UMALIS si Zerus sa harapan ni Blessy. Mabilis siyang nakabalik sa kaniyang sasakyan matapos may nangyari sa kanila ni Blessy sa loob ng hospital room. Mahimbing na itong nakatulog at nakiusap ito sa kaniya na ‘wag niya itong iwan sa ikatatlong pagkakataon bago nito pinikit ang mata na nakayakap sa kaniya. Parang sasabog ang ulo niya sa sakit habang nakatitig siya sa magagandang mata nito. May nakalimutan siya sa nakaraan niya, iyon ang alam niya pero ‘di siya sigurado. Tandang-tanda niya ang kaniyang kabataan na nakatira siya sa kalye at naghihirap na parang daga. Naalala niyang nakatira siya ng ilang buwan sa isang dumpsite at nagkaro’n ng mga kaibigan pero pagdating kay Blessy, wala siyang maalala. Hindi niya matandaan na may nakaraan silang dalawa. Humugot siya ng malalim na buntungh