita na halos ang kalahati ng dibdib ko. Wala naman kasing salamin sa loob ng kuwarto ng mga katulong kundi yung para sa mukha lamang. Nakasalubong ako ni Aling Diday at napanganga siya. Para siyang hindi makapaniwala na ako ang kanyang nakikita.               “Ivy, ikaw ba na ‘yan?” tanong niya sa akin.               Kumunot ang noo ko. “Oo naman ho. Bakit? Pangit ho ba sa akin? Mukha ho bang trying hard? Hindi ko ho kasi makita ang fit ng damit sa akin eh. Hindi ko ho alam kung bumagay sa akin o hindi.”               “Halika. Dali.” Hinila niya ako sa kuwarto ng pinsan kong mahadera.               “Huwag ho, baka magalit si Yeng.”               “Naku nasa labas ang pinsan mo. Sinundo ng boyfriend. Dali na. Tignan mo lang ang sarili mo sa salamin nang makita mo kung bakit ako nagulat.”               Pagpasok namin ay agad akong hinila ni Aling Diday sa harap ng malaking salamin. Ako man, ay hindi makapaniwala sa nakita kong ayos ko. Wala akong make-up, walang lip stick. Tanging ang natural na ganda ko lang ang ibinagay ko sa aking pulang dress at may heels kong sapatos na parang boots. Dahil wala naman akong alam sa fashion, hindi ko alam sa eksaktong tawag sa mga iba’t ibang klase ng sapatos.               “Di ba? Ang ganda ganda ganda mo talaga. Sandali ha. Lagyan natin  ng kulay ang mukha mo at labi mo.” Nagsimula nang pinakialaman ni Aling Diday ang make up at lipstick ni Yeng na pinsan ko.               “Huwag na ho, Aling Diday. Baka pagalitan lang kayo ng alaga ninyo.”               “Naku, ako ang bahala. Sandali lang.” Siya na mismo ang naglagay sa akin ng make up at lipstick kaya hindi na ako nakatanggi pa. Nang muli kong sinipat ang mukha ko sa salamin ay noon, naniniwala na ako kay Jaxon. Maayos magmake-up si Aling Diday kasi siya ang nagme-make-up sa mga pinsan ko. Fresh lang ang dating. Maganda nga talaga ako. Ganda na natatakpan ng kahirapan. Ganda na hindi nalalabas ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Ganda na pwede ko pa lang magamit para mapansin at umangat.               Pagbaba ko sa hagdanan ay nasa sala na sina Tiya, Tiyo, Kuya Joshua at si Jaxon. Halatang hinihintay ako. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Pati ang Tiya kong malupit sa akin at Tiyo kong minamaliit ako ay napatda. Nanlaki ang kanilang mga mata habang pababa ako sa hagdanan. Lumapit si Jaxon sa hagdanan na para siyang nahi-hypnotize. Bakas sa kanilang mga mata ang pagkagulat, hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita. Gandang-ganda sila sa akin. Well, ako rin naman kanina, nagandahan ako sa aking sarili.               “Isn’t she lovely?” tanong ng noon ay nakangiting si Kuya Joshua kay Jaxon.               “Exquistely lovely, indeed,” sagot ni Jaxon na parang napapaluha pa sa sobrang pagsamba sa aking kagandahan. Nahihiya man ay kailangan kong panindigan na ang pagsusuot ko ng sunod sa fashion at sexy. Pero dahil hindi sanay magsuot ng heels ay biglang bumigay ang aking paa. Natapilok ako kung kailan ilang baitang na lang. Babagsak na dapat ako ngunit mabilis si Jaxon na saluhin ako. Mabuti na lang, nandiyan siyang lagi para saluhin ako. Sa ginagawa niyang iyon, sa dalas ng pagkakalapat ng aming mga katawan, ramdam ko. Lalo ko siyang nagugustuhan. Lalong nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ako sasaluhin ang pangangatawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD