Kabanata 22

1564 Words
Kabanata 22 Nagsimula na siyang kumain dahil mukhang tapos na ring kumain si Leo. Pagtapos niyang kumain at naghugas siya ng pinggan. Pagkatapos niyon ay muli siyang nagbihis at naghanda na para pumasok sa trabaho. SABAY silang pumasok ni Leo sa Cafe. Nasa counter na rin ang Barista nilang si Joseph. Nag-mo-mop na siya ng sahig nang marinig niyang may pinag-uusapan ang dalawa. "Pre, baka naman puwede mo akong ihingi ng number doon kay ma'am?" wika Joseph. "Ma'am? Sino?" taka namang tanong ni Joseph. "Sino pa ba? Si Ms. Castillano," sagot naman pabalik ni Joseph. "Pre, kahit tumulay ako sa alambre, gagawin ko, pero iyang paghingi ng contact information kay Ms. Castillano? Malabo kong gawin 'yon. Baka tanggihan ako Pre!" sagot pa ni Leo at halata sa boses ang matinding pagtanggi. "Pare naman!" maktol ni Joseph. Malakas lang siyang tinawanan ni Leo at tinapik sa balikat. Nailing siya. Kung alam lang ng mga ito na malapit ang dalaga sa kanya'y siguradong kaiinggitan siya ng mga ito. Lumapit naman si Leo sa kanya. "Val, may narinig akong tsismis kanina," panimula pa ni Leo. Mahina lang ang boses nito na para bang sila lang dapat ang makarinig. Kumunot naman ang kanyang noo. "Oh?" mahina lang din niyang sagot kay Leo. "May nakakita raw sa iyo kaninang madaling araw? May kasama ka raw na babae?" bulong pa ni Leo sa kanya. "Sino nagsabi sa iyo?" curious naman niyang tanong. "Iyong Landlord natin. Nagpunta raw siya ng simbahan kanina tapos nakita ka raw niyang may kasamang babae. Hindi niya lang mamukhaan kung sino." "Ah," tipid niyang sagot. "Ha? Seryoso Val? Sino iyon? Iyan ba iyong sinabi mong sinamahan mo noong isang araw?" Tumango naman siya. "Nagkataon lang na nagkita kami sa simbahan ng mga oras na iyon," pagdadahilan niya pa. Ayaw niya sanang magsinungaling pero ayaw din naman niyang pangunahan ang dalaga. Baka kasi ayaw din nitong ipaalam sa iba ang ugnayan nilang dalawa. Wala naman silang kahit na among relasyon na matatawag pero gusto niyang irespeto kung anuman ang iniisip ng dalaga. "Hindi na yata nagkataon iyon Val, tadhana na yata 'yon." Tinawanan niya lang ang turan nito sabay iling ng kanyang ulo. Hindi naman na ito nangulit pa at mabuti na lang ay nilubayan na siya nito. Good thing! Ayaw pa naman niyang magkaroon ng misunderstanding sa dalawa. SHE was fixing her hair. Nasa loob na siya ng sasakyan at busy pa siya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok gamit ang blower. Nang matuyo ang buhok niya ay itinabi niya na ang blower at pinaandar na ang sasakyan. She must not be late. Unang araw niya sa trabaho. She should set a good example to other employees. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa side mirror at inusisa kung kumalat ba ang kanyang lipstick. Inayos niya rin ang suot niyang puting blouse habang ang mga mata ay nakatuon lamang sa kalsada. Sandali pa niyang itinigil ang sasakyan nang mahinto siya sa tapat ng La Simeona Cafe. Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan habang inaayos ang kanyang buhok na nakapusod. She wear flat shoes kaya mabilis lamang siyang nakatawid sa kabilang kalsada. Agad siyang pumasok sa loob ng cafe at lumapit sa counter. "Hello, ma'am! Good morning po! Iyon pa rin po ba?" bati sa kanya ng baristang si Joseph. Nginitian niya ito saka tumango. She then grab some money on her pocket to pay her order. Nang maibigay sa kanya ang kanyang order ay agad din naman siyang lumabas pero bago iyon ay nakasalubong niya pa si Valentine. She smiles at him. He smiled back. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng cafe. Tatawid na sana siya nang biglang may humawak sa kanyang braso. Nang lingonin niya ito'y si Valentine pala ang humawak sa kanya. "Yes?" aniya habang nagsalubong ang kanyang mga kilay.. "Naiwan mo," sagot nito at muli ay nginitian siya ng tamis saka bumalik sa loob ng cafe. Hindi man lang siya hinintay nito na makapagsalita man lang. Napatingin siya sa hawak niyang supot. Hindi niya alam kung anong laman nito kaya naman ay hindi niya na lang inabala ang sarili para usisahin ito. Mabilis na siyang tumawid at sumakay sa kanyang kotse. Itinabi niya ang hawak na kape at ang supot na bigay sa kanya ni Valentine. NANG umabot siya sa building ng kanilang company ay agad siyang nag-park ng kanyang sasakyan. Muli ay inayo niya ang kanyang sarili ra rearview mirror at pagkatapos niyon ay lumabas ng sasakyan. Kinuha niya ang binili niyang kape at maging ang supot na bigay ng lalaki sa kanya. Kinuha niya rin ang kanyang working bag. Pagkatapos niyon ay inayos niya ang kanyang slacks dahil bahagya itong nalukot. She then look at herself again from the tinted mirror of her car. Oh yes! Finally! Mapapalagay na siya sa kanyang itsura. She look so presentable at hindi mukhang exaggerated ang kanyang ayos. Lumakad na siya papasok ng building. All eyes are watching her hanggang sa naglakad siya papunta sa office ni Ms. Perez, ang H.R. Kumatok siya at agad din namang may nagbukas ng pinto. "Good morning, ma'am," bati ni Ms. Perez sa kanya. "Hindi ba ako late?" agad na tanong niya. Napatingin naman si Ms. Perez sa suot nitong relo. "Hindi naman po ma'am," sagot nito. "Jeez," bulalas niya at nakahinga siya ng maluwag dahil doon. "Samahan ko na po kayo sa magiging office ninyo ma'am," ani Ms. Perez sa kanya. Agad siyang tumango. Lumabas sila ng opisina at tinungo ang sinasabi nitong magiging office niya. Until they reach at the end of the hallway. Nang buksan nito ang pinto ng kanyang magiging office ay hindi siya makapaniwalang iyon talaga ang office niya. "Anak ako ng may ari ng kumpanya, hindi ko na mamabawi iyon at mukhang may favouritism yatang nagaganap," aniya pa sabay iling ng kanyang ulo. Her office looks like the office of her father. May sariling long couch. Water dispenser, hot and cold. A coffee maker and a big flat LED screen. Bumaling siya kay Ms. Perez. Napakamot naman ito sa batok. "Pasensiya na talaga ma'am. Ayaw kasi ng Papa niyo na sa kung saan-saang office kayo ilagay. Gusto niya kasing may sarili kayong space," paliwanag pa ni Ms. Perez sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Ano pa nga ba ang magagawa niya? She scratch her left eye brow. "Don't worry Ms. Perez, it's fine. Thank you ng sobra sa pag-asikaso ng magiging office ko," sagot niya. "You're welcome po ma'am," sagot naman nito. Inilapag niya sa working table ang kanyang mga dala, maliban sa kape na hawak niya. "So? Saan ako magsisimula?" tanong niya agad. Excited na kasi siyang magsimula sa magiging trabaho niya. "I'll guide you ma'am, this way po," ani Ms. Perez. Lumabas sila ng opisina niya at sumunod lang siya rito. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Yes, she's excited but at the same time, she's nervous. What if, pangit ang maging impression sa kanya ng iba? She played her fingers. She's fidgeting at this moment but she's also trying to calm herself. They headed at the area where the stocks mostly come and go. "Simple lang naman po 'yong works ninyo ma'am. You just need to monitor the income and out coming stocks. Kapag may damage po, may report slip po tayo na puwede niyong e fill up. Need niyo rin po e monitor kung sakto po iyong mga materials na gagamitin at kung may kulang po, puwede niyo po agad itawag sa supplier po natin," paliwanag ni Ms. Perez sa kanya. "Oh, okay?" sagot niya at madali niyang na-gets kung ano ang dapat na gawin. "May mini office rin po kayo rito ma'am," dagdag pa nito at iginiya nga siya sa sinasabi nitong office. May kinuha itong record files at ibinigay sa kanya. Nang usisahin niya ito'y agad niyang nakuha ang flow ng transaction. Tumango-tango siya kay Ms. Perez. "Thank you Ms. Perez," aniya. "Okay ma'am, since bago po kayo rito. Mamaya pong lunch, ipapakilala po kita sa mga employees natin. For now ma'am, puwede muna kayong ma-rest sa office niyo po." "No, It's okay. In fact, I want to familiarize this," tukoy niya sa hawak niyang record files. "As you please ma'am," nakangiti namang wika ni Ms. Perez. "Babalik ako mamaya sa office ko. Thanks for the intro briefing Ms. Perez," aniya. "You're welcome ma'am," sagot naman nito at hinayaan na lamang siya. Iniwan na siya nito kaya naman ay nagkaroon din siya ng pagkakataong masolo ang bago niyang trabaho. Gusto niyang magmasid muna at usisahin ang files, nang sa ganoon ay hindi siya magmukhang ewan mamaya. Umupo na siya at nagbuklat ng ilang records. May nakalagay na delivery report, damages report, stocks report at kung ano-ano pa. She sort it out until she finally understand what are those. Nang biglang tatayo na sana nang bigla siyang mapatigil. Her slacks was stock at the chair. Someone might put a glue on the chair. Hindi lang basta glue dahil parang shoes glue yata ang ginamit dahil talagang dumikit ang suot niyang damit sa upuan. Mariin siyang napapikit. Someone made a prank to her and it's not funny. Mabilis niyang kinuha ang telephone at nag-dial sa front desk. She wants Ms. Perez right now. Pagkatapos niyang tumawag ay naghintay siya ng ilang minuto. She looks so calm right now but the truth is, parang gusto niyang sumabog sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD