Kabanata 18

1528 Words
Kabanata 18 "Don't you remember me? It's me! Sonya! Kaklase mo ako sa isang subject sa—" She cut her off. "Oh, I know you," sagot niya at hilaw na ngumiti rito. "So glad I bumped into you. Our batch is having a reunion. You should come and you can bring your boyfriend," anito pa sabay ngiti ng matamis kay Valentine. "He's—" "Sure," biglang sagot ni Valentine. "Okay then. Bye!" ani Sonya at umalis na rin ang mga ito. Agad niyang hinarap si Valentine. "Are you serious!? Bakit ka nag-yes?" kunot-noo niyang tanong. "Para makaalis na sila. Nakikita ko kasi na parang hindi ka komportable." Napaawang ang kanyang mga labi at agad din naman niya itong itinikom. Napailing na lamang siya at umuna na sa paglakad. Nakasunod lang din naman si Valentine sa kanya. Ayaw niya itong harapin. Sa totoo lang ay nahihiya siya. Baka kasi na-isip nitong naduduwag siya. She's not! She's just afraid of being notice again. Nang makakita siya ng kainan ay agad siyang pumasok dito. Nang balingan niya si Valentine. He was still following her. Huminga siya ng malalim. She shouldn't treat him like that. He don't know anything about her past. "I'm hungry. My treat," aniya at pilit na pinapasigla ang kanyang nawalang masayang awra kanina. Tumango lang din naman ito sa kanya. Siya na ang pumili kung saan uupo and as usual. She choose a table at the corner. Sumunod lang din naman si Valentine sa kanya. She then order their food then silently wait it to be serve. Bigla namang tumayo si Valentine at lumipat nang upo sa katabi niyang upuan. She confusingly look at him. "Sorry," biglang wika nito. "No. Ako dapat mag-sorry sa iyo. Hindi dapat ganoon ang naging reaksyon ko. Nagulat lang talaga ako." "Para kang hindi gulat. Para kang takot." Napalunok siya sa sinabi nito pero agad din naman siyang hilaw na tumawa. "I'm not! Why would I be afraid? They ain't gonna bite me," aniya at agad na nag-iwas ng kanyang mga tingin sa lalaki. But she can't stop fidgeting. Nagulat naman siya nang biglang hawakan ni Valentine ang kanyang kamay. Binalingan niya itong muli. "Sasamahan kita." Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at bumuntong-hininga. "Fine. I'll be honest. I was verbally bullied by some of my classmates. I was being bullied because I don't want to hangout with them..." Huminga siya ng malalim. "What's wrong of choosing being alone? Yes, I get it. I have this kind of attitude of being an introvert sometimes but that's me. Bakit kailangan gawin nila sa akin iyon?" Napailing siya. Sumasakit talaga ang loob niya sa tuwing naaalala ang mga iyon. "Kasama ba si Sonya sa mga 'yon?" Konti siyang napatango. "As much as possible I don't want to be noticed by them again neither encounter them. It's just that, their doings? Still hurt me," pag-amin niya. "Puwede ka namang hindi pumunta." Umiling siyang. "They're gonna mock me again. Not in person but in social media." She heard him deep sigh. "Huwag ka na mag-alala. Promise, sasamahan kita," anito. "You're not even my boyfriend," paalala niya pa. Pino naman siyang tinawanan ni Valentine. "Pansamantala mo akong magiging boyfriend sa araw na iyon. But I'm sure it will come true," anito sabay tayo at muling bumalik sa puwesto nito kanina. Saka niya napagtantong matagal pala nitong nahawakan ang kanyang kamay. "What did you say?" tanong niya. Bigla kasing humina ang boses nito kanina doon sa last part na sinabi nito. "Nothing," tipid na sagot nito sabay ngiti sa kanya. Napatango na lamang siya. Dumating din naman sa wakas ang kanilang order. They immediately dig in. AFTER eating their food, Dominica then decide to go home. Nasa parking lot na sila at tinutulungan siya ni Valentine na isakay ang mga pinamili niya sa likod ng sasakyan. "Salamat ha," aniya pa. Umiling naman ito sa kanya. "Ako dapat ang mag-thank you," anito pa. Kumunot naman kanyang noo. "Bakit?" "Basta," sagot nito at tumalikod na. "Teka? Aalis ka na?" Tumango naman ito at biglang humakbang palapit sa kanya. "May gagawin pa ako Nica. Ingat ka sa pagmamaneho. Okay?" anito sabay himas ng kanyang buhok at ngumiti ng Kay tamis. Umatras na ito at nakapamulsang naglakad palayo sa kanya. Naiwan siyang nakamasid lamang dito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Now that was unusual? Kumikit-balikat na lamang siya at sumakay na sa kanyang sasakyan. SIX in the evening na siya nakauwi ng bahay. Hindi man lang niya namalayan ang oras. Iginarahe niya na ang sasakyan at kinuha ang mga pinamili niya. Agad siyang naglakad papasok ng bahay ngunit napatigil din naman sa paghakbang nang makita si Jorge. Of course she wouldn't forget that she's monitored and followed by him, 24/7. "Ssh!" aniya at nginitian ito. Sumaludo lang din naman ito sa kanya. She's glad that Jorge sometimes is on her side. Alam niya kasing pagtatakpan na siya nito. Hindi gaya ng dati na talagang lagi siyang napagsasabihan ng ama sa tuwing may report itong natatanggap tungkol sa mga ginagawa niya. Marahil ay naintindihan na siya ni Jorge. She needs freedom too. Nang makapasok siya sa loob ng bahay at diretso siya agad sa pag-akyat sa hagdan. "'Nak? Gusto mo na ba maghapunan?" tawag sa kanya ni Yaya Fatima. "Mamaya na po, kumain po kasi ako kanina. Bababa po ako mamaya," sagot niya. Tumango lang din naman ito at hinayaan na siya. Diretso siya agad sa kanyang kuwarto at inilapag sa kama ang kanyang mga dala. Pagod ang pakiramdam niya pero nag-enjoy siya sa ginawa niya ngayong araw lalo na't kasama niya si Valentine. Aminadong-aminado siya na gusto niya ang company na binibigay sa kanya ni Valentine. Kahit bago niya pa lang ito kakilala ay alam niya sa sarili niya na mabuti itong tao. Isa pa'y napakakumportable niya kapag kasama niya ito. She never feel so alone. Napangiti siya sa kanyang sarili. Go shopping with a man is new to her and she guess she'll probably searching for that for a while. Bigla namang tumunog ang notification ng kanyang cellphone. She look at the screen. Someone tagged her on a post. Agad niya itong binuksan. Nagulat siya nang makita kung ano ito. It was the i********: account of Sonya. She posted a picture of her and Valentine. Alam niyang siya iyon at ang lalaki. Kahit pa nakatalikod silang dalawa ay hindi maipagkakaila sa suot nilang damit. Sonya then caption... 'Hey guys! Look who I bumped in? It's Dominica and her hot boyfriend!' Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Posting their images without a consent is a triggering one. At mas lalo pang namilog ang kanyang mga mata nang mabasa ang mga comments. Halos lahat ay gustong makilala kung sino ang boyfriend niya. This is a chaos! Valentine is not her boyfriend! Nahilot niya ang magkabila niyang sintido. What if someone asks Felix about it!? Gosh! This is going to be a betrayal for him. Agad siyang nag-text kay Felix. She make sure that Felix should know everything that it was a lie. Tumunog naman ang kanyang cellphone. It was Felix, calling her. "Hey? What are you texting me? I don't get it." Marahas siyang napabuga ng hangin. "Do you remember Sonya? She's spreading a fake news that I have a boyfriend which is I don't have. Baka kasi makarating sa iyo at baka sabihin mong I am now keeping secrets from you." Bigla naman itong tumawa. "Nica, relax, okay? Alam ko naman na hindi totoo kung sakali mang may makarating sa akin but Nica, I know this is sounds not right for you but it doesn't mean that because we're friends, you should tell me everything. Nica, no. You should learn to keep things some private if you feel threatened about it. I will wholeheartedly understand that." Napalabi siya. "The best ka talaga," aniya. "I know. But well if there will be a rumour about you linking with a guy, you should let me meet him. Okay?" "Sure!" "All right! I have to hang up okay? I'll catch up with you in my free time." "Okay." Agad din naman na ibinaba na nito ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag. Well, tama si Felix, may mga bagay din talaga na kailangan niyang i-sarili. She sighs looking at her phone. This rumour will surely gonna scattered. Hope it will not reach to her father. She place her phone beside her and change her clothes. Nagbibihis pa siya nang marinig niya ang mahinang katok mula sa labas ng kanyang kuwarto. "Po?" sagot niya. "Ma'am, may package po para sa inyo," sagot ng kanyang katulong. Agad naman na kumunot ang kanyang noo. No one notice her that she will be receiving a parcel on this day. Nagmadali siya sa pagbibihis at agad na lumabas ng kanyang kuwarto. Paglabas niya'y naroon pa rin ang kanyang katulong at mukhang hinihintay siya. "Where is it?" takang tanong niya dahil wala naman siyang nakikitang package na hawak nito. "Ma'am, na kay sir Jorge po iyong package." "Oh, safety first," sagot niya sabay tango ng kanyang ulo. Bumaba na siya sa hagdan at lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD