“H-hindi sa gano’n. Lahat nang ‘to para sa ‘yo. Alam kong ‘di mo ako maiintindihan ngayon pero iisa lang masasabi ko, Blessy, lahat nang ito ginagawa ko para sa ‘yo.” “Talagang ‘di ko naiitindihan. Masaya naman tayo rito. Kontento ako sa anong meron tayo ngayon. Ang mahalaga lang naman sa ‘kin ay makasama ka, Fender. Hindi mo naman kailangan gawin ‘to at sabihing ginagawa mo ang lahat ng ‘to para sa ‘kin.” Napabuntunghinga ito at hinalikan lang siya sa noo. “Mahal kita. Mahal na mahal lagi mo ‘yang tatandaan, ha?” Hindi siya sumagot. Basta lang nagsipatakan ang mga luha sa mata niya at walang tigil ang mga ‘yon. Alam ni Blessy na aalis si Fender at ‘di niya mapipigilan ito. Kilala niya ang lalaki at iba rin ang paniniwala nito pagdating sa kaniy