Kabanata 13
NANG marating niya ang simbahan ay agad din naman siyang pumasok. Si Father Robert pa rin ang sumalubong sa kanya. Binati niya ito at pagkatapos ay umupo na siya sa paborito niyang puwesto.
Nagsimula na siyang magdasal habang nakaluhod. Pagkatapos ay tumayo na siya. Laking gulat niya pa nang makita ang lalaki na nakaupo sa kanyang tabi.
Sandali pa siyang napalinga sa kanilang paligid. Sila lang dalawa ang narito at mukhang tinotoo nga nito ang sinabi nito noong nakaraang araw.
Alanganin siyang umupo at umurong paatras. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. She's caught off guard again.
"Tapos ka na?" anito.
"Ha? Ah oo, ikaw?" balik niyang sagot.
"Katatapos ko lang din maglinis sa altar," anito at matamis siyang nginitian. Her heart suddenly melt. Saglit siyang napakurap. She must not think that way to him. Valentine is still a stranger.
Konti siyang napatikhim.
"I noticed you have a lot of jobs lately," aniya at tinatansya pa kung may mali ba sa sinabi niya.
"Tama ka. May tatlong trabaho ako. Monday to Wednesday ako sa cafe, tapos sa Thursday naman, may art tutorial ako, tapos dito sa simbahan every day, tuwing madaling araw."
Napaawang ang bibig niya. Bigla siyang nakaramdam ng awa, and at the same time, she feel ashamed to herself. Seeing Valentine face, he was okay with having three jobs, samantalang siya'y nasa kanya na lahat pero may complain pa rin siya sa buhay niya.
Napayuko naman siya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"Why having so many jobs? Puwede namang isa lang, 'di ba?" curious niyang tanong at napatingin dito. Natigilan naman siya dahil nakatitig pala ito sa kanya.
"Kailangan e," sagot nito at nginitian siya. His smile. It's thawing her.
Agad siyang nag-iwas ng tingin dito.
"Okay, aalis na ako," sagot niya at tumayo na. Tatalikod na sana siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay. Napatigil siya at diretsong napatitig sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Then she suddenly feel a light electricity runs through her veins. Agad niyang nahila ang kanyang kamay.
"Nagustuhan mo ba ang macaroons na bigay ko?" tanong nito.
Kumunot naman ang kanyang noo.
"Macaroons? Oh, I haven't tasted it yet..." Natigilan siyang muli.
"Bigay mo?" medyo gulat niyang tanong at gusto niya ring magtanong dahil baka nabingi lang siya sa narinig.
"Oo, gawa ko 'yon," sagot nito at napatayo na rin.
"Akala ko ba bigay 'yon ng barista sa cafe?" aniya.
"Dahilan lang 'yon para malapitan kita. Ang akala rin ni Joseph, sariling dala mo 'yon," paliwanag nito.
Napasinghap siya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Masiyado itong honest sa bawat salitang binibigkas nito. How would she know if he's telling the truth? It's very simple. By looking at his eyes and how he looks at her straight in the eyes. Obvious naman kapag nagsisinungaling ang isang tao. They have so many alibis.
"And?" tanging nasambit niya.
"Ingat ka sa pag-uwi. See you later at the cafe and till Monday again," anito at umuna na sa pag-alis. Laglag ang kanyang panga. Is that an order? A demand? She cross her arms. The way he said it, feels like they're gonna see each other again. Often. Paano namang hindi? Eh lagi siyang nakatambay sa cafe.
Napailing siya sa kanyang sarili at wala sa sariling napatingin sa suot niyang relo. Namilog ang kanyang mga mata. It's almost quarter to six.
"Ugh!" inis na ungol niya sa sarili at agad nang nagmadali. How long does she lost in trance? She don't know!
NANG makauwi siya ng bahay ay halos mabingi na siya sa sariling pintig ng kanyang puso. Kinakabahan kasi siya. Baka kasi magtaka ang Papa Emilio niya kung bakit natagalan siya sa pag-uwi.
Gusto niya tuloy sisihin ang lalaki but come to think of it. May kasalanan din naman siya dahil mukhang napasarap yata ang kuwentuhan nilang dalawa kahit first time pa lang nilang magkausap ng ganoon kahaba.
"What took you so long Dominica?" salubong ng kanyang ama. Nakasuot na ito ng pang-opisina at naghahanda na para umalis.
"Sorry Papa, I got carried away and I forgot the time," sagot niya at lumapit sa ama. Humalik siya sa kaliwang pisngi nito.
"I'll be gone again Dominica. Maybe one week or two?" Saglit pa itong nag-isip.
"Business again?" aniya. Wala rin naman kasing ibang inatupag ang kanyang ama kundi ang palakihin pa lalo ang negosyo nila.
"Papa, why can't you just let David take care of it? You're the Chairman, at least you can have some time to relax too," aniya at bigla rin naman siyang naging alanganin sa huli. Baka kasi may mali sa kanyang nasabi.
Speaking of David, pinsan niya ito sa father side at ito ang vice president ng kanilang kumpanya.
"You know I am hands on dealing with our investors sweetie and I don't trust David," anito at muntik pang mapairap. Muntik pa siyang matawa dahil sa naging reaksyon ng kanyang ama. Well, he can't blame his father for not trusting David. David has its own perspective to run their company and her father doesn't like his ideas at all. Masiyado kasi itong padalos-dalos at lagi namang pumapalya ang mga transaction nito. Her father always fix that mess that is why she can't blame him for being so hands on.
She raised her both hands. Hudyat ng pagsuko sa pakikipagtalo.
"Always take care Papa," aniya at yumakap dito. Pagkatapos ay kumalas na siya. Her father then kissed her forehead then bid his goodbye.
Sinundan niya ng tingin ang ama. Sumakay na ito sa sasakyan hanggang sa tuluyan nang mawala sa kanyang paningin ang sasakyan nito. Saka naman lumitaw si Jorge. She utter a word thank you to him and smile. Sinuklian din naman siya ng matamis nitong ngiti. At least she have now her partner in crime.
Umakyat na siya sa kanyang kuwarto at naghanap ng bakanteng jewelry box. Inagay niya roon ang kanyang kuwintas.
Bigla naman niyang naalala ang tagpong iyon noong nakaraang araw. Mariin siya napapikit. His eyes were talking. His smiles were enigmatic and his words is like a magnet, engraving his heart. Thawing her. Jeez! Agad siyang napadilat. Her she goes again. Losing her self.
Nahilot niya ang kanyang sintido. On the second thought, she must give him a thank you gift. Yeah. That's it!
Itinago niya na ang box. Muli siyang nagpalit ng damit. She's gonna go shopping.