Kabanata 23
Dumating naman si Ms. Perez at agad na lumapit sa kanya.
"I am stuck here, Rona," aniya. She call Ms. Perez to her first name.
"Po?" taka pa nitong tanong.
"My slacks were stuck in the chair," mahina niyang imporma kay Rona. Namilog naman ang mga mata nito at agad na inusisa kung totoo ba ang sinasabi niya. Nagulat ito dahil talaga ngang nakadikit ang suot niyang damit sa upuan.
"Diyos ko ma'am, wala po akong alam tungkol dito," ani Rona at halatang namumutla na sa kaba. She was afraid that maybe she will fire her.
"Relax Rona," aniya pa pero para na itong maluluha.
"Sorry talaga ma'am," anito at paulit-ulit itong humingi ng paumanhin sa kanya. Huminga siya ng malalim.
"Do you have a shaul? Or anything that I could cover while I am undressing?"
Napatigil naman ito sa ka-so-sorry sa kanya.
"Yes ma'am, wait lang po," anito at agad na umalis sa kanyang harapan.
She patiently waits until Rona came back with a shaul. Mabilis niya itong kinuha at itinakip sa kanyang mga hita. She undress herself. Mabuti na lang at enclose itong office kaya walang makakakita sa kanya sa ganitong ayos.
Nang makaalis siya sa kinauupuan at agad niyang ibinalod ang kanyang sarili gamit ang shaul na hawak niya.
Dismayadong-dismayado naman si Rosa habang napapailing sa nakita. The slack was really stuck on the chair.
"Ma'am, please, huwag niyo po sana akong sesantehin. Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito," pakiusap nito at parang isang salita niya lang ay maiiyak na ito. She sighs.
"It's not your fault, I won't fire you. Pero sana huwag na maulit ang ganito."
"Actually ma'am, pangalawa po kayo na ginanito. Iyong una pong na assign dito, nag-resign din po," pag-amin pa nito.
"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong.
"Hindi ko po alam kung totoo po ang usap-usapan pero, kapag po kasi hindi nila gusto iyong bagong naka-incharge dito ma'am, binu-bully po nila."
Nagsalubong naman ang kanyang kilay. That thing is definitely wrong.
"Na-report mo na ito sa itaas?" tanong niya.
Umiling ito. She can see, she's scared. She despair. Mabuti na lang talaga at napilit niya ang ama niya na mag-umpisa sa mababang posisyon dahil kung hindi, hindi niya malalaman na may ganito na pa lang nangyayari.
"Don't worry. I will try to find out who did this. May mga CCTV naman tayo, 'di ba?"
Tumango naman si Rona. Good thing. She can now know who's the culprit.
"You may now leave. Ipapatawag na lang kita kapag may iba pa akong problema na nakita," aniya. Tumango naman ito at iniwan na siyang mag-isa.
Napamaywang siya. This problem, should be fix right away. At pananagutin niya talaga ang may sala.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang slacks at tumawag sa bahay. Naghabilin siya kay Yaya Fatima na ipadala kay Jorge ang ilan niyang mga damit. Duda kasi siyang may mangyayari pa sa kanya ngayong araw.
After that, she went out and wander back to her original office. Wala namang nagtaka kung bakit ganoon ang ayos niya. Good thing! She really just know how to handle herself from wearing anything and make it as a fashion statement.
Nang makabalik siya sa opisina niya'y sakto namang dumating si Jorge, dala ang mga kailangan niya. Nagpaalam din naman ito agad kaya naman ay agad din siyang nagpalit ng bagong damit. Napailing siya. That slacks is not as simple as it is. Mahal iyon at nasasayangan siya. Nahilot niya ang kanya batok. Kumalma lang siya nang maalala niyang may ibinigay pala si Valentine sa kanya. Kinuha niya ang supot at binuksan ito. Isang supot ng coconut macaroons ang laman nito. Napangiti siya. He's really thinking her well-being. That's so sweet of him. Sandaling nawala ang init niya ng ulo. Binuksan niya ito at kumain ng isang piraso. That sweetness of the coconut macaroons is so scrumptious.
Pagkatapos niyang kumain at muli niya na itong itinabi. She went outside of her office. Agad niyang tinungo ang security room. When she reached there. She immediately approach the staff. Nagpakilala siya and good thing, nakilala naman siya ng isa sa mga guard na naka-monitor sa CCTV.
Agad siyang nag-request ng footage roon sa stock area pero laking gulat niya dahil wala man lang footage na nakunan. It was empty! Muling sumakit ang kanyang ulo.
"Please, be fully aware of this particular area. Someone is doing stupid behind my back," bilin niya pa sa security.
"Yes po ma'am," sagot naman ng isa sa mga ito.
Matapos niyang magbilin sa mga security ay muli rin naman siyang bumalik sa kanyang opisina.
She then make her busy, finishing the unfinished reports of the record files.
NAHILOT niya ang kanyang batok. Buong maghapon yata siyang nakaupo lang habang ini-organized ang mga records. She smoothly finish some of those. Ang iba ay need pa ng confirmation. She was just so glad that from to time kapag may tanong siya ay agad namang nasasagot ni Ms. Perez ang lahat ng inquiries niya. Nalaman niya rin kasing ito pala muna ang pansamantalang nag-take over ng pagma-manage sa mga stocks habang wala pang pamalit iyong huling nag-resign sa trabaho.
She sighs and lean her weight against the swivel chair. Bigla namang tumunog ang kanyang tiyan. It's growling. Saka niya lang napagtantong nakalimutan niya pa lang mag-lunch. Ngayon tuloy ay parang sasakit pa ang tiyan niya dahil sa hindi pagkain kaninang tanghalian. Hindi pa naman siya sana na mag-skip ng lunch, even breakfast nor dinner.
Nailing siya at muling bumuntong-hininga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha na ang kanyang mga gamit. Nagligpit na rin siya at sinigurong maitatago niyang mabuti ang mga record files na hawak niya. Baka kasi may mang-trip na naman sa kanya. After that she went outside of her office and double check it if it's lock. When she's sure, she immediately wander out of the building.
Habang naglalakad siya papunta sa kanyang kotse ay hindi niya maiwasang mapahawak sa tiyan niya. She's kinda having a acid reflux dahil sa walang laman ang kanyang tiyan.
Nang umabot siya sa kanyang sasakyan ay agad niyang binuksan ito at ipinasok sa loob ang dala niyang mga gamit.
"Nica?"
"Oh my goodness!" bulalas niya habang sapo ang kanyang dibdib. Feels like her soul was flew away from her body. Maiinis na sana siya pero agad siyang napaurong. It was Valentine.
"Sorry, nagulat kita."
She clear her throat.
"Konti," pagsisinungaling niya.
"Nagpunta lang ako sa art gallery, may kinuha lang akong art materials, kaya na-isipan ko na ring puntahan ka rito. Nakita ko kasi sasakyan mo," anito. Napatingin naman siya rito. Wala naman itong dala, maliban sa bag pack. It must be there.
"Oh, yes, ngayon lang kasi ako medyo natapos sa ginagawa ko," sagot naman niya.
"How's work?" tanong pa nito.
"Okay lang," sagot naman niya. Well, umiiral na naman kasi ang pagiging mahiyain niya kapag kaharap niya si Valentine.
Her stomach growls again. Napahawak siya sa kanyang tiyan. She's really hungry.
Napansin naman iyon ng lalaki.
"Sorry, I haven't eaten my lunch and—"
"Tara," anito at bigla siyang hinila. Hindi naman iyong tipong malakas, sakto lang para mapatianod siya.
"Wait, iyong bag ko, saka hindi ko pa na lo-lock 'yong kotse," awat niya pa.
"Okay," nakangiti naman nitong sagot at binitawan siya. Agad siyang bumalik para kunin ang kanyang bag at i-lock ang kanyang sasakyan.
Pagkatapos ay muli siyang lumapit kay Valentine.
"Saan ba tayo pupunta?" curious niyang tanong.
"Don't worry, sandali lang tayo," anito pa. Kumunot naman ang kanyang noo.
"Baka kasi hanapin ako sa bahay," sagot pa niya. Well, nakakahiya mang aminin pero sa laking damulag niya'y may curfew pa rin siya. It's not that totally a curfew pero parang ganoon na rin kasi ang pag-intindi niya sa bilin ng kanyang Papa Emilio na dapat maaga siyang umuwi. Kahit ano pang lakad iyon Basta dapat before eight in the evening dapat nasa bahay na siya.
"May curfew ka?" tanong naman nito.
"Parang oo," alanganin niya pang sagot.
"Anong oras?"
"Eight," tipid niyang sagot. Bigla naman itong ngumiti sa kanya.
"Good thing, may oras pa tayo," anito at muli ay hinawakan ang kanyang kamay. She's a bit startled by him, touching her, holding her hand. A part of her saying, it's fine, but half of it says, it's not okay. Baka kasi makasanayan niya at baka hanap-hanapin niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya ulit at panay na ang paglingon niya sa paligid. Alam niya kasing nakamasid lang din sa kanya si Jorge.
"May hinahanap ka?" biglang tanong ni Valentine sa kanya.
"Me? Ah, no?" alanganin naman niyang sagot. Hindi naman ito nagtanong pa ulit at kinayag siya papunta sa mga nakahelerang mga tindahan na may panindang iba't ibang klaseng street foods.
"Isawan?" mahinang bulalas niya.
"Hindi lang basta isawan ang nandito. Kung gusto mo, may beef pares din doon sa kabila, o kaya goto," paliwanag pa nito sa kanya.
Napangiwi siya. Never in her whole life she eats a street food, in a street market. Hindi naman sa nag-iinarte siya but believe it or not. It's her first. Ngayon niya lang din nalaman na may ganito pala dito malapit sa kanilang company building.