Kabanata 16
NANG makaalis na ito sa kanyang harapan ay sinundan pa rin niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa study room nito.
Agad naman siyang kumilos at agad na tumunghay sa basurahan. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya o malulungkot para sa sariling katangahan.
Mabuti na lang at wala nang laman ang trashcan kaya madali niya lang nakuha ulit ang maliit na papel. Agad din naman niya itong isinuksok sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay napa-inom pa siya ng tubig dahil sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman. Muntik na siya roon. Napabuga siya ng hangin at bumalik sa kusina.
"Yaya Fatima, pakihanda na po 'yong mesa," aniya. Tumango lang din naman ito at agad na sumenyas sa iba pang mga katulong.
She let out a heavy sigh and slightly whistle. Pinakalma niya ang kanyang sarili at umupo na sa hapag.
A MINUTE later ay bumaba na ang kanyang Papa Emilio. Dala-dala pa rin nito ang suitcase. Nang lumapit ito sa mesa ay itinabi nito ang dala at umupo sa tabi niya.
"How's your day ija?" tanong ng kanyang ama. The table was almost done setting up. Agad din naman itong kumuha ng ulam at konting kanin.
"Good Papa," tipid niyang sagot. Nagsimula na rin siyang kumain.
"I received your resume," muntik pa siyang mabulunan. Konti siyang napaubo at agad na uminom ng tubig. She wasn't expecting that. Hindi siya handa para makipagtalo sa kanyang ama lalo na't nasa harapan sila ng pagkain. It will be unfair for her.
"Yes Papa," mahina niyang sagot.
"You wanted to start in a lower position?" tanong nito. She can sense that her father is trying to probe her.
"I just feel unfair Papa. Ayaw kong magsimula sa itaas. Gusto ko magsimula sa ibaba. Na-isip ko kasi na mas mabuti iyon dahil mas madali kong malalaman kung anong problema at kung ano ang mga possible na hinaing ng mga empleyado natin."
Saglit naman itong tumigil sa pagsubo.
"Alright, pero ayaw ko iyong sobrang baba ija. How about you settle yourself first as a stock in charge?" her father suggest.
Nagliwanag naman agad ang kanyang mga mata. Sobrang saya niya sa inimungkahi nito. At mas lalo pa siyang natuwa dahil hindi man lang tumutol ang kanyang ama. Feels like her father is slowly giving her a freedom to choose.
"Thanks Papa," aniya at saka napatayo. Niyakap niya ang ama. She's so happy knowing that finally, makakapagtrabaho siya nang hindi labag sa loob nito.
"But remember ija, don't let other people belittle on you. Hindi porke't nasa mababa kang position ay puwede ka na nilang tratuhin na parang ka-level lang nila. You're still my daughter and anytime you can take over my position."
Napaawang naman ang kanyang labi. Is he telling her that he's retiring? She wet her lips and shake her head.
"No Papa. I swear, I will never let anyone bully me there. Saka huwag po kayong magsalita ng ganyan Papa. Matagal pa ang retirement mo. No. You can't just leave me handle the company by myself Papa. Not yet."
Tumawa naman ang kanyang ama.
"You sound scared ija," tukso pa nito.
"Of course Papa. I'm scared of disappointing you. I'm scared that you'll left me behind," seryoso niyang sabi.
Napangiti naman ang kanyang ama.
"Don't worry ija, I will be here for you, always," anito at humalik sa kanyang noo. Sinuklian niya lang din ito ng ngiti at muli ay bumalik na sila sa pagkain. But deep inside she's worried. Para kasing may ibig sabihin ang mga binitawang salita ng kanyang ama. She take a peek look at her father. Something is off but later on she ignore it.
AFTER their lunch together, her father leave the house for work. Muli ay naiwan siyang nakatulala sa kawalan. She's at the veranda, giving herself a "me" time. Marahas siyang napabuga ng hangin. Nag-iisip siya kung anong puwedeng gawin ngayong araw. She feel bored at the same time, she kinda feel exhausted. Correction! Her mind is exhausted. She suddenly miss someone.
Natigilan naman siyang bigla dahil sa na-isip niyang iyon. Tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo niya sa wooden chair nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Ms. Perez. Ang isa sa H.R ng kanilang company. She immediately push the button to received her call.
"Hi ma'am, good afternoon..." panimulang bati nito sa kanya.
"Good afternoon Ms. Perez," sagot niya pabalik.
"Ma'am, when would you like to start?"
"Oh? I'm hired already? No interview?" sagot niya at napaayos sa pag-upo.
"No need for the interview ma'am," sagot naman ni Ms. Perez sa kanya.
"Oh okay? How about this coming monday?"
"Sure ma'am. I will immediately set a quick meeting with our staffs."
"Sure. Thanks Ms. Perez," aniya.
"Welcome ma'am," anito at umuna na siya sa pagbaba ng tawag.
Napa-isip din naman siyang saglit. Her fingertips were tapping at the arm of the wooden chair. May na-isip na siyang puwedeng gawin ngayong araw. She'll go shopping!
Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa kanyang kuwarto. She then find a halter dress then grab her purse and went outside. Agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan.
She's now heading at the mall. Gusto niyang mamili ng mga pang-office na damit. Though she have some business attire at home pero masiyadong sophisticated ang mga 'yon. She must tone down a bit. Gusto niyang ibagay ang pananamit niya sa magiging position niya.
She stop at the pedestrian lane when an old woman crossing the road. Lalabas na sana siya ng saksakyan para tulungan ito pero agad din naman siyang natigilan. She saw Valentine. Tinulungan nito ang matanda na makatawid. Ito na rin mismo ang nagbitbit ng mga dala ng matanda.
While looking at Valentine. Her heart melts. She snap at herself and shake her head. Here she goes again. Thinking weird. Bigla namang bumalik nang tawid si Valentine. At nang makatawid ito'y wala sa sarili pang napatingin sa kanyang sasakyan ang lalaki. Her heart beats fast. Pakiramdam niya'y parang huminto ang oras nang magsalubong ang kanilang mga mata.
Bigla naman itong lumapit sa kanyang sasakyan at kinatok ang pinto nito. Out of her mind, she press a button to lower the windshield.
"Okay ka lang ba?" tanong nito at bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Ha?" tanging na sagot niya.
"Kanina pa sila bumubusina sa 'yo," anito at itinuro pa ang ibang sasakyan na nasa kanyang likuran.
Namilog naman ang kanyang mga mata at agad na sumenyas.
"Sorry, I'll park properly," aniya. Umatras naman si Valentine kaya kinabig niya ang manibela para igilid ang kanyang sasakyan sa kalsada.
Nang ma-igilid niya ang sasakyan ay sobrang hiyang-hiya siya. She flushed. Natampal niya ang kanyang magkabilang pisngi.
"This is your fault—"
"Sino?"
Nagulat naman siya at agad na bumaling sa lalaki.
"Oh god!" bulalas niya at napasandal sa driver's seat.
"Okay ka lang ba?" muling tanong nito.
She wet her lips.
"Y-yes," mahinang sagot niya.
"Mukhang hindi," anito pa.
"Saan ka ba pupunta? Ako na magmamaneho?" segunda pa nito.
"Ha? No! I'm fine, seriously," nahihiya niyang tanggi. Nginitian naman siya nito.
"I insist," anito pa. Napanganga naman siya at agad din namang itinikom ang kanyang bibig.
"O-okay," mahinang sagot niya na lamang. At lumipat sa kabilang upuan. Umikot naman ang lalaki at binuksan ang pinto, pagkatapos ay sumakay.
Deep inside she's screaming! Hindi man lang niya nakuhang magpa-hard to get muna. Like literally she immediately obliged. Marahas siyang napabuga ng hangin.
"Walang susi?" tanong pa nito sa kanya.
"I have but you can press it here," paliwanag niya.
Sinunod din naman siya nito at pinaandar na ang sasakyan saka smooth na nagmaneho.
"Your first time?" bigla niyang tanong.
"Driving? No. Pero sa ganitong sasakyan, oo," sagot naman nito habang nasa daan nakatuon ang mga mata.
"Oh, but I don't see you drive your own car," aniya pa. Pino naman siya nitong tinawanan.
"Wala pa akong sariling sasakyan. Natuto lang ako kasi minsan din naman akong nag-part time as taxi driver."
Nakagat niya ang kanyang labi. Here we go again. Siya na talaga ang maraming trabahong napasukan. And of course you can know how to ride a car as long as you can borrow one. Ang bobo niya talaga minsan mag-isip. Yes, feeling niya, nagiging bobo siya pagdating kay Valentine kahit na mataas naman ang I.Q niya. Honestly.