Habang nakatingin ako sa aking bag at sapatos at handa na akung umalis para mamasyal na naman sa kagubatan upang makasulat ako ng maayos at makagawa ako ng mas maganda plot sa aking sinusulat kasi kung nandito lang ako sa bahay ng aking kaibigan wala akung ibang marinig kundi ang huni ng mga sasakyan at sigawa ng mga tao sa paligid. Ang aking bahay kasi ay nasa gitna ng kagubatan, oo nasa gitna ng kabugatan kung saan malayo sa mga tao upang maging tahimik ang aking buhay. Wala na naman akung pamilya at nag-iisa nalang ako sa buhay kaya magagaw ko kung ano ang gusto ko. Isa akung author sa isang sikat na publishing house pero hindi naman ako gaanong kilala tama na ang ma publish ang akda ko pero hindi naman naging sikat at may bumibili naman ng aking libro pero hindi gaanong karamihan. Ayos lang naman sa akin iyon ang mahalaga nagagawa ko ang aking gusto at kahit paano may pinagkukunan ako ng pangtustos sa aking sarili.
Im Nikini Callesto Aruna, a twenty-nine year old writer and love to explore the whole forest. Alam kung medyo weird ang aking pangalan kasi kahit hanapin niyo ang pangalan kuna iyan ay related sa buwan kahit ang last name ko ay related din naman sa buwan kahit ang aking second name ay related din sa buwan. May mga kaibigan naman ako dito pero mas pinipili kung dito nalang ako sa bahay ko sa gitna ng kagubatan kaya aalis na ako ngayon dito sa bahay ng aking kaibigan kasi hindi ako makasulat dito ng maayos.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila kasi natutulog pa sila kaya aalis nalang ako alam na naman nila kung aalis ako, ayaw ko naman silang gisingin kasi alam kung pagod din sila sa gulo nila kagabi na kulang nalang ubusin nila ang dilim sa paligid bago matulog, mas malala pa sila sa akin na author nga ako. Pumunta ako sa aking kotse at mabilis na tinungo ang aking bahay na nasa malapit na kagubatan lang at mabilis naman ito puntahan kasi may daan sa gitna ng bundok at dinadaanan ito ng mga turista kung pupunta sila sa kabilang bundok kung may sky diving doon at dito sila dumaan sa isang araw madaming sasakyan naman ang dumadaan dito kaya ayos lang kasi hindi naman abot sa bahay ang huni ng kanilang sasakyan at nabili kuna ang pinatatayuan ng aking bahay kaya walang makakapag-paalis sa akin dito lalo pa at hawak ko ang totoong titulo. Hanggang sa makarating ako sa bahay at mabilis ko lang na ipinasok ang mga gamit ko doon at iniwan ang aking kotse doon at dala-dala ang bag ng aking laptop at paying tsaka ang aking kutsilyo pang self-defense ko lang ito kungy sakali at ang aking cellphone at mabilis kuna namang tinahak ang kalagitnaan ng bunbok. Medyo masukal ang aking daraana na kahit palagi kuna itong dinadaan hindi parin nawawala ang mga damo wala naman kasi gaanong dumadaan dito, takot lang nila kasi nasa gitna ito ng kagubatan at baka sabi nila may mga mababangis na nilala dito pero sa ilang taon kuna ditong naninirahan wala naman akung nakitang mabangis na nilalang.
Struggle kasi talaga ako sa paggawa ng plot ko ngayon at kailangan ko talagang galingan para mapili na naman ang aking akda sa susunod na gagawing libro kaya kailangan kung mas galingan lalo pa at hindi naman ako ganon ka sikat kaya kailangan ko pang kumayod para sa aking sarili. Hanggang sa makarating ako sa palagi kung inuupuan kung saan may malaking bato doon at nilagyan ko din ito ng upuan na kahoy kasi dito ang paborito kung pwesto isama mo pa ang malamig na simoy ng hangin at ang huni ng mga ibon at ang humahalimuyak na bango ng mga ligaw na bulaklak sa paligid. Dahan-dahan akung humiga sa aking inuupuan sabay lapag ng aking mga dala at isang matamis na ngiti ang kumawala sa aking mga labi kasi kahit mag-isa nalang ako sa buhay masaya ako at kuntento ako kung ano man ang meron ako ngayon, kung tatandan man akung ganito ayos lang sa akin kasi lalaki nadin mismo ang lumalayo sa akin kasi para sa kanila isa akung outcast na babae kasi nandito ako sa gitna ng kagubatan at hindi ako kagaya ng ibang babae na maraming palamuti sa mukha tanging lipstick at pulbo lang ang nasa mukha ko at ayaw nila ng ganon kaya bahala sila hindi ko naman pinipilit ang aking sarili sa kanila.
Mabilis akung bumangon at kinuha ang aking laptop na nasa aking bag at mabilis itong binuksan upang makapagsulat ako ng makarinig ako ng malaka sna huni ng mga ibon kaya mabilis silang nagsiliparan kaya nahulog ang ibang mga dahon sa akin at ang iba naman ay napunta sa aking keyboard kaya dahan-dahan koi tong pinulot at tinignan sabay tingin sa aking paligid kung saan patuloy parin sa paghuni ang mga ibon.
Ng bigla akung mapatingin sa dulo kung saan may nakita akung lalaking kulay dark blue ang kanyang mga mata at nakatingin ito sa akin at hindi ko naman alam kung anong paraan ng kanyang pagkakatitig sa akin. Wala itong kisap-kisap habang nakatingin sa akin habang ako naman ay natulala sa kanyang mga mata na parang nalulunod ako sa dagat dahil sa ganda ng kanyang mga mata at lalo na ang kanyang pilik mata na mas lalong nakakapang-akit. Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan habang nakatingin sa akin at ng kumisap mata ako nawala na ito at sinubukan kung hanapin ito sa paligid pero wala naman akung makita kundi ang mga tuyong dahon lang at dahan-dahan itong nahuhulog sa aking paligid at napailing naman ako at napatingin sa itaas kung saan hindi na umiingay ang mga ibon at tahimik lang silang nagsisiliparan kaya mas lalong napakunot ang aking kilay.
Tao ba talaga ang nakita ko o baka guni-guni ko lang iyon kasi kumisap lang ang aking mga mata wala na kaung makita at tahimik na muli ang buong paligid. Pero biglang bumalik sa aking isipan ang guni-guni na iyon kung saan ang kanyang napakagandang mga mata ang nagpatulala sa akin hindi pa ako nakakita ng ganong klaseng mga mata at sa mga sinusulat ko lang na mga nobela nababangit nag mata na iyon at hindi ko akalain na makikita koi to kahit guni-guni lang. Siguro dahil sa stress at kagustuhan kuna makagawa ako kaagad ng magandang plot sa aking sinusulat kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Bigla akung napatingin sa aking laptop kung saan handa na ang aking susulat ng bigla ko nalang itong sinirado at napatingin ulit doon kung saan ako tumingin ako kanina.
Sinubukan kung hanapin ito sa paligid kung may makikita ako pero mukhang guni-guni ko lang nga talaga iyon kasi wala naman akung makitang tao sa paligid nib akas ng tao wala din naman akung makita. Binaba ko ang aking laptop at sinubukang lumakad sa paligid hanggang sa makarating ako kanina kung saan nakikita ko ang lalaking nakatayo na hindi ko alam kung totoo ba o mali kasi mukhang hallucination ko lang talaga iyon, paano naman ako makakakita ng lalaking naka-tuxedo dito sa gitna ng kagubatan kaya mabilis akung napailing at napabuntong hininga nalang at lumapit nalang ako sa isang ligaw na bulaklak at hinawakan ang kanyang bulaklak ngunit wala naman itong amoy hindi kagaya ng ibang bulaklak na nandito kasi sabi daw nila ang bulaklak na ito ay humahalimuyak lang kapag hating-gabi hindi ko naman alam kung totoo.
Bumalik nalang ako sa aking kinauupuan kanina at nagsimula ng magsulat pero natagpuan ko nalang ang aking sarili na sinusulat ang lalaking nakita ko kanina at dahan-dahan ko sinusulat ang nakita ko sa kanya lalo na ang kanyang magagandang mga mata lalo na kung paano ito kumislap sa kalaliman ng araw kaya napatampal ako sa aking noo kasi anong kabaliwan na naman itong pumasok sa aking isip at bakit ito na ang aking nasulat.
Hindi ko naman magawang burahin ang aking sinusulat bagkus at bigla nalang akung napangiti at inulit nalang ang aking ginawa kasi sino ba naman ang hindi mahahalina na mata na iyon siguro gagamitin ko ang mga matang iyon sa aking charater na lalaki dito kasama na ang kanyang anyo kanina na sobrang seryoso at talagang makukuha niya ang iyon atensyon. Namalik mata lang ako pero ibaiba na ang aking nakikita siguro dahil nadin ako sa tulog at kung ano-ano na ang aking pinanuod kaya kung ano nalang ang pumapasok sa aking isipan.
Ilang oras pa akung nandito at napagpasyahan kuna umuwi na ako kasi tanghali na din at dinadalaw na ako ng gutom kaya niligpit ko nalang ang aking mga gamit pero bago ako umalis doon ay muli na naman akung napatingin sa kung saan ako kanina na malikmata ng lalaki at napailing nalang. Ito na siguro ang epekto ng kape sayo Nikini kaya kung ano nalang ang nakikita at pumapasok sa isipan mo. Pero bigla akung napatigil ng maramdaman kung may nakatingin talaga sa akin pero hindi ko naman alam kung saan kasi bigla nalang nagsitayuan ang balahibo sa aking leeg at ng muli kung inilibot ang aking paningin wala naman akung makita ni wala akung makita na anino ng kung sino man ang tumitingin sa akin.
Kakaiba lang talaga ang nagiging dala sa akin kapag napapansin kuna may nakatingin sa akin, hindi ko alam pero talagang nahahalata at nararamdaman ko kapag may ibang tao na nakatingin sa akin. Hinayaan ko nalang ito kasi wala naman akung nakita siguro antok lang itong nararamdaman ko kaya kung ano-ano nalang ang pumapasok sa aking isipan at kung ano-ano nalang ang nakikita ko. Ito ang mahirap kapag isa kang writer kasi kung ano ang sinusulat mo iyon din ang pumapasok sa isipan mo mas lalo na kung mga katatakutan ang sinusulat mo kasi talagang matatakot ka at ikaw na mismo ang tumatakot sa sarili mo.
Habang naglalakad ako pauwi may nakita akung mga putol na bulaklak na kagaya ng doon kanina sa inuupuan ko at wala itong amoy at ang ganda pa, kapag iniwan ko ito dito mabubulok lang naman siya kaya kukunin ko nalang, mabilis ko itong kinuha upang ilagay doon sa aking vase upang kahit paano may silbi naman siya, hindi ko lang alam kung may bango pa ito mamayang gabi kasi naputol na siya sa kanyang puno. Bitbit ko ang tatlong tangkay ng bulaklak habang pauwi ko at may ngiti sa aking mga labi ng bigla na naman akung napatigil ng may naramdaman akung nakatingin na naman sa akin kaya mabilis kung inilibot ang aking paningin pero wala naman kaung makita ni wala akung makita na bakas na may tumitingin sa akin kaya kagaya kanina ipinag-patuloy kuna naman ang aking paglalakad hanggang sa makarating na ako sa aking bahay at doon mabilis kung nilagay ang bulaklak sa kaing vase kasama ng ibang bulaklak na nandito.
Minsan nga sinasabihan ako ng aking mga kaibigan na masyado kuna daw ginagawang buhay ang pagsusulat at kinalimutan kuna ang magsaya at gawin ang kanilang gawain. Wala namang bumabawal sa akin pero wala lang talaga sa aking utak ang kanilang pinapagawa sa akin kasi kahit ito lang ang buhay ko masaya ako at kuntento na ako kung ano man ang meron ako ngayon, masaya ako sa trabaho ko at hindi lang basta trabaho ito sa akin kasi parte na ito ng aking buhay at mahal ko ang aking trabaho ngayon, may kanya-kanya naman kasing kasiyahan ang mga tao at ito ang akin.
Humiga muna ako sa sofa kasi medyo masakit ang aking paa sa kakalakad at pati nadin sa radiation kanina sa aking laptop kaya medyo mahapdi ang kaing mga mata at mas gusto ko silang nakapikit kahit ilang minuto lang. Ganito lang ako dito sa loob ng isang araw kung hindi ako pinapapunta ng mga kaibigan ko sa kanilang bahay o kung hindi nila ako puntahan dito hindi ako umaalis sa gubat na ito kasi mas gusto ko dito at lalo pa tahimik ang aking buhay dito. Malayo ako sa gulo at walang maingay dito at mas nakakapagsulat ako dito ng maayos hindi doon kagaya sa syudad na ang ingay at halos tunog ng sasakyan at sigawan ng mga tao ang sasalubong sayo doon.