Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na parang may tumitingin talaga sa akin kaya hindi ako makatulog ng maayos. Mabilis akung bumangon at napatingin sa aking bintana kung saan glass ito at makikita ang sa labas pero hindi mo naman makikita ang nasa loob at may ilaw naman ang buong bahay ko at hindi ko naman pinapatay ang ilaw sa buong bahay at may ilaw din naman sa labas ng bahay na halos palibot nito ay may ilaw kaya kung may tao sa labas makikita ko talaga kung sino kasi ang liwanag ng aking ilaw. Hindi naman umuulan sa labas at ang ganda ng panahon mukhang may buwan pa nga kasi ang mga bituin sa langit ay kitang-kita.
Mabilis akung napahilamos sa aking mukha at malalim na napabuntong hininga at kinuha ang tubig ko sa mesa at mabilis itong inubos at kinuha ang aking jacket tsaka ang aking kutsilyo at nilagay sa bulsa ng aking jacket at lumabas ng bahay. Tama nga ang aking sinabi kasi maganda nga ang tanawin ngayon kasi ang ganda ng buwan at ng bituin sa langit kaya nakakahalina itong tignan. Bumalik pa ako sa loob at kinuha ang aking lighter at gumawa ako ng apoy sa labas ng bahay at kinuha ang iilang kahoy na kinuha ko kanina habang nasa gubat ako upang may igawa ako ng apoy dito sa labas ng bahay. Ganito kasi ang aking ginagawa kapag hindi ako makatulog, naalala koi to sa aking mga nabasa at narinig din sa kung sino.
Minsan naghahanap din naman ako ng kasama sa bahay pero kagaya ng sinabi ko kahit anong gusto mo sa isang tao kung ayaw niya sayo talagang hindi siya magtatagal sa buhay mo. Malalim akung napabuntong hininga at umupo sa upuan na gawa sa kahoy at kaagad akung sumandal doon habang nasa kalangitan naman ang aking mga mata at ramdam ko ang init na nagagawa ng apoy kaya nagiging mabuti na ang aking pakiramdam. Hindi naman ako natatakot sa aking ginagawa kasi sanay na ako dito.
Tumingin ako sa buwan kung saan ang payapa nitong tignan at bumabalik sa alaala ko ang aking mga sinusulat sa aking akda na mga lobo at ang gaganda ng kanilang mga wakas. Magaling nga ako gumawa ng magandang wakas sa aking akda pero hindi ko naman alam kung ano ang magiging wakas ng buhay ko o ano ba ang naghihintay na mangyayari sa akin. Hindi ko alam kung anong buhay ang mararanasan ko kasi alam kung darating ang araw na magbabago ang buhay ko hindi pwede na dito lang ako sa bahay ko at dito lang ako sa gitna ng kagubatan. Kung mangyari man iyon huwag lang sana ngayon kasi nais ko pang maging masaya at mapag-isa sa lugar na ito, dito ako masaya kahit sa iba ay boring ito at masyadong tahimik pero sa akin ito ang aking kasiyahan.
Akmang pipikit na sana ako ng bigla nalang nakarinig ako ng alolong ng isang aso isama mo pa ang malakas na ihip ng hangin na nagdala ng kamig sa buong paligid kaya biglang nagsitaasan ang aking balahibo sa katawan at mabilis akung napatingin sa buong paligid at lumingon sa kung saan pero wala naman akung makita. Sa sobrang liwanag ng paligid hindi pwedeng hindi ko sila makita at ngayon lang naman ako nakarinig ng ganito dito at may mga ingay din naman dito ng mga hayop pero hindi ang kagaya kanina ng aking narinig na parang isang lobo. Kinuha ko ang aking kutsilyo at inilabas ito at dahan-dahan na tumayo tsaka kinuha ko ang flashlight na nasa gilid ko kanina at dahan-dahan na pumunta sa likurang bahagi ng aking bahay at may ilaw naman dito pero kapag mas lalo kapang lumayo malamang hindi kana aabutin ng ilaw at biglang nanlaki ang aking mga mata ng makakita ako ng anino ng isang aso kaya mabilis na binundol ng kaba ang aking puso pero patuloy parin naman ako sa paglalakad.
Sinubukan kung sundan ang hakbang ng aso na iyon dahil sa curiosity ko habang inihahanda kuna ang aking kutsilyo kung sakaling susugurin niya ako. Hanggang sa dito na nga ako sa parte kung saan hindi na ito abot ng ilaw na nanggagaling bahay. Muli akung napatingin sa aking bahay bago malakas na bumuntong hininga at ipinagpatuloy ang aking paglalakad at hindi kuna inalala kung ano man ang mangyari sa akin. Habang naglalakad ako kakaibang mga huni ng hayop ang aking naririnig at kung ano-ano pa ang aking naririnig at hindi ko lang iyon pinapansin.
“f**k!” malutong akung napamura ng masabit ang aking kamay sa isang sanga at ng ilawan ko dito nakita ko ang isang maliit na sugat at tama na ito para tumulo ang aking dugo kaya mas lalo lang akung napamura. “Nasugatan pa ako!” medyo napalakas ang aking saad at pinahid nalang ang dugo na tumulo doon at hinayaan na ito, hindi naman ito gaanong masakit at hindi naman siya gaano kalaki para alahanin. Ipinagpatuloy kuna ang aking paglalakad at sinubukang hanapin ang nakita ko kaninang aso sa likod ng aking bahay, hindi naman ako natatakot kasi kabisado ko naman ang gubat na ito pero hindi naman pwede na lalayo na ako lalo pa nasa kalaliman ako ng gabi. Habang naglalakad ako bigla akung nakarinig ng kaluskos sa aking likod kaya mabilis akung napatingin doon at inilawan habang umuurong na ako at hinihintay na lumabas ang kumakaluskos na iyon. Mabilis na binundol ng kaba ang aking puso at humigpit ang aking hawak sa aking flashlight at kutsilyo ng bigla nalang nawala ang ilaw ng aking flashlight at ang tanging nagbibigay sa aking ilaw ay ang sinag ng buwan.
Kahit makailang beses kung paluin ang aking flashlight upang umilaw ito hindi talaga kaya mabilis ko nalang itong tinapon at ang aking kutsilyo ang aking mahigpit na hinawakan. Habang umuurong ako ang malilit na yapak naman ang aking narinig hanggang sa makita ko ang dalawang paris ng mga mata na nakatingin sa akin at nagbabaga ang kanyang mga mata na kulay pula habang ang kanyang mga pangil at dila naman ay lumalabas at tangina naman kumikintab pa ang kanyang mga pangil.
Mas lalo akung nanlula ng makita na halos hanggang beywang ko ang laki ng aso na ito at ang hahaba ng ng kulay itim nitong balahibo isama mo pa ang kanyang pula at bilugang mga mata. Hindi ko alam kung aso ba o lobo itong kaharap ko kasi isnag talon niya lang ako nito malamang tumba na ako at isang kagat niya sa aking kamay malamang makukuha niya. Bigla pa nitong dinilaan ang kanyang ilong habang hindi mawala ang tingin niya sa akin na parang gutom na gutom talaga siya.
“Tangina anong klaseng aso ka!” malakas kung sigaw habang nakatutok parin ang aking kutsilyo sa kanya kahit na ang totoo nanginginig na ako at natatakot. Kasi naman Nikini bakit kapa kasi pumunta dito kung alam mo din naman na mapapahamak. Dahil sa lintik na curiosity mo ngayon paano mo ililigtas ang sarili mo sa aso na ito na mas malaki pa sayo! “Lumayo ka!” muling sigaw ko na parang susunod lang sa akin pero mas lalo pa nga itong humakbang palapit sa akin kaya tuloy lang din ako sa pag-urong. Hindi ko alam kung paano ako maka-alis dito o paano ko itataboy ang aso na ito na mukhang tingin talaga sa akin ay isang pagkain at nasaan naba ang amo nito pero mukhang ligaw na aso ito kasi sa mukha palang niya mukhang wala itong amo. Tangina naman!
Habang lumalabas ang kanyang pangil at mas lalong pabilis ang kanyang paglapit sa akin ako naman ay mas lalong umuurong palayo sa kanya at ng makita kung tatalon na ako nito mabilis kung binato sa kanya ang aking hawak na kutsilyo at tumama ito sa kanyang mukha malapit sa pisnge nito at isang malakas na alolong ang aking narinig kaya mabilis na akung tumakbo paalis hindi alintana ang kanyang alolong at tinahak ang daan pabalik sa aking bahay pero isang mabilis na yakap ang aking narinig at nakita ko siyang nakasunod sa akin at tangina ang bilis naman ng kanyang takbo.
Para na akung madadapa habang tumatakbo ako at punong-puno na ako ng pawis at ang lalaki pa naman ng ugat ng mga kahoy at kailangan ko pang talunin ito. Putangina naman! At ng makita ko ang malaking ugat na naman mabilis ko itong tinalon ng madapa pa ako tangina naman! Kaagad kung naramdaman ang hapdi ng aking tuhod at akmang babangon ako ng biglang sumalubong sa akin ang mukha ng malaking aso na ngayon ay nakatayo nasa ugat kung saan ako nadapa at ang kanyang laway naman ay panay ang tulo at nagbabaga ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Ito na ang oras kung saan gusto kung sumigaw at umiyak ng malakas pero wala namang lumalabas na boses sa aking bibig kahit anong lakas at pwersa na binibigay ko para may boses na lumabas sa aking bibig pero wala talaga at kahit anong gawin ko wala talaga akung marinig na boses ko. Sabay-sabay lang na tumulo ang aking mga luha habang nakatingin sa mga mababangis na mata ng aso at dahan-dahan itong bumaba sa ugat at handa na ako nitong kagatin ng bigla nalang itong umurong at kung tama ako nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata kagaya ng nakikita ko sa ibang aso na kapag pinapagalitan sila ng kanilang amo iyon ang aking nakikita.
Muli pa ako nitong tinignan at napahawak ako sa aking pisnge na parang dumaan na ilaw sa aking harapan at ng tignan ko ang aking kamay may dugo na ito at umaalolong palayo ang aso na iyon habang ako naman natulala nalang sa aking kamay na may dugo. Alam sa aso na dugo ito kasi parang gumalaw ang kanyang pisnge ng parang may dumaan na ilaw sa aking harapan at kahit ilang minuto na ang nagdaan hindi parin ako makaalis sa aking kinauupuan dahil sa gulat. Dahan-dahan kung binaba ang aking kamay kung saan puno ito ng dugo at nanginginig pa ang aking kamay habang nakatingin sa kawalan.
Kahit na nanginginig ang aking mga paa at kamay tumakbo parin ako pabalik sa aking bahay at kahit muntik na akung matumba at madapa hindi parin ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa aking bahay at nandoon parin sa labas ang ginawang apoy ko kanina at mabilis kung sinarado ang pinto habang kumakalabog ng malakas ang aking puso.
Hindi na ako nag alintana pa at tumakbo ako papunta sa aking kwarto sabay upo sa likod ng aking pinto habang nakatingin ako sa aking kamay na punong-puno ng dugo at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari sa akin kanina. Hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon buhay parin ako at hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Mabilis akung napahilamos sa aking mukha at mabilis kung kinuha ang barel ko sa aking ilalim ng kama at dumungaw ako sa bintana kung saan hanggang ngayon umaapoy parin ang aking ginawang apoy sa ibaba at nanlaki ang aking mga mata ng makita sa hindi kalayuan ang nagbabagang mga mata at walang alinlangan kung pinaputukan ito ng aking barel at bigla nalang itong nawala at isang alolong na naman ang aking narinig. Kung hindi ako nagkakamali hindi aso ang lintik na iyon kundi isang lobo! Tangina hindi ko alam na may lobo pala dito at ngayon alam na niya ang aking bahay at ano mang-oras pwede niya akung pasukin pero hindi naman siya makakapasok sa bahay ng madali kasi nga may mga live-wire sa aking bintana na binubuksan ko kapag gabi.
Muli kung kinasa ang aking barel at itinutok ito sa kung saan ako tumutok kanin at talagang umuusok pa ang dulo nito dahil sa ginawa ko, hindi na ako magtataka bukas na pinuntahan ako dito ni Tito Bert kasi alam kung abot sa kanila ang putok ng aking barel. Alam naman niya na hindi basta-basta ako magpapaputok kung walang dahilan at hindi naman ako natatakot kasi may lesensya naman ang barel ko.
Kahit na nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak dito at sinusubukang hanapin ang mukha ng lobo na iyon pero wala akung makita kaya mabilis kuna namang sinirado ang bintana ko at bumaba ako hanggang sa nandoon na ako sa labas ng aking bahay kung saan sa ginawa kung apoy at mas lalong dinagdagan ang kahoy nito at naging alerto ako sa aking paligid. Hindi ako tatanga at magtatago sa bahay ko, hindi kao kagaya ng iba na matatakot at hindi lalaban. Mag-isa nalang ako sa buhay ko at walang iiyak kung mawawala man ako lalo pa at wala naman akung pamilya na lumalapit sa akin. Ngayon alam kung hindi lang basta aso iyon isa iyong lobo na kayang-kaya na lumapa ng tao at sobrang delikado ng nilalang na iyon mabuti nalang nakaligtas ako kanina na hindi ko naman alam kung bakit pero ang mahalaga ligtas na ako at hindi ako nasaktan ng halimaw na iyon. Bukas babalikan ko ang lugar kung sana ko siya binato ng kutsilyo ko baka nandoon naiwan ang aking kutsilyo na binato sa kanya. Hindi na ako makakatulog nito kaya ang mas mabuti pa na nandito nalang ako at babantayan ko ang lobo na iyon mahirap na baka bumalik siya at kung ano pa ang kanyang gagawin kapag tulog kaya mabuti pa na gising ako nagbabantay dito. Natatakot ako pero wala naman akung aasahan na magtatanggol sa aking sarili kaya ako nalang ang gagawa. Tangina!