Kabanata 7

1242 Words
Kabanata 7 SHE immediately drifted her car when she heard her phone ring twice. Nang makita niya ang caller ay agad din naman niya itong sinagot. Sakto namang nahinto siya mismo sa tapat ng La Simeona Cafe. Nakagat niya ang kanyang labi at konting naibaba ang suot niyang sunglass. She's checking out the menu. "Hello?" sagot niya sa tumawag sa kanya. "Hello po ma'am, si Ms. Ventura po ito, puwede po bang sa hapon ko na ibigay 'yong revised proposal? May nilalakad pa po kasi akong ibang transaction ngayon." Saglit siyang 'di nakasagot nang makitang may bagong menu sa board. "Ganoon ba? Sige, hihintayin na lang kita sa cafe mamaya. May iba rin namang akong lakad ngayong oras. Glad you called anyway," aniya. "Thank you po talaga ma'am," anito. "No worries Ms. Ventura," sagot niya at siya na mismo ang unang nagbaba ng tawag nito. Napangiwi siya. She can taste that new coffee later. Titiisin niya na lang muna ang cravings niya sa kape. Pinasibad niya na ang sasakyan hanggang sa makarating siya sa building na pagmamay-ari nila. May kukunin kasi siyang files. Iyong files na 'yon ay mga proposal din na gusto niyang papirmahan sa kanyang ama. Nang umabot siya sa building ng J & J Food INC. ay diretso din naman siya agad sa opisina ng kanyang ama. Nang makita siya ng sekretarya ng kanyang ama ay agad din naman siyang pinapasok. "Papa," tawag niya dahilan para lingonin siya nito. May kausap kasi ito sa phone at halatang seryosong topic ang pinag-uusapan dahil napakaseryoso ng mukha ng kanyang ama. "Dominica, just a minute," anito. Tumango lang din naman siya at umupo sa sofa. Kinuha niya ang magazine sa center table at inabala ang sarili sa pagbuklat nito. Nang matapos ang kanyang ama sa kausap nito ay bumalik na ito sa upuan. Saka naman siya tumayo rin at lumipat ng upo sa working desk. "Papa, I need to pick those files I've send to you. Hope you find it very interesting and I hope you did sign them all," aniya pa. "Wait? Oh, those proposal. I'm sorry ija, but I never read any of them." Napanganga siya. "Papa, they're expecting to get a news from me," she said in horror. Ano na lang ang mukhang maihaharap niya sa mga nag-send sa kanya ng proposal. Yes, na-ipaliwanag naman niya sa mga ito na may times talaga na nagre-reject ang kanyang ama pero ang sabihin sa mga itong hindi pa pala nito nababasa ang proposal ay isang malaking kahihiyan iyon para sa kanya. Mag-iisang buwan na iyong mga una niyang ipinasa kaya naman hindi puwedeng mabalewala ang mga iyon. "Papa, I can sum it up for you if you like it. I just can't cancell all the meetings I have. They're expecting some news about it," aniya habang ang tono ng pananalita niya'y puno ng pag-aalala. "Alam mo namang marami akong inaasikasong mas importante. Maybe they can wait for a few months." Biglang nanigas ang leeg niya dahil sa narinig. Lihim niyang nakuyom ang kanyang mga kamao. "Papa, please, I need those things," sagot niya. Her tone was begging. "I don't have time for this Dominica. Please excuse me, I have some urgent meetings today," wika ng kanyang ama. May bigla naman itong kinuha sa drawer. Limang folder 'yon at alam na alam niya kung ano ang mga ito. "Tell them I rejected it all." Namilog ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. All of them? Is he serious? Those proposal is a big catch for their company! Hindi siya basta-basta nagpapasa lang ng proposal na wala silang mapapala. At bukod pa doon, gusto niyang makatulong sa mga maliliit na manggawang gusto ring umangat ng kahit konti ang pamumuhay. "Belle, send my daughter outside," wika pa nito sa intercom. "No! I can handle myself!" Hindi niya na napigilan ang kanyang emosyon. Talagang nagtaas na siya ng kanyang boses. Nagulat naman ang kanyang ama. Never siyang nagtaas ng boses dito at ngayon niya lang nagawa. Kinuha niya ang mga files at diretsong lumabas ng opisina. "Dominica!" tawag pa ng kanyang ama pero hindi na niya ito nilingon pa. She feel this is too much! Masiyado siyang naging mabuting anak at pakiramdam niya'y parang hindi worth it 'yon. AGAD siyang lumabas ng building at dumiretso sa kanyang sasakyan. She immediately drive far away. Napalo niya pa ang manibela dahil sa sobrang frustrations na nararamdaman niya. "Ah!" sigaw niya sa kawalan. Gusto niyang magwala. She's really annoyed. At dahil stress na stress ang kanyang pakiramdam ay na-isipan niya ang tumambay doon sa cafe. Nang makarating siya ay agad din naman siyang lumabas ng sasakyan. She walk towards the store and immediately ordered something strong. Habang nagbabayad ng kanyang order ay napansin niyang napapatulala ang barista sa kanya. At dahil nga distracted ito'y umapaw na sa baso ang inilalagay nitong gatas. "Umapaw na," aniya pa. "Ha?" anito. Napatingin siya sa suot nitong name tag. "You're wasting the milk Joseph," aniya sabay ngiti. Ang kanina'y mainit niyang ulo'y biglang kumalma. Though this scene is not unusual to her. Madalas talagang nangyayari na kapag may kaharap siyang lalaki, they were intimidated and starstruck by her presence. "Ops! Sorry po ma'am," sagot nito. Nginitian niya lamang ito at umupo na sa paborito niyang puwesto. Naglabas din naman siya agad ng libro at nagsimula nang magbasa. Saka naman dumating ang kanyang order na kape. This time, si Leo naman ang kanyang kaharap. "Here's your coffee ma'am," anito at matamis pa siyang nginitian. Tumango lamang siya. Nagsimula na siyang magbasa nang mapansin niyang may na iba sa design ng cafe. "Who fix that?" bigla niyang tanong kay Leo na abala sa pagpupunas sa kabilang mesa. Napahinto naman si Leo sa ginagawa at lumapit sa kanya. "Iyong bago po naming reliever ma'am," sagot ni Leo. "Oh," reaksyon niya sabay tango-tango. Ngumiti lang din naman si Leo sa kanya. Itinuloy niya na ang pagbabasa ng libro. Sa pamamagitan man lang nito'y mahimasmasan siya. ALAS quatro na ng hapon nang mapagpasiyahan niyang umalis ng cafe. Nilunod niya ang sarili sa pagbabasa ng romance book. Nakatapos lang naman siya ng dalawang libro. Konti pa nga lang iyan kung tutuusin dahil kapag nakatodo siya'y so-sobra pa sa dalawa ang natatapos niya. Pasakay na siya ng kanyang sasakyan nang bigla siyang napatigil. Muli siyang nakaramdam ng inis nang makita ang mga files sa front seat ng kanyang sasakyan. Pinaikot niya ang kanyang mga mata at sumakay na sa kanyang sasakyan. Umuwi siya ng bahay at ang pagluluto ng dessert na naman ang kanyang pinagkaabalahan. Gusto niyang maging busy dahil ayaw niya talaga maalala ang rejection na ginawa sa kanya ng kanyang ama. She hated it and for some reason, she feel guilty too. Unang beses niyang pagtaasan ng boses ang ama at hindi niya gusto iyon. She never mean it. She sighs. When she's done making a cheese cake. She immediately tasted a one slice, after that, she went upstairs. Habang nakahiga sa kanyang kama ay nag-iisip na siya ng paraan kung papaano niya ipapaintindi sa mga representative ang dahilan ng pag-reject ng mga proposals nito. Nahilot niya ang kanyang sintido. Biglang sumakit ang kanyang ulo sa kaiisip ng ideya. Damn it! When she's out of ideas anymore, she just let herself take a rest and have some sleep. Sa ibang araw na siya mag-iisip ng paraan kung paano niya ito masusulosyunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD