Kabanata 6

1392 Words
Kabanata 6 HE WAS thinking out of space again. Napuna na nga siya ni Father Robert dahil kanina pa siya tulala. "Ijo, mukhang malalim yata ang iniisip mo?" wika ni Father Robert sa kanya. Kasalukuyan kasi siyang nagpupunas sa altar. "Father, sino 'yong babaeng nandito kanina ng madaling araw?" usisa niya pa. "Ah, si Dominica, tuwing lunes nagpupunta ang batang iyon dito sa simbahan at sa ganoong oras siya nagpupunta. Nagsisimba rin naman iyon ng linggo pero hindi palagi pero kapag tuwing lunes, aba'y walang absent ang batang 'yon," ani Father Robert sa kanya. Napatango-tango naman siya. "Oh siya, pagkatapos mo niyan, puwede ka nang umuwi. Alam kong may iba ka pang trabahong gagawin," segunda pa ni Father Robert sa kanya. "Opo Father," sagot niya at sumaludo rito. But deep inside he's still wondering and curious about her. Hindi mawala sa utak niya ang napaka-angelic nitong mukha. And her eyes were longing for something. Pinilig niya ang kanyang ulo. He's thinking weird again and he must be mistaken. Muli niya nang inabala ang kanyang sarili sa paglilinis ng altar at nang matapos siya'y iniligpit niya na ang mga gamit. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya na aalis. Diretso siya agad sa bago niyang trabaho sa La Simeona Cafe. Ipinasok kasi siya rito ng kanyang kaibigang si Leo. Reliever lang ang trabaho niya roon at kahit na ganoon ay okay lang sa kanya, ang importante kasi'y makaipon siya. Gusto niya talagang tapusin ang kursong Fine Arts na kinuha niya. Isang semester na lang kasi at magtatapos na siya sa pag-aaral. Malapit lang naman ang cafe na kanyang papasukan. Walking distance lang din naman at ilang minuto lang ay naroon na siya sa tindahan. Tuwing lunes hanggang myerkules lang din naman ang duty niya sa cafe. Pagkatapos ng mga araw na 'yan ay muli na naman siyang lilipat sa isa pang trabaho niya. Tuwing sabado at linggo rin namang siyang naroon. Sa araw namang huwebes ay hindi niya pa rin masasabing rest day niya dahil may tutor din naman siya ng limang oras sa araw na iyan. Naka-set na lahat ang schedules niya kaya naman wala na siyang oras pa para mag-relax. "Pre, kanina ka pa?" ani Leo nang makita siya sa labas ng cafe. "Oo e, first day ko ngayon kaya medyo na-excite akong pumasok," aniya pa at napakamot sa kanyang ulo. Tinapik naman nito ang kanyang balikat. "Sus! Ayos lang, tara sa loob," ani Leo. Ito kasi ang may hawak ng susi ng tindahan dahil maaga ito kung pumasok. Ayaw din naman niyang mapahiya ang kaibigan kaya maaga rin siyang pumasok. "Ano ba kailangan gawin?" tanong niya agad. "Heto rules pare, kapag may tanong ka pa, sabihan mo lang ako," ani Leo at may ibinigay sa kanyang naka-laminated na long whole bond paper. "Sige," sagot niya na lamang at inabala na ang sarili sa pagbabasa. "Morning!" bati ng isang lalaki na kapapasok lang sa cafe. "Val, si Joseph, siya ang barista natin," wika ni Leo habang nag-aayos ng mga lamesa. Bumaling naman siya kay Joseph. "Valentine pare, pero puwede mo na rin akong tawaging Val," pakilala niya at nag-angat ng kanyang kamay. Kinuha naman ito ni Joseph. They shake hands. "Joseph pare, welcome sa La Simeona Cafe, alam kong reliever ka lang pero sigurado naman akong mag-e-enjoy ka rito." "Salamat pare," aniya at napatango-tango. Matapos ang pagpapakilala nila sa isa't isa'y kanya-kanya na sila ng kilos. Tumulong din siya sa pag-aayos ng mga silya at lamesa. "Pare, nagkape ba ulit si ma'am dito?" biglang tanong ni Joseph kay Leo. Mataman lamang din siyang nakinig dahil hindi naman din niya kilala kung sino ang tinutukoy ni Joseph. "Sino?" "Iyong babaeng may mala anghel sa ganda ang mukha, mahaba ang buhok na kulay gray, na hanggang baywang. Matangkad din 'yon, mga 5'5ft ang taas saka balingkinitan din ang katawan. Tipong pang modelo, basta 'yon!" describe pa ni Joseph sa hinahanap nito. Habang sinasabi naman iyon ni Joseph at biglang pumasok sa utak ni si Dominica. Ganoon na ganoon ang kasi ang itsura, tangkad at pangangatawan nito. Pero sandali rin siyang natigilan dahil baka naman ay magkaibang tao ang tinutukoy ni Joseph. Saglit namang napa-isip si Leo. "Ah! Si? Sino nga! Wala akong matandaan!" ani Leo habang napapailing ng kanyang ulo. Gusto niyang matawa sa naging sagot ng kanyang kaibigan. "Iyon bang madalas na pumuwesto diyan sa dulo at nakakaubos ng tatlong tasa ng kape habang may binabasang libro," ulit pa ni Joseph. "Aha! Si Ms. Castillano ba tinutukoy mo?" tanong pang muli ni Leo. "Aba malay ko ba sa pangalan no'n pero kung siya nga, e 'di siya na nga! At paano mo naman nalaman ang pangalan niya?" ani Joseph. "Narinig ko lang ang apilyedo niya noong nag-serve ako ng kape. Tinawag kasi siya no'ng kausap niya pero apilyedo lang naman ang alam ko," sagot ni Leo. Napakumpas naman sa ere si Joseph, na para bang nanghihinayang ito. "Sayang naman at hindi mo nalaman ang pangalan no'n. Grabe talaga pare, sa tuwing o-order 'yon ng kape, talagang napapatulala na lang ako minsan," ani Joseph habang napapailing. "Ni ayaw ko ngang tiningnan 'yon sa mata. Nakaka-starstruck talaga ganda niya," segunda pa ni Leo. "Suwerte ng boyfriend no'n kung mayro'n man," ani Joseph at para bang nanghihinayang pa ang tono ng pagkakasabi nito. "Sus, kahit naman single 'yon, 'di tayo papatulan no'n! Mukhang mayaman kasi 'yon. Nakita ko pa nga sasakyan no'n e," ani Leo na para bang nanliliit sa sarili. Napailing si Valentine kanyang mga narinig. "Weh? Paano mo nasabing mayaman 'yon?" ani Joseph na ayaw pa ring maniwala sa sinabi ni Leo. "Pare, halata naman kasi sa pormahan. Lagi ko nga napapansin na parang 'di nagsusuot ng ukay-ukay 'yon e. Noong nakaraan nga, Gucci suot niyang jacket. Paano na lang 'yong bag na may tatak na Prada! Minsan nga Dior pa! Eh 'yong suot niyang diamond Rolex? Sus! Ang mamahal no'n! At ito pang matindi! Mustang ang sasakyan no'n!" ani Leo at halata sa mukha ang pagkamangha habang inilalarawan 'yong babaeng tinutukoy nila. Bigla namang natawa si Joseph. "Dami mong Alam sa branded na bagay ah, may sugar Mommy ka ano?" natatawang asar ni Joseph kay Leo. "Gago 'to! Hindi pa ako baliw! Taga ibang planeta ka ba? Madami kayang nagkalat sa social media na mga advertisement niyan," depensa ni Leo. Napangiwi naman si Joseph at napakamot sa ulo. "Hindi na ako nagfa-f*******: e," sagot pa nito. "Ikaw Val? May social media ka ba?" baling sa kanya ni Leo. "Mayro'n naman kaso wala akong time magbukas," sagot niya habang nagpupunas ng mga naka-design na furniture. "Dapat nagbubukas ka rin Val, diyan ka makakahanap ng chiks!" wika pa ni Joseph. Napailing naman siya at tinawanan lang ang sinabi nito. "Wala muna akong time sa ganyang bagay. Tatapusin ko muna pag-aaral ko. Medyo natatagalan na kasi," sagot niya. "Walang time si Val sa ganyan, kung magka-girlfriend man 'yan, 'di rin naman magtatagal agad," segunda pa ni Leo. Leo knows everything kaya naman alam niyang de-depensa ito agad sa kanya. Mabilis naman niyang tinapos na ang pagpupunas ng mga gamit. "Pare, kapag nagkape 'yon ulit dito, sabihan mo ako, ah?" bilin pa ni Joseph. "Bakit naman sasabihin ko pa sa iyo e o-order naman talaga 'yan dito sa counter," sagot naman ni Leo. "Baka kasi na-je-jebs ako niyan! Sus!" Pareho namang napatawa ang dalawa habang si Val naman ay napapangiti lang habang nakikinig sa kanila. Pagkatapos ng kuwentuhan at pag-aayos ng kailangan sa cafe ay dumagda rin naman agad ang mga customer. Kadalasan ay 'yong mga nagsisimba at mga natatapos sa pag-e-exercise ang mga customer nila. Hanggang sa bigla niyang namataan ang Mustang na sasakyang tinutukoy nina Leo at Joseph. He have this urge to go outside of the store but he was hesitant. Natitigilan siya at napapatanong sa sarili kung bakit nga ba na-cu-curious siya sa dalaga. Pinilig niya ang kanyang ulo. Distractions might ruin everything he plans. Nang muli niyang tingnan sa labas kung naroon pa ba ang sasakyan ay bigla siyang nakaramdam muli ng panghihinayang nang makitang wala na ito roon. Gusto niya tuloy murahin ang kanyang sarili. Damn it! Inabala niya na lamang ang sarili sa pag-asikaso sa mga customer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD