Chapter 13

2994 Words

an si Fender, maling-mali siya. Dahil nagsimulang naging magulo ang kaniyang tahimik na mundo. Paulit-ulit na lumitaw sa utak niya ang lahat at, mas malinaw niyang naaalala ang lahat. Hindi basta-basta isang lalaki lang si Fender sa buhay  niya. “Sister, bakit ang lungkot niyo po?” Napatingin siya sa batang nagngangalang Raiza at masuyong hinaplos ang mahaba nitong buhok. “Mukha ba’ng malungkot si Sister Blessy?” Inosente itong tumango. Marahan naman siyang napabuntunghinga at malambing na ngumiti rito. Hindi niya pwede ipakita sa mga bata na apektado siya. “Sister, nagluto ako ng paborito niyong ginataan hito ni Mother Jean.” Hindi siya napakibo sa sinabing iyon ni Manong Ben. Masaya ito nang makita siyang bumalik ng Felopina. May naaalala siya sa ginataang hito na binanggit nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD