Chapter 1
Nakatingin ako sa malayo kung saan tinitignan ang mga nagliliparang mga ibon at ang paggalaw ng mga dahon ng kahoy sa hangin at sa bawat pagbukadkad ng mga bulaklak ay nakikita ko lalong-lalo na ang mga hakbang ng hayop na pwede kung gawing pagkain. Sa pag-apak ng aking mga paa sa bato kaagad itong nagyelo at makikitang dumilim ang buong paligid at kumidlat at kumulog ng malakas habang unti-unting lumalakas ang hangin sa buong paligid.
Ganito naba ako kalakas na makakaya kung ibahin ang buong paligid at kayang-kaya kung gawin ang aking gusto sa isang iglap lang? Hindi na ako magtataka kung bakit walang lumalapit sa akin o kumakausap malang sa takot na mapatay ko sila ng tuluyan. Mahigit kung hinawakan ang punong kahoy at sa isang iglap ng nawasak ito at kaagad na naging yelo at naging malamig ang buong paligid, ramdam na ramdam ko ang pag-iiba ng kulay ng aking mga mata lalong-lalo na ng makaamoy ako ng mabaho at amoy aso na walang iba kundi ang mga lintik na mga lobo.
Malayo palang sila pero rinig na rinig kuna ang kanilang mga alolong at hakbang pati na ang paglabas ng kanilang mga pangil sa kanilang mga bunganga, isa lang ang masasabi ko sa kanila! Isang malaking pagkakamali na pumunta sila ngayon dito dahil buhay nila ang magiging kapalit sila ang papawi sa inis ko sa palasyo maliligo sila sa sarili nilang mga dugo! Noong una dahan-dahan lang akung humahakbang pero sa isang iglap para akung isang kidlat na tinakbo ang malawak na kagubatan at rinig na rinig ko ang pagsiliparan ng mga ibon at ang pagtakbo ng ibang mga hayop ng dumaan ako at lumamig ang buong paligid. Hindi na ako magtataka kung ilang knights ang susundo sa akin matapos nilang maramdaman ang mga nangyayari lalong-lalo na ang aking ama.
Mabilis kung tinalon ang mahabang talon at tumalon sa itaas ng puno at tumingin sa malawak na kagubatan at mas lalo akung umakyat sa pinakamataas na parte ng kahoy hanggang sa pinakadulo na ako nito at kitang-kita ko dito ang palasyo na sobrang laki at kahit dito kitang-kita ko pa ang mga bampira na nagbabantay sa taas nito. Napaikot nalnag ang aking mga mata at walang alinlangan na hinayaan ang katawan kuna mahulog sa puno at ng malapit na ako sa lupa doon na naman ako umikot at tumakbo ng mabilis ng umapak ang aking mga paa sa lupa.
Hindi nagtagal kaagad na akung napatigil sa pagtakbo ng maramdaman kung malapit nalang sila kaya naglakad nalang ako ng marahan at gusto kung matawa ng malakas at masuka ng tuluyan ng maamoy ko ang mabahong amoy ng mga lobo. Bakit ba hindi nalang kasi sila maubos at mamatay lahat wala naman silang silbi dito sa mga mundo kaya bakit pa sila nabuhay? Kung tutuusin wala naman silang laban sa amin at kami naman ang namumuno sa mundong ito at sumusunod lang sila sa utos ng ama ko. Sa mundong ito kaming mga bampira ang namumuno dito at sa bawat kakaibang nilalang na nandito may mga pinuno lang sila na inatasan ng ama kuna pamunuan sila para silang mga pangalawang Hari at Reyna pero ang ama ko at ina ko parin ang mas nakakataas. Katulad na lamang ng mga lobo na ito na sinusunod ang kanilang pinuno o mas tamang sabihin ang kanilang Alpha pero ang Alpha nila ay sumusunod din naman sa aking ama.
Bigla akung napatigil ng makaamoy ako ng dugo at napatingin sa dulo at sa isang iglap nandoon na ako sa bangin kung saan sa ilalim nito maraming patay at nabubulok na bangkay ng mga hayop at sa ibaba nito nandoon ang mga pangit na mga goblin na alagad ng kadiliman kung saan kumakain ng mga bangkay at hindi manlang nila napansin na nandito na ako sa kanilang likuran, mababa lang naman ang bangin at mariin akung napapikit ng aking mga mata ng hindi manlang nila ako napansin dito.
“Masarap ba ang kinakain niyo?” malamig kung saad kaya mabilis naman silang napalingon sa akin at takot kaagad ang unang nakita ko sa kanilang mga mata lalong-lalo na ng ngumisi ako sa kanila at tinignan ang kanilang kinakain pero kaagad na nawala ang aking ngisi ng maramdaman kung may lobo sa tabi ko at amoy niya palang alam kuna kung sino ito. “Bakit kana naman nandito? Ang baho mo!” singhal ko sa anak ng Alpha ng mga lobo na ngayon ay naging anyong tao na pero lobo hindi naman pwedeng anyong bampira lobo ang bwesit na ito.
“Mas mabaho ka alam mo ba iyon? Sa dulo palang ako amoy na amoy kuna ang mabaho mong ugali Zen,” mabilis ako nitong inirapan at tinaasan ako ng kilay. Oo, babae ang anak ng alpha nila at kapag ako napuno dito baka tuluyan ko ng pugutan ng ulo ang hayop na ito. Ang plano kung patayin sila hindi na natuloy dahil sa mga lintik na goblin na ito pero marami pa namang araw para patayin ko sila. Malaki na ang kasalan niyang nagawa ng hindi niya ako tinawag na Prince Zen pero hayaan kuna muna sa susunod na araw ko nalang siya sisingilin. Oo, isa akung prinsipe hindi lang basta prinsipe kundi prinsipe ng mga bampira. Im Zen Dienver Del Cais Moontrata the only full-blooded vampire that related to the moon.
“You should call me Prince Zen b***h,” malamig kung sagot sa kanya at tinignan siya ng malamig pero inirapan lang ako nito at tumingin sa mga goblin sa ibaba kung saan hawak-hawak na nila ang kanilang mga patalim at nanlilisik ang kanilang mga mata habang nakatingin sa amin at bigla kuna namang naramdaman na dumating ang ibang mga lobo at napalibutan na namin ang bangin at kaagad silang nagbigay galang sa akin ng nagbago sila ng anyo mabuti pa sila kaya hindi ko muna sila papatayin kasi ginalang nila ako hindi kagaya sa walang kwentang babaeng ito na inirapan lang ako. “Bakit kayo nandito?” tanong ko sa mga goblin na ngayon ay nakangisi nasa amin nasa lima lang naman sila at ang babaho nila.
“Wala kana don hayop!” napairap ako sa kanyang sinabi at malalim na napabuntong hinga at hinaplos ang ulo ko matapos marinig ang naging sagot nila sa akin.
“Gusto kung kumain dalhin niyo ako sa pinuno niyo pagkatapos niyo diyan,” malamig kung saad sa kanila at dahan-dahan na naglakad hanggang sa makarinig ako ng mga dugo na tumatalsik at hiyaw ng mga goblin at ang mabibilis na pagkalmot at kagat sa kanila ng mga lobo. Bakit ko naman dudumihan ang kamay ko sa dugo ng mga goblin kung pwede naman ako umutos okay sana kung ang mga lobo na ito ang pinatay ko pero ako naman ang malalagot sa tatay ko.