Kabanata 5
NANG dumating siya sa simbahan ay sakto namang kabubukas na rin ng simbahan. Pagpasok niya'y si Father Robert muli ang bumungad sa kanya. Nagmano siya at bumati sa rito.
"Magandang umaga po Father Robert," aniya.
"Magandang umaga rin sa iyo Dominica," anito at binigyan siya ng kandilang nasa baso.
"Bagong gawa ang iyan ija, may halimuyak ng sampaguita at gusto kong ikaw ang unang magsindi ng iyan."
Napangiti siya. Pakiramdam niya'y napaka-special niya.
"Salamat po Father," aniya na lamang. She wordless but she's thankful knowing there's still another person who remembers her, and that was Father Robert.
"Maiwan na kita Dominica," anito at tumango lamang siya.
Lumakad na siya at pumuwesto na sa kanyang paboritong upuan, ang malapit sa altar.
She's about to pray when she suddenly heard someone. May kausap si Father Robert nang ito'y kanyang lingonin. Nagkibit-balikat na lamang siya at nagdasal niya. Pagkatapos ay taimtim niyang inilabas ang kanyang mga hinanakit.
"I really want to talk to my father about this, but how can I be able to open up when he's not opening his mind?" mahina niyang bulong sa kawalan.
God knows how much she tried to open up to her father about her concerns on everything but she end up shutting her mouth everytime she tries.
Huminga siya ng malalim.
"I wish, one day he'll allow me to do everything I want and I swear to you God, I will be good for the rest of my life," she said and after telling that, she stand up.
Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay nakita niyang may lalaking nakaupo sa kabilang side ng upuan. Nagtama ang kanilang mga mata nang bigla itong tumingala. He look at her straight in her eyes without batting his eyelashes. Ang mapupungay nitong mga mata'y tila hinahagod ang buo niyang pagkatao dahil sa lagkit nito kung tumitig sa kanya. Bigla siyang napalunok. And why the hell she suddenly feel this way? Her stubbles on her body suddenly elongates. She shake her head. Siya na ang bumawi ng tingin at lumakad na. Ngunit tila yata'y traydor ang sarili niyang katawan dahil nagkusang gumalaw ang kanyang mga mata para sulyapan itong muli. Bigla siya nitong nginitian saka tumayo at umuna na sa paglabas ng simbahan. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. This was the first time na may nakasabay siya ng ganitong oras at araw sa pagdarasal gayong dati rati ay siya lang talaga mag-isa at walang nang iba pa.
She suddenly feel curious about it and to him. She think Father Robert knows him dahil nga kanina'y kausap pa ito nito.
"Dominica?"
Napaigtad siya at napalingon sa kanyang likuran. It was Father Robert. His eyes were asking.
"May problema ba ija? Kanina ka pa tulala."
"Po?"
Sandali siyang natigilan. Jeez! Hindi man lang niya napuna ang sarili na kanina pa pala siya nakatulala dahil sa lalaking 'yon.
"Dominica?"
She was pulled again from her reverie.
"Po?" Napakamot siya sa kanyang batok.
"Sorry po Father, nagulat lang kasi ako kasi bigla akong may naging kasabay ngayong araw," pagtatapat niya.
"Ah? Si Valentine ba ang tinutukoy mo ija? Anak siya ng dating katiwala noon dito sa simbahan at dahil tumigil na ang ina niya, siya muna ang papalit pansamantala habang naghahanap pa ako ng bagong kapalit."
"Ganoon po ba? Baka may maitulong ako Father, sabihan niyo lang po ako. Puwede ko po kayong ihanap ng bagong katiwala kung gusto niyo, ako na rin po ang bahalang magpasahod," alok niya.
Agad namang umiling si Father Robert sa kanya.
"Nako ija, nag-abala ka pa. Huwag kang mag-alala at nariyan pa naman si Valentine. Nagsabi rin naman iyon sa akin na hahanapan niya ako ng bagong kapalit."
"Kahit na po, basta huwag po kayong mahihiyang lumapit sa akin." Muli itong umiling at marahang tinapik ang kanyang braso.
"Malaki na ang naitulong mo rito sa simbahan ija, sapat na iyong malaking donasyong ibinigay mo rito sa simbahan."
Napangiti siya. Kahit naman may donasyon na siyang naibigay ay gusto pa rin talaga niyang makatulong ngunit ayaw din naman niyang magpumilit pa.
"Kayo po ang masusunod Father," aniya.
"Oh, siya, lumakad ka na at baka mahuli ka pa," anito.
Napakamot siya sa kanyang ulo. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman nito ang ginagawa niyang pagtakas tuwing lunes. Gusto pa nga nitong ipagpaalam siya ng maayos sa kanyang Papa Emilio ngunit lagi siyang tumatanggi. Alam kasi niyang hindi iyon papayag sa ganoong set up. Baka mas lalo lang itong maghigpit sa kanyang kapag ganoon.
"Aalis na po ako Father," paalam niya.
"Mag-iingat ka ija," anito at inihatid na siya sa labas.
Nang makalabas siya ng simbahan ay agad din naman siyang lumakad na.
Ala cinco na ng umaga nang makabalik siya sa kabilang bahay. Si Mang Rudy pa rin ang nagbukas ng gate sa kanya. Hindi na siya nag-abala pang umakyat sa puno pabalik sa kanyang kuwarto. Diretso na siya likod ng bahay dumaan.
She then saw Jorge. Jorge was in his late 40's but he was still fit to become his bodyguard. Marami itong alam sa self-defense at madalas may session pa silang dalawa kaya nga hindi siya natatakot na lumabas ng madaling araw kahit na mag-isa pa siya. She can handle herself and her knowledge on self-defense is enough to break someone's neck.
"Good morning ma'am," bati ni Jorge sa kanya.
"Morning," bati niya pabalik.
"Ma'am, puwede ko po kayong samahan tuwing lunes," anito kaya naman ay natigilan siya. Alright, kahit paman ay tumakas siya, the CCTV are alive twenty-four—seven and Jorge is monitoring her always.
"How long did you know I am sneaking out?"
"Matagal na po ma'am." Kumunot naman ang kanyang noo.
"At hindi mo sinasabi kay Papa?" Umiling naman ito.
"Alam ko kasing sa simbahan lang naman kayo pupunta saka may anak din naman po akong dalaga. Alam ko rin naman po ang pakiramdam na masiyadong pinaghihigpitan."
Napabuntong-hininga siya. No wonder why she be able to go out without a hassle. Iyon pala'y hinahayaan lang siya ni Jorge.
"Thank you," sagot niya na lamang. Tumalikod na siya ngunit agad din naman siyang napatigil at nilingon ito.
"Next Monday, samahan mo na ako. Boring din naman kapag walang kasama," aniya. Napangiti naman ito.
"Just keep this as our secret," dagdag niya pa. Agad din naman itong tumango bilang pagsang-ayon. Good thing to know, hindi naman pala ganoon ka loyal si Jorge sa kanyang ama. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Si Yaya Fatima at iba pang katulong naman ang kanyang naabutan sa kusina. Nang makita siya ni Yaya Fatima ay agad itong kumilos para ikuha siya ng gatas at tinapay. Umupo siya sa high chair at hinubad ang kanyang suot na hoody.
"Ya," biglang tawag niya kay Yaya Fatima.
"Bakit 'nak? May gusto ka bang kainin?" anito matapos ilapag ang isang baso ng gatas at toasted bread sa kanyang harapan.
Napakurap siya.
"Ha? Po? Wala po," aniya pa. Why on earth she suddenly called Yaya Fatima out of no reason? Jeez! Bakit panay yata ang pagiging out of space niya ngayong araw.
"'Nak? Ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Yaya Fatima sa kanya.
"Po? Oo naman Ya," sagot niya at bahagya pang tinapik ang magkabila niyang pisngi.
"Sige 'nak, sabihan mo lang ako kapag may gusto kang kaining iba." Tumango lamang siya at ininom na ang kanyang gatas. Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa. She check her emails and social media accounts. She have a upcoming meeting again with Ms. Ventura. She thinks now that maybe the revision of the contract is okay. Hope her father will sign it sooner after he came back from his business trip.