Kabanata 11
THURSDAY morning and she's heading at the company. Since she passed the CPA exam, she wants to apply for a vacant position. Gusto niyang mag-umpisa sa ibaba. Ayaw niyang magkaroon siya agad ng position sa kumpanya. Gusto niya kasi patunayan sa kanyang ama na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Na kaya niya ring umangat gamit ang abilidad niya at hindi dahil lang sa anak siya ng may-ari.
Alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang ama pero gusto niya pa ring subukan. Saka niya na ito kakausapin kapag muli silang nagkaharap sa hapag. Sisikapin niyang huwag itong ma-disappoint sa pipiliin niyang trabaho.
NANG makarating siya sa building ng kanilang kumpanya at agad din naman niyang tinungo ang office ng H.R.
Nagulat pa ito nang makita siya.
"Good morning po ma'am," bati nito.
"Good morning," bati niya pabalik. Mas matanda siya sa H.R nila kaya casual lang din ang naging tugon niya.
Kinuha niya ang kanyang resume at application letter sa kanyang bag.
Nagulat naman si Ms. Perez sa inabot niyang folder.
"Ma'am?" anito pa at puno ng pagtataka. Umupo siya.
"Gusto kong mag-apply. Any position will do," seryoso niyang sabi.
Bigla naman itong napaupo at parang gulat na gulat sa narinig mula sa kanya.
"Seryoso po ba kayo ma'am? Wala pong itinawag sa akin sa itaas tungkol dito."
She c***s her head to the other side then twitch her lips.
"Actually, hindi alam ng Papa na nag-apply ako ngayon," pagtatapat niya. Konti naman itong napasinghap.
"Ma'am, wala po ako sa position para mag-decision tungkol dito," anito at halata sa boses ang matinding pag-aalangan.
Pinagdaop niya ang kanyang mga palad at sandaling hinimas ang sarili niyang mga hita.
"Gusto ko lang talagang magsimula sa pinakababa," aniya.
Napakamot naman ito sa ulo.
"Itatawag ko na lang po ito sa itaas."
Napangiti siya sa kanyang narinig.
"That's better! Balitaan mo ako agad. Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa ama ko. Just please consider my willingness to try any kind of job that you think I can fit. Basta ba sa ibaba ako mag-uumpisa. Puwede ako sa factory... Anywhere!" aniya. Pursigido talaga siya sa kanyang request. Narinig naman niyang bumuntong-hininga ito.
"Kapag na-approve po ito ma'am, hahanapan ko kayo ng puwesto kung saan kayo magiging kumportable."
Napangiti siya ng todo. Her eyes were sparkling.
"Thank you!" masiglang wika niya at napatayo na. She then bid her goodbye.
NANG makalabas siya ng opisina ay napadako naman ang tingin niya sa isang art gallery na katapat lang ng kanilang building. Bigla siyang natigilan. It was him again. Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Abala ito sa pagpupunas ng salamin sa labas ng art gallery. She cross her arms and then lean against the wall.
What was his name again? Alam niyang narinig niya na ang pangalan nito pero hindi niya lang matandaan. Napatingin siya sa kanyang suot na relo to check the time and the date.
Thursday ngayon at alas nuebe na ng umaga. She suddenly realized, sa art gallery na naman ito naka-duty. Kumunot ang kanyang noo. Mukhang maraming part time job ang lalaki dahil kung hindi'y nasa cafe sana ito pero heto ang lalaki sa art gallery. Nakasuot ng art gallery uniform at nagpupunas ng salamin.
Umayos siya sa pagtayo at lumakad palapit sa kanyang sasakyan. Muli niyang tiningnan ang lalaki. Abala pa rin ito sa ginagawa. Now she wonder? Is it still a coincidence? Dahil parang pakiramdam niya'y hindi na basta nagkataon lang. Pakiramdam niya kasi'y parang sinasadya na ng tadhana na palaging magtagpo ang landas nilang dalawa.
Pinilig naman niya ang kanyang ulo. Masiyado na yata siyang assuming. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at tinungo ang paborito niyang cafe.
NANG makarating siya sa cafe ay agad din naman siyang bumaba ng sasakyan at sandali pa siyang napatingin sa rearview mirror.
Namilog ang kanyang mga mata nang mapansin niyang may nawawala sa kanya. Her precious necklace!
Dali-dali niyang tiningnan sa kanyang kinauupuan kung may nahulog bang kuwintas niya. Maging sa paanan niya'y binusisi niyang mabuti. Hinalungkat niya na rin ang kanyang bag. Kinapa niya rin ang sariling damit dahil baka nasabit lang pero wala pa rin.
"No! Please!" utas niya sa kawalan.
The necklace was very important to her. Bigay iyon sa kanya ng namayapa niyang ina.
Muli niyang hinalughog ang kasuluksulukan ng kanyang sasakyan.
Napapa-isip din siya kung saan niya maari itong nahulog. Kagat-kagat niya ang kanyang hintuturo habang nag-iisip. Imposible naman na maiwan niya sa banyo o 'di kaya sa kuwarto niya 'yon. Never niya 'yon hinuhubad. Tandang-tanda niya pa na habang papunta siya ng company nila'y suot-suot niya pa 'yon.
Nakagat niya ang kanyang labi. Agad niyang kinabig ang manibela pabalik sa kanilang building. She's sure that the necklace was there.
MABILIS niyang pinatakbo ang sasakyan hanggang sa umabot siya sa building ng kanilang company. Agad siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na lumakad papasok. Tinungo niya agad ang opisina ng H.R.
"Hi!? Ms. Perez, gusto ko lang itanong if you see a white gold necklace? 'Yong pendant niya is actually my name," paliwanag niya.
Kumunot naman ang noo nito. She's hoping na sana nakita nito ang kanyang necklace. Pero base sa mukha nito'y mukhang wala itong nakita.
"Wala po ma'am eh, pero puwede po natin itanong sa utility," anito.
Nasapo niya ang kanyang noo. Kinabahan na siya. That necklace was very important to her. Hindi 'yon puwedeng mawala.
"Can we check the CCTV?" suggest niya.
"Of course ma'am," sagot naman agad ni Ms. Perez.
"Wait, tawagan mo na lang ako kapag may napansin kang may nakapulot no'n. Or announce it that I lost it and I will give them a reward. Please Ms. Perez, I badly need that back," aniya.
"Yes ma'am!" anito at agad na tinungo ang security room.
Siya naman ay lumabas ng building at binalikan ang puwesto kung saan siya tumayo kanina. Panay ang tingin niya sa mga sulok dahil baka napatid niya ito o baka ng ibang tao.
Isang oras siyang naghanap hanggang sa mawalan na siya ng pag-asa. Gusto niya nang umiyak. Ayaw niyang mawala iyon and she suddenly prayed and swear. Kapag sa oras na makita niya iyon ay talagang hindi niya na ito susuotin. Itatago niya ito at magpapagawa na lamang ng replica para naman kapag nawala, at least hindi masakit sa loob niya. Iyong kuwintas kasi na iyon ay talagang sinadyang ipinagawa para sa kanya ng kanyang ina. Mas lalo pang naging special iyon dahil ang sinunod sa paggawa no'n ay sulat kamay mismo ng kanyang ina.
Nasuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. She's frustrated! Gusto niyang sisihin na ang sarili dahil napakatanga niya.
Biglang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya na kasi alam kung saan pa maghahanap. Sigurado kasi siyang wala 'yon sa bahay nila.
Sa sobrang panlulumo niya'y napaupo na lamang siya sa sulok. Ayaw pa rin tumigil ng mga luha niya. She's so disappointed at herself. Napayuko siya at napatitig sa semento habang ang mga luha niya'y sunod-sunod sa pagtulo.
"Dominica?"
Natigilan siya at napatingala. Kilala niya kung sino ang may-ari ng boses na 'yon. Pinahiran niya ang kanyang mga pisngi.
"Bakit?" tanong niya at napasinghot. Mukha siyang busabos sa harapan nito dahil sa kanyang itsura. Pakiramdam niya kasi'y kumalat na ang make up niya dahil sa pag-iyak.
Umupo ito sa tabi niya. Kinuha nito ang kanyang kamay at may ibinigay sa kanya.
"Ito ba iniiyakan mo?"
Napasinghap siya nang makita niya kung ano ang inilagay nito sa kanyang palad. Ang necklace niya! Sa sobrang saya niya'y bigla niya itong niyakap.
"Thank you!" paulit-ulit niyang ani. Hindi naman nakagalaw ang lalaki sa ginawa niya at nang matauhan siya'y agad din naman siyang kumalas dito.
"Sorry," mahina niya sabi at nahihiyang tumingin dito.
Bigla naman nitong pinahiran ang gilid ng kanyang mata. Napaatras siya ng konti sa gulat.
"Hindi bagay sa iyo ang umiiyak," anito.
Nakagat niya ang kanyang labi. She suddenly feel so warm.
"How can I help it? I lost this," sagot niya at napatingin sa hawak niyang kuwintas. Then she suddenly realized, why on earth she feel comfortable? Binalingan niya ito.
"Saan mo nga pala 'to nakita?"
"Binigay sa akin no'ng janitor," sagot nito at napatingin sa kalsada.
"Wait? Janitor? How can you be in here when you're there?" taka niyang tanong habang itinuturo ang katapat na art gallery.
"Kaibigan ko 'yong janitor dito. Habang naglilinis ako kanina, bigla niya akong tinawag. Tinatanong niya kung kilala ba kita, sabi ko naman, oo matapos kong makita ang pendant ng kuwintas," paliwanag nito pero sa kalsada pa rin nakatuon ang paningin nito.
"Bakit naman sa iyo niya pa ibinigay? Puwede naman sa information desk namin."
"Sinabi ko na 'yon sa kanya pero ayaw niya dahil baka maiwala pa ng iba."
Kumunot naman ang kanyang noo.