Kabanata 14
HABANG nasa daan, napapa-isip siya kung anong puwedeng ibigay dito. Kagat-kagat niya ang kanyang labi. She's spacing out. Nabalik lamang sa sa kanyang katinuan nang marinig niya ang malakas na busina ng isa pang sasakyan na nasa kanyang likuran.
"Ugh," inis na ungol niya sa kanyang sarili at inapakan na ang gas pedal. Kanina pa pala siya nakahinto. Mahina niyang natampal ang kanyang noo. What is wrong with her? Napailing siya at biglang naalala ang isa pang trabaho ng lalaki. He works at the art gallery as a tutor. That's it! He likes to paint! Mabilis niyang kinabig ang manibela at tinungo ang pinakamalapit na tindahan ng mga art materials.
NANG dumating siya sa National Bookstore ay agad siyang naghanap ng mga art materials. Nagpa-assist na rin siya sa isang sales lady kung ano ang mga gamit na puwede niyang bilhin dahil wala naman siyang idea sa mga ganoong bagay. Unlike what she likes. Kung numbers lang ang pag-uusapan? She can do balancing, answering math problems and all.
"Ma'am? Ito lang po ba lahat?" tanong sa kanya ng sales lady.
Napatingin siya sa basket na dala nito. May sketch pad, oil pastels, isang set ng fiber color pencils, may sinama ring complete set ng Prisma colors, castor oil, charcoal powder, eraser na pagkamahal-mahal, may kasama ring mga paint brush at iba pa. She can't mention it all.
"Ano pa bang kulang diyan? Hindi ko kasi alam. May pagbibigyan lang ako nito," aniya.
"Mga gamit pong ballpen at markers para sa Calligraphy. Different shades din po ng pencils."
"Oh? Can you give me a set of those please?" aniya. Tumango naman ito at pumunta na sa may cashier.
Habang naghihintay siya'y umikot din muna siya para bumili ng bagong libro na kanyang babasahin. She chose the set of Percy Jackson Series. Nang matapos siya sa pagpili ay bumalik na siya sa may counter. They punch all the item at the counter machine. Naglabas din siya agad ng credit card niya.
Pagkatapos ay ibinigay na sa kanya ang resibo at nang tingnan niya ito'y halos malula siya sa kanyang nabayaran maliban sa librong idinagdag niya. That art materials was almost twenty thousand pesos.
"Oh?" sambit niya sabay kibit-balikat.
Itinago niya na ang resibo at kinuha na ang mga pinamili niya.
NANG umabot siya sa kanyang sasakyan ay agad din naman niyang ipinasok sa loob ng backseat ang kanyang mga dala. She then headed to her favorite cafe.
WHEN she reached there. Agad siyang bumaba ng kanyang sasakyan at pumasok sa store. Nag-order siya agad ng kape.
"Hello ma'am," bati ni Leo sa kanya.
"Hi?" tipid na bati niya.
"Same po ba ma'am?" tanong naman ni Joseph sa kanya.
"Yes please," sagot niya.
"Bakit hindi na lang natin kuning full time si Val?" biglang wika ni Leo.
"Sinabi ko na iyan kay boss. Si Val mismo ang tumanggi. Gusto niya talaga magturo doon sa art gallery," sagot naman ni Joseph.
"Kaya nga," sang-ayon din naman ni Leo.
He loves art. Bigla siyang napangiti. Sakto ang mga pinamili niya.
"Wait, pakidagdagan ng isa pang coffee ang order ko. Ganoon pa rin," aniya.
"Yes ma'am," masiglang tugon naman ni Joseph.
Pagkatapos gawin ang kanyang kape ay agad din naman itong ibinalot at ibinigay sa kanya.
Diretso siya agad sa kanyang sasakyan at pinasibad na ito papuntang art gallery kung saan naroon ang lalaki.
While driving, she can't stop herself from tapping the stirring wheel of her car. Kinakabahan siya at may halong excitement ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit pero 'yon talaga ang nararamdaman niya.
MINUTES passed, she finally reach the art gallery. Nakita niya agad ang lalaki na abala sa pag-aayos ng mga display na furniture. Bumaba na siya sa sasakyan at kinuha ang mga pinamili niya, pati na ang kapeng binili niya. Nang balingan niya muli ang lalaki ay wala na ito. Mukhang may iba na naman yata itong ginagawa.
Tumawid na na siya sa kabilang kalsada at napatigil mismo sa tapat ng art gallery. Napatingin siya sa note na nakalagay sa pinto. Nakalagay dito na bukas ang art gallery from nine in the morning till three in the afternoon. May nakasulat din na tumatanggap sila ng art class. Kumikit-balikat balikat siya. Good thing hindi siya gaanong nagtagal sa pamimili niya. Pumasok na siya sa loob.
"Good morning—Dominica," ani Valentine at mukhang nagulat sa pagdating niya.
"Hi?" alanganin niyang bati at bahagyang napangiwi. Alright, nabibigatan na siya sa kanyang mga dala.
Nang mapansin naman nito ang mga dala niya'y agad itong lumapit sa kanya. Kinuha nito ang mga dala niya at ipinatong sa mesa saka bumaling sa kanya ang lalaki. Ngumiti ito ng kay tamis at hayan na naman ang kakaibang t***k ng puso niya.
"Napadalaw ka?" anito.
"I just want to give you those," itinuro niya ang mga paper bag na dala niya.
"And this," segunda niya sabay bigay sa kapeng dala niya. Bahagya namang kumunot ang noo nito.
"Para saan ang mga ito?" tanong nito.
"My way of saying thank you for finding my necklace?" aniya pa. Para tuloy hindi kapani-paniwala ang sinabi niya dahil muntik pa siyang mabulol. But that was the truth! Her mind whines!
Pinagtitingnan naman nito ang laman ng mga paper bags.
"Ang dami nito Nica," ani Valentine. Natigilan siya. Only Felix called her like that.
"Bakit?" taka nitong tanong. She must be look flushed right now.
"You called me Nica," mahina niyang sabi.
Lumapit naman ito sa kanya. Bahagya itong yumuko. Siya naman ay tumingala rin ng konti.
"Gusto kitang tawagin sa ganoon. May magagalit ba?" Napalunok siya.
"N-no," sagot niya at agad na nag-iwas ng kanyang tingin. Narinig naman niya ang pino nitong pagtawa.
"Then it's settled," anito pa. Kumunot naman ang kanyang noo. Wala siyang maintindihan.
"Hindi ka na sana nag-abala pa," anito pero malumanay ang pagkasabi nito sa kanya. Tipong hindi nakaka-offend.
"No, I really want to give you a present. Importante sa akin ang kuwintas na 'yon kaya nakakahiya kung hindi ako nagbibigay ng reward man lang sa iyo—"
"You is enough," anitong bigla dahil para matigil siya sa pagsasalita.
"Pardon me?" aniya dahil baka namali lang siya ng pakikinig. Nginitian lamang siya nito. Jeez! She know she heard it right!
"Uhm," utas niya. She flush again. This is awkward.
"I must go now," aniyang bigla.
"Stay," sagot nito. Diretso siyang napatitig sa mga mata nito. He's serious!
Napatikhim siya. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot. Marahas siyang napabuga ng hangin.
"Kung hindi ka naman busy, puwede kitang i-tour sa loob."
"Free access?" tanong niya pa. Tumango naman ito sabay senyas na mauna siya sa loob.
"Beverage is allowed?"
Tumango naman ito at kinuha ang kapeng bigay niya. Pinauna siya nitong pinapasok sa loob.
Namangha siya sa nakita niya. The wall is painted with different arts yet it shows how they are connected and the color were use was pastels. Kailangan pa rin naman kasing ipakita kung gaano kaganda ang mga canvas na nakasabit sa bawat sulok ng pader.
"It's my first time in here," pag-amin niya. Madalas siyang pumunta sa office ng kanyang Papa at hindi man lang nagawi sa isip niya na bumisita rito kahit isang beses man lang. Well, you can't blame her. She's really not into arts.
"Do you like my gift?" tanong niya. Wala kasi itong sinasabi, kanina pa. Baka kasi hindi nito nagustuhan ang bigay niya. Crap!
"Yes," nakangiti nitong sagot sa kanya. Napangiti rin siya. She's glad, knowing that he likes it.
Nilibot niya ang buo niyang paningin sa art gallery. Sila lang dawala ang nasa loob at sobrang tahimik pa ng lugar.
"No visitors?" curious niyang tanong.
"Usually nagpupunta ang mga bisita around one p.m," anito at uminom ng bigay niyang kape.
"And you don't have class today?" tanong niya ulit. Well, alam niyang masiyado na siyang naging madaldal but she just want to ease the tension she feel right now.
"Upstairs. Gusto mong makita? May students na akong dumating, kanina pa."
Binalingan niya ito at huminga ng malalim. Saglit siyang napatingin sa suot niyang relo. Wala naman siya schedule today, so why not?
"Okay," aniya. Muli siyang nginitian nito at lumakad na. Tinungo nila ang hagdan sa may pinakasulok. Umuna sa pag-akyat si Valentine habang siya naman ay nakasunod lang din. Nang nasa itaas na sila'y may maliit na hallway at sa dulo no'n ay may pinto. He step forward and gesture to her. The door was made of clear glass kaya kita sa loob kahit na hindi ka na pumasok.
Sumilip siya then she saw three young girls and one boy facing their canvas.
"They're busy painting," mahinang utas niya.
Bigla namang lumapit si Valentine sa tabi niya at sumilip din sa loob. Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha at heto na naman ang kakaibang kaba sa dibdib niya.
Agad siyang napaatras ng konti at dahil do'n ay bigla siyang nilingon ni Valentine. At dahil din sa nagulat niya'y nawalan siya bigla ng balanse at muntikan nang matumba. Mabuti na lang at mabilis ang lalaki. Nahawakan siya nito sa kanyang baywang.
"Ayos ka lang Nica?"
"Ha?"
Pino itong tumawa.
"Are you okay?" ulit pa nito.
"Ha? Uhm—yes," aniya at agad na umatras muli. Inayos niya ang kanyang sarili. "Sorry," dagdag niya pa.
Agad naman itong umiling at nginitian siyang muli.
"Gusto mong pumasok?" alok nito.
"No. I will be just a disturbance to them," sagot niya.
"Hindi naman. May tinatapos lang sila na activity."
"Oh? Okay but still I refused," aniya. Kumikit-balikat balikat naman ito at hindi na siya pinilit pa.