Kabanata 12
"Impossible! Bakit naman maiwawala iyan? Alam naman nilang importante 'yan sa akin."
Binalingan siya nito saka nginitian. Natigilan naman siya.
"Gusto ko kasi ako magbigay sa iyo niyan. Masaya ako dahil sa akin ibinigay 'yan ni Mang Gerard. May chance na akong kausapin ka."
Napakurap siya. Para yata siyang nabingi dahil sa kanyang mga narinig. Uminit ang magkabila niyang pisngi.
"Bakit?" wala sa sarili niyang tanong.
"Gusto lang kitang kausapin. Ang hirap mo kasing lapitan sa cafe, saka nandoon din si Joseph, baka masamain niya," walang gatol nitong sabi.
Nagdudumilat naman ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. He wants to talk to her? Really?
"Bakit?" nakatulala niyang tanong ulit. Para yatang nalunok niya ang sarili niyang dila. He's so straightforward.
"Bakit? Wala lang," nakangiting sagot nito. Saka tumayo at biglang inilahad ang kanang kamay nito sa kanya. Tiningala niya ito. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa mukha at kamay nito. Alanganin naman siya pero traydor ang sarili niyang katawan dahil kusang gumalaw ang kanyang kamay para humawak sa lalaki. Tumayo siya. Hawak pa rin nito ang kanyang kamay at para bang ayaw na siya nitong bitawan.
"Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo ng pormal," anito. Napaawang naman ang kanyang bibig. She's amused by his straightforwardness.
"Valentine Guzman De Vera at your service... And please pronounce my name as Va-len-tin not Va-len-tayn," anito
Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang napangiti dahil talagang itinama pa nito ang pronunciation ng pangalan nito. Maging ito ay napangiti rin sa kanya ng ubod ng kay tamis.
"You know my name already," sagot niya. Tumango naman ito. Napahinga siya ng malalim. Wala na kasi siyang masabi. She's suddenly wordless.
"Puwede ba kitang lapitan tuwing lunes?"
Kumunot naman ang kanyang noo pero agad na bumuka ang kanyang bibig para tumugon.
"Okay," wala sa sarili niya na namang sagot. Naka-set lang ang mga mata niya sa mukha nito.
"Okay," sagot nito at napayuko. Maging siya ay sinundan ito ng tingin. Saka lamang niya napagtantong hawak pa rin pala nito ang kanyang kamay. Sa sobrang hiya niya'y binawi niya ang kanyang kamay at napatingin sa kalsada.
"Ano, thank you," aniya nang hindi makatingin. She feel so awkward at this moment but her tummy is filled with butterflies.
"See you again some other time Dominica," anito. Saka niya muli itong binalingan. He was smiling from ear to ear at nakakahawa ang mga ngiti nito.
Lumakad na ito at tumawid na sa kabilang kalsada. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa makapasok na ito sa art gallery.
Nang wala na ito'y bigla siyang natigilan. Her inner goddess snap at her. Natampal niya ang magkabilang pisngi.
"Now what was that!?" biglang sambit niya sa kawalan. Feels like she's under a spell. Yes! His enigmatic spell.
Ilang saglit pa siyang napakurap at napailing.
"What is happening to you Dominica!?" utas niya sa sarili. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at inayos na ang kanyang sarili. She'll figure that out later. What important to her right is her necklace. Wala sa sarili siyang napatango-tango.
Bumalik siya sa loob ng building at tinungo ang opisina ni Ms. Perez. Sinabihan niya ito na nakita niya na ang kanyang necklace. Inutusan niya na ring ipa-announce na nakita na ang hinahanap niya. Pagkatapos no'n ay muli siyang lumabas ng building. Sumakay siya agad sa kanyang sasakyan at nagtungo sa pinakamalapit na pagawaan ng mga alahas. She wants to replicate the necklace. Kahit hindi na makopya ng husto ang kanyang pendant ay okay na sa kanya. Ang importante ay magkaroon siya ng replica nito.
Nang dumating siya sa pagawaan ng mga alahas ay agad din naman siyang nagbigay ng picture ng kanyang gustong ipagaya. Muntik pang tumanggi ang gumagawa dahil wala naman daw silang diamond na ilalapat sa pendant na gusto niya. Kaya naman ay nag-suggest na lamang siya palitan ito ng crystal. Pumayag din naman ang kanyang kausap. And now that it is all settled ay napanatag na rin ang loob niya.
Habang nasa binabagtas niya ang daan patungo sa cafe ay muling bumalik sa utak niya ang eksenang naganap kanina. She's having a huge and clear flashback on her mind. Hindi mawala sa isip niya ang mga ngiti nito, lalo na ang mga tingin nito sa kanya.
The way he looks at her is not a look of a pervert. Iba ang interpretation niya sa mga tingin ng lalaki sa kanya. Feels like she's the center of his life. An apple of his eyes. Yeah! Taas ng confidence niyang mag-self proclaim pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Masiyado siyang assuming, aminado siya ro'n but come to think of it? Bakit ganoon na lang ito kung kausapin siya? Sobrang kumportable at parang ang tagal na nilang magkakilala kahit na hindi naman ganoon.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Puno na naman ang utak niya ng weird thoughts. Kumikit-balikat balikat na lamang siya at mabilis na pinasibad ang kanyang sasakyan.
IT WAS Monday again and she's ready to go to church. Pero bago siya umalis ay tinungo niya pa muna ang kuwarto ng kanyang ama. Nang buksan niya ang pinto at silipin ito sa loob ay nakita niyang mahimbing pa ang tulog nito. Napangiti siya. Ngayong alam na ng kanyang Papa Emilio ang ginagawa niya tuwing lunes ay gumaan na ang pakiramdam niya. Wala na siyang takot na nararamdaman pa. She's free at this moment.
Isinirado niya na ang pinto at lumakad na. Hindi na siya sa bintana dumaan. Sa main door na siya mismo dumaan. Wala na kasing dahilan para tumakas pa siya. Her father already allows her. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila noong nakaraang araw.
Nang makalabas siya ng bahay ay nagulat pa siya nang makita si Jorge. May sasakyan pang nakahanda para sa kanya.
"Utos na naman ba ni Papa?" tanong niya sabay napailing ng kanyang ulo. This is surreal! Ang akala niya'y okay na pero may tagabuntot pa rin pala siya. Akala niya totally free na siya kapag lunes.
Tumikhim naman si Jorge sa kanya.
"Sumusunod lang ako sa utos ma'am," anito.
"Puwede bang kahit tuwing lunes lang walang nakabantay sa akin?" pakiusap niya.
Alanganin naman itong napatitig sa kanya.
"Kayo na rin po ang may sabing may dalaga rin po kayo at alam niyo ang nararamdaman ng isang anak na pinaghihigpitan ng husto. Kahit tuwing lunes lang po," pangungunsensya niya. At her back, she's crossing her fingers na sana gumana ang pagda-drama niya.
Muli itong tumikhim at napakamot sa ulo saka tuluyang tumango. Sa sobrang tuwa niya'y nayakap niya itong bigla at agad din naman na kumalas. Diretso siya agad sa kanyang sasakyan at pinasibad na ito paalis ng kanilang bahay.