Kabanata 3
NASA gate na siya ng kanilang bahay nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Hininto niya ang sasakyan saglit at sumenyas sa guwardiya na huwag muna siyang pagbuksan ng gate. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bag. The call she received was from unregistered number and it was like a roaming number from abroad. Hindi rin naman siya nagdalawang-isip na sagutin ang tawag.
"Miss Castillano's speaking, how may I help you?" sagot niya. Ito madalas niyang unang bati sa tuwing nakakatanggap siya ng tawag na hindi niya kilala ang caller.
"Oh, hi?"
Agad niyang nabosesan ang kausap.
"God Felix! Where's your phone?" tanong niya at sumenyas na sa guwardiya na pagbuksan siya ng gate.
"Unfortunately, I did called you at your phone but my line got cancelled so I use another phone! Congrats Nica!"
She pouted her lips as if Felix sees her. Felix is her childhood friend and he's also like a big brother to her.
"Thank you," matipid niyang sagot at ipinasok na ang kanyang sasakyan sa garahe.
She feel somewhat relieved know there's still a person who remembered to greet her success. Naroon naman ang kanyang ama pero iba pa rin talaga kapag may iba pang babati.
"You should brought me a present!" biro niya at lumabas na ng kanyang kotse.
"Of course! Ako pa! Masuklian ko man lang ang ginawa mo sa akin. I remembered you were bringing a huge flash cards outside of my dorm! Screaming the top of your lungs! Wishing me a good luck and then you fainted! Haha!"
Napasimangot siya nang maalala ang bagay na iyon. Sobrang hiya niya ng mga panahong 'yon. Actually she did that because she lose two times on the chess tournament and that was the bet!
"Shut up! Reminiscing it makes me want to kill you!" She groans with annoyance on her face.
Kinuha niya ang kanyang mga gamit sa loob ng sasakyan at naglakad na papasok ng bahay. Agad din naman siyang sinalubong ni Yaya Fatima.
"Pakidala na lang po sa kuwarto ko," aniya at lumakad papuntang kusina. Hinubad niya ang kanyang suot na kulay asul na blazer at ipinatong sa sandalan ng silya.
"Nica, I'll be back next week so my present will be kinda delay," wika ni Felix.
"There's no need to worry about it Felix. Kahit delayed pa 'yan, basta galing sa iyo, still, it will be special."
"Oh, I'm touch!"
She rolled her eyes.
"I'll drop the call now. Gusto kong maghanda ng dinner mamaya para kay Papa."
"Oh, sure! I'll call you when I'm free again Nica."
"Sure! Take your time. Take care."
"You too Nica."
Agad din naman niyang ibinaba ang tawag.
"Yaya, kumpleto pa ba tayo sa ingredients?" tanong niya sa kanyang Yaya Fatima at lumapit sa fridge. She wants to cook some steak since that dinner is special for her. They're going to celebrate her success.
"Nak, mukhang hindi na eh. Lalakad ako ngayon, may gusto ka bang ipabili?"
Tumango siya at kumuha ng sticky note sa kanyang bag. Nilista niya ang mga kailangan niya saka ito ibinigay kay Yaya Fatima.
"Tawagin niyo po ako agad Yaya, sa oras na makabalik kayo."
Tumango lamang ito. Kinuha na niya ang kanyang mga gamit at lumakad na papunta sa kanyang kuwarto.
WHEN she's in her room, pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama. Now she's thinking. Paano niya sisimulang magpaalam ng maayos sa kanyang Papa Emilio gayong sa tuwing ganoon ang eksena ay hindi pa naman siya nakakapagpaliwanag ay laging hindi na ang sagot nito.
Napabuntong-hininga siya. Her father would might disagree about it. Nahilot niya ang kanyang sintido. Sumasakit ang ulo niya sa isipang kapag hindi ito pumayag ay magiging ganoon na lagi ang routine niya, ang tumakas lagi tuwing lunes. Muli siyang napabuntong-hininga at bumangon.
She undress herself and change her clothes. Nang matapos siya'y lumabas siya ng kuwarto niya at tumungo sa kusina. She wants to cook some dessert. By this thing, mawala man lang ang pag-aalala niya.
ONE o'clock in the afternoon, she's done making a leche plan. Sweets makes her calm. She grab a bite and almost close her eyes. Sobrang nasarapan siya sa ginawa niya. She even add a slice of it on her ice cream.
HABANG sarap na sarap siya sa meryenda niya'y dumating din sa wakas si Yaya Fatima. Agad din naman siyang kumilos ay nagsimula nang maghanda.
ALMOST twilight when she's done preparing. Napasulyap siya sa wall clock. Hindi pa umuuwi ang kanyang Papa Emilio. She shrugs. Preheat na lang ang gagawin niya mamaya kapag natagalan pa ang kanyang Papa sa pag-uwi.
EIGHT-THIRTY in the evening, wala pa rin ang kanyang Papa Emilio at nakatulugan niya na ang paghihintay dito.
"Yaya, may tumawag ba?" tanong niya kay Yaya Fatima na abala sa pagpupunas ng lamiseta. Kasalukuyan siyang nasa sala habang nakahiga sa leather na sofa.
"Wala naman 'nak. Hindi ka pa ba kakain?"
Nakagat niya ang kanyang labi.
"Saglit lang po," aniya at bumangon. She grab her phone at center table and dialed her father's cellphone number. Nag-ring lang ito at walang sumasagot. Tinawagan niya ito ulit pero ganoon pa rin. Ring lang nang ring at walang sumasagot. Nakagat niyang muli ang kanyang ibabang labi. This frustrates her more. Muli siyang tumawag. This time may sumagot na.
"Hello Papa—"
"Hello ma'am Dominica? Si Belle po ito..." The secretary of her father. Napatigil siya sa kanyang sasabihin.
"Oh hi? Si Papa?"
"May ka-dinner meeting po siya ngayon. Nagpasabi po na mamaya na po raw siya makakauwi," sagot nito.
Napalunok siya. Pakiramdam niya'y parang may bumara sa kanyang lalamunan.
"Ganoon ba? Okay," sagot niya na lamang at ibinaba na ang kanyang tawag.
"Yaya, paki-init na lang po no'ng ulam," aniya at itinago ang kanyang phone sa bulsa.
She went outside of the house at pumunta sa gazebo kung saan niya inihanda ang dinner date nilang mag-ama. Umupo siya sa kabilang side. Dumating naman si Yaya Fatima at pinahainan siya.
"Ya? Why don't you join me?" alok niya.
"Nako 'nak, alam mo namang wala na akong bagang. Baka 'di na ako matunawan."
Natawa naman siya sa sagot nito.
"Yaya talaga," aniya na lamang. Tumawa lang din naman ito at iniwan na siya. Agad na nawala ang mga ngiti niya sa labi. She swallow and started to grab a bite.
"Congrats Dominica! It's all worth it," aniya sa sarili habang kumakaing mag-isa. Pangatlong subo niya na nang biglang tumulo ang kanyang mga luha. Pero binalewala niya ito at nagpatuloy pa rin sa pagkain hanggang sa hindi niya na malasahan ng maayos ang kanyang kinakain. She's dying inside. Pain envelopes inside her chest.
Kinalakihan niya naman na ang ganitong set up na laging napag-iiwanang mag-isa pero bakit nasasaktan pa rin siya tuwing umaabot sa ganito.
Ang kanina'y iyak niya'y ngayon ay napalitan na ng hagulhol. Akala ng iba'y masarap maging mayaman, na sunod sa layaw pero ang hindi alam ng ilan, mahirap at masakit ang ganoon minsan. Lalo pa't hindi sila kumpleto at mas lalo na kung babad sa trabaho ang mga magulang.
"Oh God! This is so exhausting!" aniya sa kawalan at pinahiran ang magkabilang pisngi. She sniffs and grab a bottle of wine. Binuksan niya ito at naglagay ng alak sa kanyang champagne glass. Pinuno niya ang baso saka nilagok din ang lahat ng laman nito. Madalian niya na lamang tinapos ang kanyang pagkain kahit na wala na siyang nalalasahan.