Kabanata 24 "First time mo?" tanong nito sa kanya. Napatango siya. Valentine give her his sweetest smile. "Tara," anito at muli ay kinayag siya sa isang food stall kung saan may nagbebentang beef pares. "Dalawa ho 'nay, saka isang kanin, saka kung puwede, ihiwalay niyo 'yong pansit," anito. Tahimik lamang siya. Wala kasi siyang alam sa mga ganoon bagay. Oh yes, aminado siyang walang alam pero gustong-gusto niya ang ganitong sumubok ng mga bagay na hindi niya nagagawa. For sure kapag na-ikuwento niya ito kay Felix, malamang mamangha ito sa kanya. Iginiya siya ni Valentine sa isang mesa, at naghila ng plastic na silya para paupuin. She's really hungry and her stomach keeps on growling. Napapatingin siya sa ibang customer. Sarap na sarap ang mga ito sa kinakain. Mas lalo yata siyang na