Habang naglalakad ako sa palengke ng may nakita akung nagkukumpulan na mga tao at dala-dala ang aking basket na pinamilhan kanina doon sa tindahan pumunta ako doon. Hindi naman ako mayaman na kailangan sa mall talaga ako mabuti ng dito ako sa tindahan ng makatingi-tingi ako sa aking mga bilihin at mag-isa lang naman ako sa bahay pero kailangan ko paring magtipid kasi hindi ko naman pinupulot ang pera na ginagamit ko. Habang palapit ako doon at nakisiksik sa mga tao na nagkukumpulan bigla nalang akung nakaamoy ng malansang amoy na parang patay na hayop at hanggang sa makarating ako doon bigla akung napatampal sa aking bibig sa aking nakita.
Isang bangkay ng tao ang sumalubong sa akin habang wala na ang kanyang lamang loob at mukhang kakapatay lang sa kanya kasi preska pa ang dugo na nasa paligid at wasak na ang ibang parte ng kanyang katawan isama mo pa ang wasak niyang ulo na malamang kinuha ang kanyang utak. Hindi ko alam kung ano ang umatake sa tao na ito pero napakabangis na hayop na iyon.
“Ano naba ang nangyayari sa mundo may mga ganitong nilalang pa palang natitira dito at hindi naman tama ang kanyang ginawa sa binatong ito,” saad ng isang babae sa aking tabi na may dala din namang basket at muli akung napatingin sa katawan na iyon at napangiwi ng ilang beses kasi kawawa naman ang pamilya nito at kung ano man ang gumawa sa kanya nito malamang nakawala ito sa kulungan.
“Baka ho mabangis na aso ang umatake sa kanya,” saad ko naman sa kanila kaya sa akin naman napatingin ang ibang tao at kita ko ang natatawa nilang mukha at sunod-sunod na umiling. Baka lang naman kasi alam mo iyong mga aso na mababangis at kakawala lang sa hawla at hindi nabantayan ng kanilang amo kaya nakawala. “Totoo naman po tignan niyo kasi ang kagat sa binti niya,” dahil sa aking sinabi bigla naman silang napatingin sa aking tinuro at sabay-sabay sialng napasinghap kasi mukhang hindi nila ito nakita kanina.
Malaki ang kagat sa kanyang binti at napapalibutan ito ng dugo kaya kung hindi mo ito titignan ng maayos hindi mo ito makikita. Mabilis nilang tinignan ito at sumangayon naman sa akin at bigla naman akung napatingin sa katawan ulit ng lalaki at doon ko naramdaman na parang susuka ako kaya mabilis akung umalis sa lugar na iyon at tsaka naman dumating ang mga police at sila na ang umasikaso sa bangkay na iyon. Bago ako umalis muli naman akung napatingin sa bangkay na dahan-dahan na nilalang tinatakpan.
Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad nalang ako hanggang sa may sakayan ng bus kasi hindi ko dala ang aking kotse tsaka masyado ng traffic baka matagalan lang ako kapag dinala ko ang aking kotse. Habang naglalakad ako sa malaking bahay kung saan naglalakihan ang kanilang bakod at mukhang sobrang yaman ng nakatira dito kasi sobrang laki ng bahay at ang gara namang tignan na parang mansion. Ilang bilyon kaya ang nawaldas dito para lang mapagawa ang mansion na ito.
Biglang nangunot ang aking kilay ng makarinig ako ng tahol ng aso at doon ako napatingin sa kanilang gate kung saan ilang malalaking aso ang nandoon at tumatahol sa akin habang naglalaway sila at nagbabaga ang kanilang mga mata at nagwawala na parang sisirain nilang lima ang gate at ang mas malala binubundol pa nila ito kaya parang natulos ako sa aking kinatatayuan at nanginig ako habang nakatingin sa mga aso. Tangina!
Kung hindi siguro naka lock ang gate na ito baka kanina pa ako nilapa ng mga aso na ito na parang ngayon lang sila nakakita ng tao isabay mo pa naglalaway sila at parang kakainin talaga nila ako. Sayang naman ang ganda ng kanilang mga balahibo kung ang sasama ng kanilang mga ugali akmang hahakbang na ako paalis kasi hindi naman sila makaalis sa loob ng bahay at kapag makaalis man sila magiging si Flash siguro ako sa kakatakbo.
“Hey!” may malakas na sumigaw sa loob ng bahay kaya bigla akung napatigil sa paglalakad at napatingin sa loob kung saan bigla nalang lumabas ang lalaki na mukhang kaedad ko lang ay sinigawan nito ang mga aso kaya bigla nalang itong natahimik at parang pinalo dahil biglang naging malungkot ang kanilang mga mata at dahan-dahan na umalis habang nakababa ang kanilang mga buntot. “Pumasok kayo sa bahay niyo!” muli na namang sigaw nito sa mga aso hanggang sa tuluyan ng nawala ang mga aso at biglang napatingin naman sa akin ang lalaki at kaagad na ngumiti siya sa akin at binuksan ang gate ng kanilang bahay. “Pasensya kana sa aso namin ganyan talaga sila makakita ng tao akala mo naman hindi sila nakakakita ng tao,” nakangiting saad nito sa akin at tinignan ako gamit ang kanyang kulay brown na mga mata na malapit sa gold ang kulay. Ngumiti lang din naman ako sa kanya lalo pa at ang gwapo naman niya at kahit sinong babae naman mapapatingin sa kanya lalo pa at ang ganda naman niya ngumiti.
“Ayos lang hindi naman nila ako hinabol at hindi nama sila nakalabas,” sagot ko sa kanya kaya bigla naman siyang napatawa at kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin lalo pa at nasisilakan ito ng araw kaya mas lalong tumitingkad ang kanyang kulay. “Salamat nga pala,” hingi ko ng salamat sa kanya kaya mabilis siyang napakamot sa kanyang ulo at mukhang nahihiya pa ito.
“Dapat nga ako humingi ng tawad sayo kasi mukhang natakot ka ng mga aso ko pero mababait naman sila hindi ka lang nila kilala pero kapag nakilala kana nila sigurado magugustuhan mo sila,” ako naman ang napangiti sa kanyang sinabi at tumango nalang sa kanya. “Im Arthur Martinez,” mabilis niyang saad sa akin at kaagad nitong nilahad ang kanyang kamay sa akin habang may ngiti sa kanyang mga labi. Tinignan ko ang kanyang mga kamay na mukhang ang lambot at hindi sanay sa gawain.
“Nikini Callesto Aruna,” sagot ko sa kanya sabay abot ng kanyang kamay at nakipag-kamay dito pero mabilis naman nawala ang aking ngiti ng makita ang gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at mukhang hindi niya inaasahan ang aking sasabihin. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya kaya mabilis naman itong nabalik sa kanyang isip at mabilis na umiling sa akin at nakipag-kamay nadin ito at ngumiti sa akin.
“Pasensya kana nagulat kasi ako sa pangalan muna related lahat-lahat sa buwan kahit ang last name mo,” bigla akung napakamot sa aking ulo kasi iyon talaga ang unang pumasok sa kanyang utak, kaunting tao lang kasi ang makaka-pansin na ang pangalan ko lahat-lahat ay related sa buwan kung hindi ko sasabihin o hindi nila makikita. “Pasensya kana,” muling saad nito kaya umiling nalang ako at ngumiti sa kanya.
“Nice too meet you Arthur,” tanging sagot ko sa kanya at dahan-dahan na binitiwan ang kanyang kamay. “Paano mauna na ako,” paalam ko sa kanya kaya kaagad naman siyang tumango sa akin at ng makaalis na ako narinig kuna ang pagsirado ng kanyang gate at ipinagpatuloy ko nalang din ang aking paglalakad. Umiling nalang ako ulit ng bumalik sa aking isipan ang kanyang mukha ng banggitin ko ang aking pangalan, siguro dahil alam niya ang mga salitang iyon kaya siya nagulat sa aking pangalan pero ang iba na walang alam hindi naman sila nagugulat para sa kanila nagiging weird lang ang aking pangalan.
Hanggang sa makarating ako sa sakayan ng bus hindi parin mawala sa aking isipan ang mga aso na iyon pasensya nalang sa kanilang amo pero parang hindi naman aso ang mga iyon at bigla kung naalala ang patay na lalaki kanina at ang aso na iyon pero mabilis naman akung napailing kasi kung ano-ano na ang nasa isip ko wala namang katuturan. Hindi nagtagal at tumigil na ang bus at bumaba na ako dito lang naman siya tumigil sa daan kung saan papasok nasa bundok hindi kasi dito dumadaan ang bus deritso lang siya sa kabilang bayan habang ako naman papasok dito sa bundok. Malapit lang naman dito ang bahay ko kaya lalakarin ko nalang papasok at hindi naman gaanong mabigat ang aking dala at hindi naman gaano ka init. Habang naglalakad ako papasok sa bundok kaagad ko ng naramdaman ang lamig ng buong paligid isama mo pa ang preskang simoy ng hangin pero biglang nawala ang aking ngiti sa mga labi ng maramdaman kuna naman na parang may nakatingin sa akin at sinubukan kung lumingon sa aking likod ng wala naman akung makitang nakasunod sa akin o nakatingin.
Iyong pakiramdam na parang naiilang ka kasi may nakatingin sayo pagtingin mo wala naman pero alam mong meron hindi mo lang makita o ano ito. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad hanggang sa matanaw kuna ang aking bahay at napaka-ganda nitong tignan kasi nahuhulog pa ang mga dahon sa paligid at isama mo pa ang humahalimuyak na mga bulaklak sa paligid. Itong buhay na ito ang aking gusto ang buhay na tahimik at malayo sa ingay at kahit ano hindi ko ipagpapalit ang buhay ko ito. Mabilis akung pumasok sa aking bahay at kinuha nag shotgun na binigay sa akin ng aking kaibigan na gamitin ko daw ito kung kailangan ko lalo pa at nasa gitna ako ng kagubatan at walang bakod ang aking bahay at mag-isa lang naman ako dito pero wala namang tumatangkang pumasok sa akin dito kasi kapag gabi may mga live-wire ang aking bintana at kung magnanakaw ka atsubukan mong pumasok sa bahay ko talagang susunugin ka ng kuryente sa labas at may alarm ang bahay ko kapag sapilitan kang papasok. Handang-handa ako ng naiisipan kung tumira dito at marunong akung lumaban para sa aking sarili.
Nilagyan ko ng bala ang shotgun at mabilis akung lumabas ng aking bahay sabay kasa nito at umikot ako habang tinitignan ang aking buong paligid kasi baka may tao ngang nakatingin sa akin at masama ang kanyang balak sa akin. Hindi ako makakapayag na ganito nalang ako sa araw-araw na parang may nakatingin sa akin at ng mabilis muli akung tumingin sa likod ng bahay may nakita akung anino na mabilis na umalis kaya kinabahan naman ako kaya mabilis kung kinuha ang kutsilyo ko at sinundan ito habang nakahanda na ang aking barel upang barelin ang kung sino man ang pangahas na ito.
“Pulido ang aking paglalakad na hindi ako makakagawa ng ingay o ano habang naglalakad ako at sinusubukang sundan ang yakap na iyon hanggang sa dalhin ako nito sa masukal na parte ng kagubatan kaya bigla nalang akung kinabahan pero mas lalo kung nilakasan ang aking loob. Huwag kang matakot Nikini tandaan mo may barel ka at marunong ka namang lumaban kaya umayos ka. Biglang nawala ang yapak na iyon kaya naging alerto naman ako at luminga ako sa paligid habang sinisigurado na walang tao sa aking paligid bago ko ipinagpatuloy ang aking paglalakad.
Hanggang sa makarating ako sa mas lalong masukal na kagubatan at doon may nakita akung paa ng tao na nakatayo sa hindi kalayuan kaya dahan-dahan naman akung lumapit doon at mabilis na tinutok sa kanyang ulo ang shotgun na hawak ko.
“Isang maling galaw mo lang sabog ang bungo mo,” may diing saad ko habang mas lalong idinikit sa kanyang bungo ang aking hawak na shotgun. Kinakabahan ako pero kailangan kung protektahan ang sarili ko. “Harap!” malakas kung sigaw sa kanya kaya dahan-dahan naman siyang humarap sa akin habang nakataas ang kanyang mga kamay at ng tuluyan na itong makaharap sa akin mabilis kung binaba ang aking barel at napatampal sa aking noo. “Tito Bert naman!” malakas kung sigaw ng makita si Tito Bert ito ang matandang nangangaso dito sa bundok. “Bakit ho naman kasi kayo nandito at hindi manlang kayo nagsalita,” mabilis kung saad sa kanya at tuluyang binaba ang aking barel haban ang matanda naman ay nakatingin lang sa aking barel na binaba.
“Hindi ko akalain na may ganyang barel ka pala anak,” mas lalo lang akung napakamot sa aking ulo kasi mukhang nagulat ko nga siya talaga. Hindi ko naman kasi ito ilalabas kung hindi ko naman kailangan.
“Pasensya kana po Tito Bert akala ko kasi ikaw ang nararamdaman kuna nakatingin sa akin habang naglalakad ako. “Pasensya napo talaga Tito,” may galang kung saad kay Tito Bert pero ngumiti lang ito sa akin at hinawakan ako sa kamay.
“Ayos lang anak ang mahalaga alam kung kaya mong protektahan ang sarili mo kung sakali na may mangyari sayo at sa nakikita ko mukhang mas magaling kapa sa akin humawak ng barel,” ako naman ngayon ang napangiti sa kanyang sinabi kasi nagawa niya pa talaga kaung patawanin.
“Salamat po Tito Bert mauna napo ako at mag-iingat po kayo dito,” saad ko kay Tito Bert at mabilis na akung umalis doon habang napapailing nalang ako. Muntik pa akung maka-disgrasya ng tao dahil sa kung ano-ano na ang naisip at nararamdaman ko. Hanggang sa makauwi ako hindi ko nalang ito inisip kasi baka kung ano na naman ang pumasok sa aking isipan at ang mas mabuti pa siguro magpahinga nalang ako baka pagod lang ito.