Kabanata 19

1560 Words
Kabanata 19 Agad din naman niyang nakita si Jorge at gaya nga nang sabi ng katulong ay hawak nga nito ang package na para sa kanya. "Good evening ma'am," bati ni Jorge sa kanya. Hindi siya sumagot sa matanda dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa hawak nitong box. "Kanino galing iyan?" agad niyang usisa. "Valentine lang nakalagay ma'am," ani Jorge. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at agad na kinuha ang ito kay Jorge. "Thank you," tipid niyang sagot at tinalikuran na ito. "Ma'am, ano po relasyon ninyo sa lalaking 'yon?" biglang habol na tanong sa kanya ni Jorge. Natigilan siya sa kanyang paghakbang. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Huminga siya ng malalim at humarap dito. "He was just a friend," sagot niya. "Ma'am, baka po mag-hire ng ibang bodyguard ang Papa niyo." Laglag naman ang kanyang panga. "What do you mean?" kunot-noo niyang tanong. "Mukhang napapansin na kasi ng ama niyo na pinagtatakpan ko kayo. Tulad na lang nang pakikipagkita ninyo sa lalaking iyon." Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Oh yes! How can she forget about that? Her father was very keen on details and he wants to know her whereabouts, always! "Are you sure?" paniniguro niya pa. Tumango naman ito. Bigla niyang nasapo ang kanyang batok. Now she suddenly feel stress! Ayaw niyang mawalan ng trabaho si Jorge. "Then please report to Papa that I am seeing someone. He was a friend of mine. Kung magtanong pa ulit. Sabihin mo, he was my batchmates." "Sige po ma'am," sang-ayon nito at umalis na sa kanyang harapan. Napailing na lamang din siyang lumakad papasok sa loob ng bahay. Muli ay umakyat siya sa hagdan at tinungo ang kanyang kuwarto. Huminga siya ng malalim. She's an adult but she feel like she's still a baby who needs a babysitter. Minsan ay nakakasakal din ang pagiging strikto ng kanyang ama. Pero hindi niya magawang magreklamo o sumbatan lamang ito. Her father who's only left to her. She can't lose him too. HE WAS still stuck staring looking at the road where Dominica headed. Sa totoo lang ay gusto niyang ihatid ang dalaga pero hindi niya ginawa. Kaya nagsinungaling siya at nagkunwaring may gagawing importante kahit wala naman talaga. Pinigilan niya ang sarili na ihatid dahil kanina niya pa napapansin na may bodyguard na nakasunod dito. Hindi lang siya sigurado kung napapansin ba iyon ni Dominica pero nandoon lagi ang bodyguard nito. Paano naman niya hindi makikilala iyon? Eh, ilang araw niya nang napapansin na lagi itong nakasunod kay Dominica. Sa totoo lang ay gusto niya pang kasama ang dalaga pero naiilang siya sa tuwing may nakamasid sa kanilang dalawa. Kumikit-balikat siya at huminga ng malalim. Hindi niya masisisi ang dalaga. Mayaman ito at nag-iisang anak. Nauunawaan niya kung bakit ganoon na lang ka bantay sarado ang dalaga pero hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga. Nakikita niya kasi na parang hindi ito masaya. Lagi itong nag-iisa at hindi niya pa nakikita na may kasama itong kaibigan man lang. Huminga siya ng malalim. Maybe some other time, kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ulit na makasama ito. Gagawa siya ng paraan para mapasaya ito. Naghanap na siya ng taxi at umuwi sa kanyang apartment na inuupahan na malapit lang din sa simbahan kung saan lagi nagpupunta ang dalaga. Nang makarating siya sa bahay ay naabutan niyang nagluluto na ng hapunan si Leo. Kasama niya ito sa bahay na inuupahan niya. Hindi niya kasi kaya ang bayad sa renta sa bahay kaya kailangan niyang may kahati sa pagbabayad. "Oh Val? Ginabi ka yata," ani Leo at binalingan siya. "Oo eh, may sinamahan lang ako," sagot niya habang naghuhubad ng kanyang sapatos. "Sino? Babae 'yan 'no?" "Oo," sagot niya. "Grabe, hindi man lang nagsinungaling," ani Leo sabay tawa ng malakas. "Bakit naman ako magsisinungaling? Totoo naman talagang babae ang kasama ko," casual niya lang din namang sagot. "Iba ka talaga Val," anito habang napapailing ng ulo. Inilagay niya na ang sapatos niya sa lalagyan at tinulungan si Leo sa paghahanda ng kanilang hapunan. "Maganda ba?" usisa nitong muli. Ang akala niya'y tapos na ito, hindi pa pala. "Sobra," honest niyang sagot. Dominica is like a goddess. Like an Angel sent from above too. "Wow! Jackpot pala iyan eh!" "Hindi rin. Magkaiba kami ng estado sa buhay." "Paano mo naman nasabi na magkaiba kayo? Bakit? Mayaman ba?" Tumango siya. Narinig naman niyang pumalatak ang kaibigan. "Mukhang malabo nga talaga 'yan Pre," anito. "Malabo pero malay mo," pasaring niya. "Aba? Huwag mo sabihin sa akin na type mo ang babaeng iyon?" "Parang oo," sagot niya sabay ngiti. He can't lie to Leo. He knows him very much. "At handa kang suungin ang lahat? Masungkit mo lang ang matamis niyang oo?" Siya naman ang natawa sa banat ng kaibigan. "Parang ganoon na nga pero alam mo naman ang sitwasyon ko. Malabo rin na maging kami. Magiging distraction lang sa mga nakaplano ko nang gawin." Tinapik naman siya nito sa kanyang kaliwang balikat. "Minsan mag-relax ka rin naman kahit konti." "Alam mong wala akong panahon sa ganoon Leo. Konti na lang matatapos ko na ang kurso ko. Lilipad na ako ng Paris pagkatapos niyon." Bigla namang nabago ang expression ng mukha ni Leo. Ayaw na ayaw kasi nito ang binabanggit ang tungkol sa pag-alis niya. "Talaga bang desidido ka na?" "Mahirap tanggihan ang ganoong opportunity Leo. Alam mo kung gaano kahirap kumita ng pera dito sa Pinas. Kahit nga tatlo na ang trabaho ko'y 'di nga pa rin kasya. Sayang ang offer ni Architect Bello sa akin. Minsan lang mag-offer ang taong iyon at lulubusin ko na ang pagkakataon na mai-ahon ang sarili ko sa ganitong sitwasyon." Napabuga naman ng malalim na hininga si Leo. "Alam mo naman kung saan ka masaya? Doon din ako, 'di ba?" Tinapik niya ang balikat nito at marahang pinisil. "Salamat," aniya. "Sus, sino pa ba ang magiging karamay mo kundi ako lang naman." "Mismo. Tara kain na tayo." NAGSIMULA na silang kumain at nang matapos ay siya na ang naglipit dahil may lakad pa raw ang kaibigan niya. Hindi rin naman na siya nagtanong pa kung saan pero alam niya kasing mag-te-text ito mamaya at sasabihin kung saan nagpunta at kung sino ang kasama. Naiwan siyang mag-isa sa bahay. Pagkatapos niyang hugasan ang mga pinggan ay sa itaas na siya tumambay. Sa maliit na balkunahe kung saan kitang-kita niya ang nangyayari sa siyudad, lalo na ang simbahan. He was thinking about Dominica. Hindi niya maiwasan sa sarili na isipin ang dalaga. Honestly, she was interested in her at habang tumatagal ang pagkakakilala niya rito'y mas lalong gumagaan ang loob niya sa dalaga. She was not as spoiled brat as maybe people would see her. Mayaman siya, oo, pero kapag nakilala mo na siya at nalaman mo kung ano siya, maging ang mga ginagawa niya'y makakaramdam ka ng awa. Nasa dalaga na ang lahat pero lagi niyang nakikita sa mga mata nito na parang may kulang. Parang may mali. He massage his nape. He must not change his direction. Puwede siyang magkagusto pero ang makipagrelasyon ay parang magiging malabo iyon sa kanya. He tried many times pero talagang bumabalik siya kung ano ang original na nakaplano. Huminga siya ng malalim. He wish, sana sa ibang pagkakataon niya nakilala si Dominica. Kung saan sa panahong iyon, puwede niyang isantabi ang lahat. But Dominica is not his level. Langit ito at lupa siya kaya malabo rin na maging sila. Pero sa kaibuturan ng puso niya. Maybe? Napailing na lamang siya at tumayo na. Pumasok na siya sa kanyang kuwarto at maagang natulog. SHE was laying on her bed when someone knocked at her door. Agad siyang bumaba sa kama at pinagbuksan ito ng pinto. It was Yaya Fatima. "Hindi ka na ba maghahapunan?" "Oh shoot! Nawala sa isip ko ang oras, Ya," sagot niya. Ngumiti lamang ito sa kanya. "Halika na at baka lumamig na iyong pagkain." "Opo." Lumabas na siya ng kanyang kuwarto at sumabay na siya kay Yaya Fatima patungog dining area. Natigilan pa siya nang makita ang ama niya. "You know I hate waiting, ija," anito at bumaling sa kanya. Napatingin siya sa kanyang Yaya Fatima. Umiling-iling ito. Mukhang wala yata itong alam na umuwi pala ang kanyang Papa Emilio. "I'm sorry Papa," aniya at lumapit dito. Humalik siya sa kaliwang pisngi nito. "Good evening Papa," bati niya. "Ginabi ka raw nang uwi? Saan ka ba nagpunta?" agad na usisa nito hindi pa man siya nakakaupo. She swallow hard and pulled a chair. She sit straight and place a table napkin on her lap. "Yes Papa. Namili ako ng mga susuotin kong damit para sa pagsisimula ng trabaho ko bukas." "Are you really serious about it?" anito at bakas sa mukha ang pag-aalala. "Yes Papa, I am very confident about it," taas noo niyang sagot. "All right, I won't argue with that anymore." "How about you Papa? Akala ko busy ka," pag-iiba niya ng usapan. "May kinuha lang akong ilang documents," sagot nito at kumain na. Nagsimula na rin siyang kumain. "May kasama ka raw kanina?" biglang tanong nito. Nanigas ang kanyang leeg. Para yatang nahirapan siya sa paglunok ng kanyang kinakain. That was out of the blue yet she was expecting he would be nosy about what she was doing. Always.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD