Maraming dumaang garbage truck. May mga tao rin may dala-dalang sako at patpat. May mga minor-de edad at may mga matatandang nagsimulang maghanap-buhay mula sa mga basurang tinatapon ng mga truck. Nag-agawan pa ang mga ito sa basura na pwedeng gamitin pa. Basura para sa iba pero sa mahihirap na taong tulad nila, ginto ang tingin nila. Bigla siyang nalungkot sa parteng iyon. Ang daming tanong sa utak niya at isa na ro’n, kung bakit ‘di pantay ang lahat. Pero nanatili lamang ang lahat ng ‘yon sa kaniyang utak, wala siyang planong kwestyunin ang likha ng Diyos. “Anong iniisip mo?” mayamaya’y tanong nito sa kaniya. Binalik nito sa kaniyang bag ang tubig at bahagya siyang tinapik. Bumaling ang kaniyang tingin dito at tipid na ngumiti. “Wala,” napatingin siya sa katawan nitong maraming pasa. H