Kabanata 21

1535 Words
Kabanata 21 NASA labas na sila ng simbahan nang bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Agad silang napabalik na dalawa sa may pinto ng simbahan para sumilong. "Sayang, wala pa naman akong dalang payong," narinig niyang wika ni Valentine. He looks so disappointed but not her. Gustong-gusto niya ang umuulan dahil sa bawat butil ng tubig na pumapatak sa lupa ay katumbas niyon ang lungkot na gusto niyang pakawalan. Naalala niya noong sampung taong gulang pa lamang siya. Wala siyang pinapalagpas na ulan. Lagi siyang naliligo at kasabay niyon ay ang matindi niyang pag-iyak. Kapag ganoong umuulan at basang-basa siya. Hindi makikita ng kanyang Papa Emilio ang matindi niyang kalungkutan. The fact is, never siyang nagpakita sa ama niya na mahina siya pero ang totoo, she's too weak inside. Pinipilit niya lang maging matatag. Bigla namang napabaling ng tingin sa kanya ang lalaki. "Gusto mo ang ulan?" biglang tanong nito. Huminga siya ng malalim at mapait itong nginitian. "Rain sometimes hide the pain," sagot niya at umalis sa kanyang kinatatayuan. Hinayaan niyang mabasa siya ng ulan. "Nica, magkakasakit ka niyan," awat sa kanya ni Valentine. Umiling-iling siya. "It's fine! Actually, okay nga iyon eh. Baka kapag nagkasakit ako? Magkaroon ng mahabang time ang Papa ko sa akin." Natigilan si Valentine sa kanyang sinabi. He was not expecting that but she was not expecting too to understand her. Basang-basa na siya sa ulan at kahit na malamig ay hindi niya iyon alintana. Bigla namang sumunod si Valentine sa kanya. She look at him. He was smiling from ear to ear. "Kung saan ka masaya, susuportahan kita." Malakas siyang napatawa dahil sa sinabi nito pero agad din naman siyang tumigil dahil parang hindi nito gets kung bakit malakas ang naging pagtawa niya. "Uuwi na ako," paalam niya pa at lumakad na. Sumabay naman sa paglakad sa kanya ang lalaki. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na sasamahan kita?" ulit pa nito. "Kaya ko naman na mag-isa." Umiling ito. "Basta," sagot nito at hinawakan ang kanyang kanang kamay. Iginiya na siya nito sa daan kung saan pauwi sa kanila. Hindi niya maiwasang mapatitig sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Sa higpit nito'y parang ayaw na siyang bitawan pa ni Valentine. Bigla naman itong huminto sa paglalakad at bumaling sa kanya. Inayos nito ang jacket. "Baka may magalit kapag nakita ka ng iba na may kasamang ibang lalaki." Kumunot naman ang kanyang noo. "What do you mean?" taka niya pang tanong at napahinto sa paglalakad. Bumitiw ito sa pagkakahawak sa kanya saka siya nilingon. "Boyfriend?" anito at mukhang nag-aalangan pa sa sinabi. Malakas naman siyang napatawa. It was funny. He looks so funny and cute. He make face. "Seriously! I don't have a boyfriend! Masiyadong strikto ang Papa Emilio ko. He even warn me not to have a secret relationship behind his back. That would be my end if I disobey that," sagot niya at tumalikod dito. Part of her wants to tell him, she doesn't like it. She doesn't like being in control. But how could she disobey her father? Biglang tumulo ang mga luha niya. It was glad that the rain is still pouring. Bigla namang umikot si Valentine at huminto sa harap niya. She look at him. He was soak too by the rain. "Hindi ka masaya," wika nito. She bitterly smile and walk out on him. "At the end of the day, I still want to be a good daughter even if I am not happy," sagot niya at bumaling kay Valentine. "You're lucky to have a simple life," dagdag niya pa at lumakad na. Muling humabol sa kanya si Valentine. Hindi ito nagsalita at tahimik lamang na sumabay sa kanya sa paglalakad. Malakas pa rin ang ulan at para bang ayaw nitong huminto. "Nica," pukaw nito sa matinding katahimikan nilang dalawa. "Hmm?" sagot niya lamang at bumaling dito. "Puwede mo akong maging takbuhan kung kailangan mo ng kausap." Napangiti siya. He was so kind telling that to her. "Okay," sagot niya na lamang at muli ay pareho na naman silang walang imik. Malakas pa rin ang buhos ng ulan hanggang sa makarating sila sa kanyang bahay. Hindi pa sila nakakaabot sa gate nang biglang huminto si Valentine. "Sige na Nica," anito pa habang nakapamulsa. "Paano ka?" nag-aalala niyang tanong. Malakas pa naman ang ulan. "Ayos lang ako, ang importante ikaw. Maligo ka agad at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka," bilin pa nito. The way he tells her that, feels like he was acting like her deceased mom. "Ikaw din," aniya at lumakad na palapit sa gate. Nang makita siya ng mga guwardiya ay agad din naman siyang pinagbuksan ng gate. Bago siya tuluyang pumasok ay sandali niya pang nilingon si Valentine. Matamis siya nitong nginitian at kumaway sa kanya bilang paalam. She smiled back at him. Tuluyan na siyang pumasok. Lumapit naman sa kanya ang isa sa mga guard. Si Mang Rudy ito at may dalang payong. Pinayungan siya nito. "Hindi po ba kayo sinundo ni Jorge, ma'am?" tanong ni Mang Rudy sa kanya. "Hindi po. Pinauwi ko ho siya," sagot naman niya at doon ay nakararamdam na siya ng panlalamig ng katawan. "Nako. Inom ho kayo ng mainit na kape agad ma'am, saka gamot para iwas sakit," habilin pa nito. "Sige po," tipid din naman niyang sagot. Nang umabot sila sa bahay niya mismo ay agad din naman siyang pumasok. At dahil basang-basa siya ng ulan ay nabasa ang sahig na marmol. Nakita naman siya ni Yaya Fatima kaya agad itong nagkukumahug na maghagilap ng tuwalya para sa kanya. "Diyos ko! Bata ka! Saan ka ba galing at bakit basang-basa ka ng ulan, ha?" nag-aalalang wika nito sabay talukbong sa kanya ng puting tuwalya. "Yaya, I'm fine." Umiling naman ito. "Magkakasakit ka niyan anak. Ipaghahanda kita ng mainit na tsokolate saka gamot nang hindi ka magkasakit. Hindi ba't ngayon ang unang araw mo sa trabaho?" Oh shoot! She almost forget about that and yes, that's because she was with Valentine. "Right! I almost forgot about it!" nasabi niya na lamang at agad na umakyat sa hagdan. Diretso siya agad sa kanyang kuwarto at pumasok sa banyo. Nagsimula na siyang maghubad ng damit. Habang naliligo siya'y hindi niya maiwasang mapa-isip. She was thinking what was he was doing right now. Iniisip niya kung nakauwi na ba ito o hindi pa. Mariin siyang napapikit at napabuga ng malalim na hininga. She should stop thinking about him. First day niya sa trabaho ngayon at bawal ma-late. VALENTINE was still looking at Dominica's house. Mga limang minuto na yata siyang nakatayo sa kanyang puwesto bago niya na-isipang umalis at umuwi ng bahay. Habang naglalakad siya pauwi ay hindi niya alintana ang matinding lamig na dulot ng malakas na pag-ulan. All he was thinking was Dominica. Alam niyang umiiyak ito kanina at kahit pa umuulan ay hindi nakaligtas sa mga mata niya ang malungkot nitong mukha. He can feel every pain she have. Hindi niya alam kung bakit nadadala siya ng husto sa dalaga pero iyon talaga ang nararamdaman niya. She needs his company and he's willing to give that to her. He sighs. Nailing siya sa kanyang sarili. Kasasabi niya lang sa sarili na dapat siyang mag-focus sa mga nakaplano na pero heto siya at parang siya na mismo ang bumabali. Paano niya tatanggihan ang maamong mukha ng dalaga? He had this urge to make her happy. Yes, maybe he will consider to do that. To add her on her plans bago man lang siya tuluyang umalis ng bansa. Nasapo niya ang kanyang sintido. Pinakalma niya ang sarili at naghanap na lamang ng masasakyan. NANG makauwi siya ng bahay ay pasado ala sais na ng umaga. Nagulat pa si Leo nang makita siya, dahil na rin siguro sa kanyang naging itsura. Basang-basa talaga siya. "Lintik, pre! Alam mo namang sakitin ka," bulalas nito at agad na kumuha ng tuwalya para ibigay sa kanya. Agad din naman niya itong tinanggap at pinunasan ang sarili. "Sakitin?" taka niya pang b tanong kay Leo na abala sa pag-iinit ng tubig. "Sus! Ako pa talaga ang ulyanin ngayon," litanya nito. Pino niya itong tinawanan. "Oo na. Iinom ako agad ng gamot. Para talaga kitang nanay," asar niya pa sa huli. "Huwag kang mag-alala 'nak, ihahanap din agad kita ng ama," asar pa nito sa kanya habang nagboboses babae. Malakas siyang napatawa. "Maliligo lang ako," sabi niya na lamang at iniwan na ito. Pumasok na siya sa kanyang kuwarto at agad din namang naligo. Pagkatapos niyon ay nagbihis. Nang mapatingin siya sa labas ng bintana ay malakas pa rin ang buhos ng ulan. He was thinking again what Dominica may be doing right now. He wet his lips and stand up. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang kusina. Wala ang kaibigan niyang si Leo pero naririnig niya ang ingay na nagmumula sa sarili nitong banyo. He was taking a bath for sure. Umupo na siya sa mesa at agad niyang napansin ang kape at gamot sa gilid ng kanyang plato. Napangiti siya. Leo was very a nice friend. One day he will return all of the kindness to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD