Maaga pa lang sila kinabukasan ni Indang sa simbahan. Dala-dala niya ang rosary na binigay sa kaniya ni Fender at mahigpit na hinawakan iyon. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil ‘di pa rin siya pinapabayaan nito sa kabila ng pagsubok na binigay nito sa kaniya. Matapos nilang magsimba ni Indang, deritso silang nagtungo sa palengke. Nilakad lang nila iyon. Sanay naman siya sa mahabang lakaran kaya walang problema ‘yon kay Blessy. “Malaki ang palengke pero pasaan ba at mahahanap natin ‘yang jowa mo na laging nawawala.” Hinawakan siya ni Indang sa braso. Ito kasi ang may alam sa mga pasikot-sikot sa lugar. “Dikit ka lang sa ‘kin, Blessy, ha? Mainit sa mata ng mga tambay rito ang maganda mong mukha.” Bahagya niyang hinampas sa braso ang kaibigan. “Baliw ka. Hindi ako maganda.” Nagkibit lang i