bc

Dominant Series 7: AMOROUS (Zerus Craige) Completed

book_age18+
6.2K
FOLLOW
17.6K
READ
like
intro-logo
Blurb

WARNING: Mature Content || R18

Please be advised that this story contains mature themes and strong language.

"I don't believe in God but I prayed you from Him."

- Zerus Craige

He's a killer.

A gunman.

A hired assassin.

A cold-blooded young man living on his own created world.

He's a devil from the deepest pit of hell. Pumapatay siya, kapalit ng pera. Sa pera, sumasaya at nabuhay ang kaniyang mundo. Hanggang tumama ang kaniyang mata sa babaeng may suot na itim na belo at may hawak na rosaryo.

Fuck!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napatingin si Zerus sa wristwatch na suot. 5 more minutes, bago niya puputulin ang masayang sandali ng isang kilalang senator. Kapag napatay niya ito ng walang kahirap-hirap, hindi lang sampung milyon ang kaniyang makukuha. Natawa siya, masyado yatang minamaliit ang kaniyang kakayahan. Kung p*****n lang ang basihan, hindi na mabilang ng binata kung ilang tao na ang kaniyang pinatumba, babae man o lalaki. Wala siyang awa, lalo na pag pera ang usapan. “3 minutes,” mahinang bulong niya habang inaayos ang sniper na dala. Nasa rooftop siya ng isang building, paharap sa kompaniyang pag-aari ng corrupt na senator. Sa katunayan, wala siyang pakialam. Hindi lang mga demonyo at halang ang kaluluwa ang kaniyang mga pinatay, pati rin mga inosente. Hindi na bago sa kaniya ito, dahil ang totoo wala ng natitirang awa sa kaniyang pagkatao. He’s the villain here, the killer and the miscreant. 3... 2... 1...                                        He shoot the target right to his heart. Kitang-kita niyang natumba ito at nagkagulo ang mga tao. Kung meron siyang pattern, iyon ay pinapatay niya ang target deritso sa puso para isahang sakit. After all, heart is the most wicked of all things. Napangiti siya. He can’t wait to claim hhis money. Niligpit niya ang dalang sniper at pasimpleng umalis sa building na iyon na walang nakakapansin sa kaniyang ginawa. Easy as pie. Sobrang dali lang ang pinagawa sa kaniya. Malaki na rin ang kaniyang naipong pera. He need those not for himself, but for those children who were fighting for cancer. May mga foundation siyang sinusuportahan at bawat araw, hindi lang isa namamatay na bata dahil sa cancer. Kaya kung ang pera niya ang makakapagligtas sa mga ito, bakit hindi? “Where are you?” boses ni Ramona ang nasa kabilang linya. Connected ang kaniyang cellphone sa airpods kaya malaya siyang gumagalaw na walang abala. “Why?” “Don Rokassowskij is looking for you. It sounds like... Money.” “Copy.” “See ya!” Hindi siya sumagot. Si Don Rokassowskij, kilala bilang isang mabait na Don na galing sa Finland at dito namamalagi sa Pinas. Marami itong sinusuportahang charity at tingin ng mga tao sa matanda, isang Diyos. Natawa siya at napailing-iling. Pinatay niya na ang tawag at dumeretso sa bahay-ampunan. Bibisitahin lang niya ang mga batang tulad niya na ulila. Kahit papaano, gumagaan ang kaniyang pakiramdam kapag nakikita niya ang inosenteng mukha ng mga ito at walang inaalalang problema sa buhay. Agad nagsitakbuhan ang mga bata nang makita siya at yumakap. Nagpakarga ang ilan sa mga ito pero pinili niyang kargahin iyong mahihina at bata pa. “Kumusta kayo rito? Nagpapasakit ba kayo ng ulo ni Mother Helen, ha?” malambing niyang tanong. Nakaupo siya sa sementong bench habang nakapalibot ang mahigit 30 na mga bata sa kaniya. Dahil hindi niya pwedeng kalimutan, may mga pagkain at laruan siyang binigay bawat isa sa mga ito. Isang buwan na rin last niyang dalaw. “Nagpapakabait po kami! Kasi kapag hindi, baka ‘di mo na kami love.” Natawa siya sa magalang na sagot ng batang kilala niya sa pangalang Erish . Nasa tabi niya ito at naglalambing. Kung kaya lang sana niyang ampunin lahat ng batang ito, ginawa niya na matagal na. But he can’t. Wala siyang stable na tirahan. Palipat-lipat siya. Hindi niya hawak ang kaniyang oras. Marami siyang illegal na gawain at malalagay lang sa peligro ang buhay ng mga ito. Ginulo niya ang bangs ni Erish. 11 years old na ito at naghihintay ng foster parents na pwedeng umampon sa bata. Isa lang ang gusto niya sa mga batang nandito, ang mapabuti ang buhay at ‘di maging tulad niya. Napabuntunghinga siya sa isiping iyon. “Kuya, ‘wag  ka muna umalis. Play muna tayo rito ng habul-habulan,” paglalambing ng batang karga-karga niya ngayon. Nakangiting pinisil naman niya ang pisngi nito. “Kaso hindi pwede kasi... May hika ka...” “Kuya Fender habul-habulan!” Napakamot siya sa ulo nang sabay-sabay ang mga ito na humiling na maglaro sila. Matitiis ba niya? Natatawang napatayo siya at akmang makikipaglaro ng habulan— “Fender...” Napalingon siya nang tawagin ni Mother Helen ang kaniyang totoong pangalan. Agad siyang ngumiti at nagbigay galang sa matandang Madre. “Mother, kayo pala.” agad napa-ayy ang mga bata pero hindi na nagreklamo. Nagpatuloy ang mga ito sa paglaro na hindi siya kasali. “Masaya ako Hijo at nakadalaw ka ulit dito. Lagi akong kinukulit ng mga batang iyan na padalawin ka na.” natatawang saad nito at napailing-iling. May bitbit itong paso ng bulaklak at kasunod ang dalawang babaeng nakasuot ng puting kasuotan. Natigilan siya nang magdaop ang mata nila ng panghuling babae. Una niyang napansin ang parang anghel na kagandahan nito at may suot na belo na nakabalot sa ulo at tanging mukha lang ang makikita. Bumagay rito ang puting-puti na damit, mas lalong lumitaw ang angking ganda ng dalaga. She looks so divine. Her angelic beauty almost made him grasp. Agad siyang nagbawi ng tingin nang muling nagsalita si Mother Helen. Fuck! “Fender, birthday mo na ngayon Septyembre uno. Dumito ka sana sa araw na ‘yan,” saad nito matapos ilagay sa tabi ang bitbit na paso. Sumunod din ang dalawang kasama ng matangdang Madre. Ngumiti siya at napakamot ng ulo. Wala siyang pakialam sa kaniyang kaarawan. Ayaw rin niyang maalala ang araw na iyan. Lihim siyang natawa  ng mapakla at umiling-iling. “Sige ho, Mother Helen, susubukan ko,” palihim siyang sumulyap sa dalagang nakasunod pa rin dito. Napakuyom siya ng kamao. Am I what— love at first sight? But damn, she’s a nun! Nagseryuso siya at tumikhim. Hindi isang Madre o sinong babae ang magpapapukaw sa manhid niyang puso. Wala siyang oras para sa sarili niya. “Nga pala Hijo, ipakilala ko sa ‘yo si Sister Blessy at Sister Anita, mga noviciate. Nandito para tumulong-tulong pansamantala,” panimula nito, “Sister, siya naman si Fender Hearst. Ang lalaking isa sa supporter ng orphanage na ito. Mahal din siya ng mga kabataan dito.” Mabait na ngumiti ang mga ito sa kaniya at tango lang ang kaniyang naging sagot. Hindi na rin siya nagtagal sa bahay-ampunan dahil tumawag na si Ramona. That brat! Inabot niya kay Mother Helen ang batang karga-karga  saka nagpaalam sa mga bata na aalis na. Nalungkot ang mga ito kaya nangako siyang babalik na lang sa susunod na araw— kung makakabalik siya ng buhay. Sa uri ng kaniyang trabaho, buong katawan niya nasa hukay na. Ulo lang ang hindi. Napasulyap muna siya sa babaeng alam niya sa pangalang Sister Blessy, napangiti siya sa maamong mukha nito at magandang mata na mabibilog at kulay light brown. Pinalilibutan ito ng makakapal at mahahabang pilik-mata. Para itong Arabian beauty pero napakainosenteng tingnan. Pinilig niya ang kaniyang ulo. Nang bumalik siya sa hwesyo, do’n lang niya pinagalitan ang sarili. Hindi pwede!   SANDALING napabuntunghinga si Zerus nang dumating siya sa kaniyang penthouse. Nasa sofa na ang kaniyang kapatid na si Ramona at matamang umiinom ng wine. Maarteng nakaupo ito at bahagyang ngumisi. “Hello brother!” He ignored her. Nagpunta siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Kahit doblehin pa niya ang lock ng bahay at lagyan ng maraming security pass, nakakapasok at nakakapasok pa rin ang dalaga. Nasusunod lahat ng gusto nito. Maliban sa may ugali itong bossy, mahirap din pakisamahan ang init ng ulo ng dalaga. Dulo ng baril nito ang nakikipag-usap. “Mainit yata ang ulo mo, palpak ka ba sa trabaho mo?” Natawa siya. Siya? Palpak? Wala siyang hinawakang trabaho na palpak. Lahat ng kliyente nila, masaya sa kaniyang performance lalo na kung paano siya pumapatay. Mapait ang timpla ng kaniyang brewed coffee pero hindi niya alintana iyon. Mas mapait ang sinapit ng buhay niya rati nung palaboy-laboy pa. “Sabihin mo na. I have an appoitment after this.” Humarap siya kay Ramona. Nasa likod niya na ito at maarteng iniinom ang wine na nasa kopita. “You need to change this wine, bro. Mapangla at walang kalasa-lasa. I hate this.” Hindi na siya nagulat nang ibato nito sa dingding ang kopita at nabasag iyon. Hindi lang kopita niya ang binasag nito, marami pang ibang gamit. Kahit bungo ng tao, kaya nitong basagin gamit lang ang 7 inches high heels nitong suot. “Come on, Ramona. I have business to do.” Ngumisi ito at  nameywang. “Short tempered,” anas nito, “Anyways, I’m giving you this personally.” Maarte itong tumalikod. Sinadya pa nitong banggain ang kabibili lang niyang vase galing Pakistan. Nagkadurog-durog iyon ng bumagsak. “Ramona!” Isang malakas na halakhak lang nito ang binigay sa kaniya at kasunod ang pagsara ng malakas ng pintuan. That b***h! Kinalma niya ang sarili at napabuntunghingang pinagmasdan ang basag na vase. Kumuha siya ng trashcan at tinapon ang basag na vase. Ganiyan ang mga babasahing bagay, trashcan lang ang may pakinabang kung nababasag kahit gaano pa ito kamahal. Matapos niyang iligpit ang naghahalagang kalahating million na vase, sinimulan niyang tingnan ang files na binigay nito. Very pleasing sa mata ang mga nakasaad lalo na ang presyo. Dahil wala naman may hawak sa kaniyang kahit anuman organization, tinanggap niya ito. Siya ang totoong may-ari pa rin ng kaniyang oras. Hinagis niya sa ibabaw table ang folder saka tumayo. Inabot niya ang kaniyang jacket at susi. Muli niyang sinulyapan ang kabuuan ng penthouse at nagkibit ng balikat, ibebenta niya ito next month. Lilipat siya sa mas malapit sa City. Sandali niyang tiningnan ang kaniyang hitsura sa salamin ng kaniyang sasakyan. Tinanggal niya ang suot na tatlong hikaw sa kaliwang teynga. Sa bahay ampunan, okay lang kay Mother at sa mga bata na makita ang totoong Fender Hearst. Pero ‘pag pumupunta o bumibisita siya sa hospital, siya na mismo ang nag-adjust. Alam niyang ilag ang ibang tao na makita siyang may peircing sa teynga at sa gilid ng labi. Isali pa ang kaniyang malaking Mandala Tattoo sa gilid ng kaniyang leeg papunta sa kaniyang likod at kaliwang kamay. His look is a total definition of a devil. Inayos niya ang kaniyang buhok. Ginawa niya itong mas disenteng tingnan. Nagsuot din siya ng glasses at sinuot ang jacket. Kahit papaano, nagmukha siyang anghel kahit ang totoo, mas malala siya para ro’n. Nang makitang okay na ang kaniyang hitsura, nagtungo na siya sa malapit na Hospital kung saan alam niyang naghihitay na ang ilang mga kabataan sa kaniya na bibisita siya. Una niyang binisita ang batang nagngangalang Caren. Isang batang pinipilit labanan ang sakit na Spinal Cord Tumor. Agad nagliwanag ang inosenteng mukha nito nang makita siya. Ngumiti naman ang Nurse sa kaniyang presinsya. “Good evening, Mr. Hearst.” Ngumiti siya at magalang na binati ang matandang nurse. “How’s Caren?” “Namimiss ka. Kanina pa tanong nang tanong kung kailan ka bibisita rito.” Ngumiti lang siya at hindi na tumugon sa sinabi ng babae. Deritso lang tinungo ni Zerus ang batang si Caren na nakaratay lang sa hospital bed. “Hi, sweetcake!” “K-kuya Fender!” Hinaplos niya ang buhok nito at ginawan ng halik sa noo. “Na-busy si kuya, sweety. But I have a surprise for you!” Agad niyang nilabas ang dalang magandang manika na nakabalot pa. Nagliwanag ang mukha nito nang tanggapin nito ang kaniyang binigay. “Her name is Caren, too. Say hi to her, sweety,” magiliw na saad niya sa bata. Natutuwa siya na nag-response ito sa bawat gamot na binigay rito. “Kuya ang cute ni Caren!” “Yes. She looks exactly like you. Kaya dapat magpagaling ka, ha?” Sunod-sunod na tumango ito at nagpayakap sa kaniya. Masuyong niyakap niya ito at binantayan hanggang sa makatulog. Umalis lang siya nung masigurong tulog na ito at dumating ang ina ng bata. Binisita rin niya ang ibang mga bata pa at naki-pagkwentuhan sa mga ito. Umalis lang si Fender nung masaya makitang masaya na ang bawat kislap ng mga bata at sandaling nakakalimutan ang sitwasyon. Napabuga siya ng hangin nang pumasok siya sa kaniyang kotse. Nalulungkot siya sa para sa mga bata at kahit ‘di siya nagdadasal, lihim niyang inasam na sana gumaling na ang mga ito. Masyado pa itong mga bata para magdusa sa loob ng Ospital at makaranas ng sakit. Muli, biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakita niyang si Ramona ito pero pinili niyang ‘wag sagutin. Tinanggal niya ang suot na glasses at binalik ang mga suot na hikaw. Inayos niya rin ang kaniyang buhok at naglagay ng cap. Muling tumingin siya sa wristwatch na suot. May target siya ng gabing ito at kailangan niyang mapatumba ito by 12 midnight sa mismong bahay ng biktima. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan sa maluwang na kalsada. Nung unang pumatay siya ng inosenteng buhay, halos hindi siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Hanggang sa nakasanayan niya na. Para sa kaniya, ang buhay ng tao parang bunga— nahuhulog kapag may bumato. At siya, siya ang nambabato ng bunga. Binuksan niya ang car stereo at hinayaang sakupin siya ng magandang tugtugin. Napangiti siya at bahagyang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang marinig ang mga kanta ni Alan Walker. Hindi pabor sa kaniya ang mga kanta pero marunong siyang pumili. Saglit siyang huminto nang may madaanan siyang dalawang batang nag-aagawan ng kapirasong pagkain sa labas ng isang bukas na fast food at may mga kumakain sa loob. Sandali siyang sumulyap sa relong suot, kaya niyang umabot. Agad siyang nag-park sa unahan at kinawayan ang dalawang batang walang suot pang-itaas. Lihim siyang napabuntunghinga sa kahabag-habag na hitsura ng mga ito. “Bakit po?” magalang na tanong ng batang tingin niya ay nakakatanda. “Bakit kayo nag-aagawan sa isang pirasong fried chicken?” kahit alam niyang sagot, nakuha pa rin niyang magtanong. Bahagya siyang yumukod para magtagpo ang tingin niya sa dalawang bata. Agad napakagat ng labi ang isang bata at halatang maiiyak. “G-gutom na po kasi kami... Pasensya po.” Ngumiti lang siya at masuyong ginulo ang buhok ng bata. “Para hindi na kayo mag-agawan. Kakain tayo sa loob. Gisingin niyo ang mga kasama niyo,” sumulyap siya sa tatlong batang nakahiga sa kalsada at halatang nanghihina sa gutom. Agad nagliwanag ang mga mata ng dalawa at hindi na nagtanong pa. Masayang ginising ng dalawa ang mga kasama nito at mabilis na lumapit sa kaniya. Lahat napalingon sa kanila nang pumasok sila. Agad nagreklamo ang ibang customer pero hindi niya pinansin ang mga ito. Ang mahalaga, malagyan ng pagkain ang kumakalam na sikmura ng mga batang nasa kalye kahit galing sa masama ang perang meron siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook