Chapter 7

2075 Words
Napapakamot nalang ng ulo ang isang pulis habang patuloy kung sinasabi sa kanya kung ano ang nangyari at kung ano ang aking nakita kanina. Pero ang pulis naman na ito na mukhang hindi naniniwala sa akin kasi halata naman sa kanyang mukha na hindi siya naniniwala sa akin kasi kanina tumawag ako ng pulis ng makita kung papasikat na ang araw at anong oras na sila dumating dito at mukhang hindi pa sila naniniwala sa akin. Nakikita niyo po ba ang sugat ko sa kamay?” mabilis kung saad sa kanila sabay pakita ng aking kamay na nasugatan ka gabi ng mga sanga ng kahoy at ang sugat ko sa paa para maniwala sila sa akin pero kahit anong pakita ko sa kanila mukhang hindi talaga sila naniniwala. “Totoo ang sinasabi kuna may lobo akung nakita kagabi at muntik na nga niya akung mapatay!” napataas na ang aking sigaw sa kanila kasi kanina ko pa inuulit ng maka-ilang beses ang aking sinasabi pero mukhang hiindi naman sila nakikinig at wala naman silang amor sa sinasabi ko. “Miss Aruna baka ho puyat lang kayo at pagod kaya kung ano-ano na ang nasa isip niyo lalo pa at isa ka palang author baka isa lang iyon sa imahinasyon mo kasi wala namang lobo dito at anong gagawin ng lobo dito sa gubat?” marahas akung napahilamos sa aking mukha at parang ang sarap naman kasi manapak ng tao parang sinasabi nalang din nila na nababaliw ako. “Hindi ako baliw at hindi ako puyat lang kasi alam ko kung ano ang nakita ko! Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala sa akin!” malakas kung sigaw kaya sila naman ngayon ang napakamot sa kanilang ulo kasi mukhang naiinis pa sila sa aking sinabi. “Kung ayaw niyong maniwala wala na akung magagawa pero nagsasabi ako ng totoo at hindi ako gumagawa ng kwento lamang!” hindi ko napigilan na naman ang aking boses kasi hindi manlang sila nakikinig sa akin ni hindi nga nila ako tinatanong at parang inaantok pa sila habang kinakausap ako. “Kung ganon aalis nalang kami at sa susunod Miss Aruna siguraduhin niyo na po ang sinasabi niyo,” parang tumaas ang lahat-lahat ng aking dugo dahil sa kanyang sinabi kaya marahas ko siyang nilingon habang papasakay sila sa kanilang sasakyan. “Wala naman po kasing lobo baka kung ano lang nakita niyo o baka nakainom lang po kayo kaya kung ano-ano nalang ang inyong nakita,” literal na napanganga ako at hindi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kasi parang tingin nila sa akin baliw at muli na naman siyang nagpaalam sa akin paalis at hindi na ako nakasagot o ano pa kasi natulala na ako dito at napatawa nalang ng pagak. Hanggang sa mawala sila sa aking paningin parang gusto kung batuhin sila kasi pumunta lang sila dito para ipamukha sa akin na nababaliw ako at hindi totoo ang aking nakita kung ganon ano iyong naranasan ko kagabi kung guni-guni ko lang iyon, alam kung totoo ang aking sinasabi lalo pa at dito an ako nagising sa aking harap ng bahay at hawak-hawak ko parin ang aking barel. Mabilis akung bumalik sa loob ng bahay at kinuha ang aking jacket at tinungo ang daan ka gabi na aking dinaanan titignan ko kung nandoon pa ang aking kutsilyo na binato ko kagabi sa lobo na iyon. Bakit ba hindi ko kaagad na realize na ang kaharap ko kagabi ay isang lobo at hindi lang basta isang aso kasi kung aso iyon hindi naman ganon kalaki at parang may utak ang aso na iyo lalo pa at kulay pula ang kanyang mga mata. Mabilis ko ulit na dinala ang aking shotgun mahirap nab aka kung ano na naman ang aking makasalubong dito mabuti ng handa ako. Habang naglalakad ako sa aking dinaanan kagabi kinakabahan ako pero mataas naman ang sikat ng araw kaya hindi ako pwedeng matakot, kung hindi sila naniniwala sa akin wala na akung magagawa doon mas mabuti ng handa ako at kaya kung alagaan ang aking sarili kung sakali mang babalik ang lobo na iyon. Hanggang sa makarating ako sa kinatatayuan ko kagabi kung saan unang lumabas ang lobo na iyon at isa na itong patunay na totoo talaga ang nakita ko kagabi kasi bumungad sa akin ang aking kutsilyo kung saan may tuyong dugo dito at may dugo din na nagkalat sa paligid kaya alam kung dugo ito ng lobo na iyon. Dahan-dahan kung pinulot ang aking kutsilyo at muling napalingon sa aking paligid. Hindi ko alam kung saan galing ang nilalang na iyon pero alam kung nandito siya nakatira ngayon pa at nakita ko siyang nakatingin pasa akin sa labas ng aking bahay kaya alam kung alam na niya kung saan ako nakatira at baka balikan pa ako ng hayop na iyon! Humigpit ang aking hawak sa aking kutsilyo at napalinga sa buong paligid ng makita si Tito Bert na ngayon ay hawak nadin ang kanyang barel. “Pinaniwalaan kaba ng mga pulis?” kaagad nitong tanong sa akin kaya malalim akung napabuntong hininga at itinuro kay Tito Bert ang dugo sa paligid kaya doon naman siya napatingin. “Alam ko po kung ano ang nakita ko at alam kung lobo iyon kasi kagabi muntik na ako nitong patayin,” mabilis kung sagot kay Tito Bert at malalim na napabuntong hininga. “Alam kung mahirap naman talaga paniwalaan na may lobo dito pero alam ko kung ano ang nakita ko at hindi lang iyon aso,” may diing saad ko kaya mabilis na lumapit sa akin si Tito Bert at hinawakan ako sa balikat at tumango. “Naniniwala ako sayo anak kasi kahit ako nakita kuna ang lobo na iyon,” ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata at hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Tito Bert sa akin. “Sumunod ka sa akin at may ipapakita ako sayo,” mabilis na humakbang paalis si Tito Bert kaya mabilis naman akung sumunod sa kanya habang naglalakad siya papasok sa gubat kung saan sa may masukal na parte. “Maka-ilang beses ko ng nakita ang lobo na iyon sa labas ng aking bahay pero hindi naman siya pumapasok tanging naka-abang lang siya sa labas at kapag lumabas ako at sundan ko siya doon niya ako aatakihin pero nanatili lang ako sa loob ng bahay kaya sa susunod kapag nagpakita siya sayo huwag kang lalabas sa bahay mo at maging alerto ka lang kasi hindi siya papasok sa bahay mo,” mas lalo naman akung nagulat sa kanyang sinabi kasi wala namang sinabi sa akin si Tito Bert na kagaya nito ngayon lang na may nangyari din sa akin. Kung ganon lobo nga iyon at mas lalo lang akung kinabahan ngayon kasi paano nalang kung tuluyan na akung nilapa ng nilalang na iyon malamang patay na ako ngyaon. “Kung bakit hindi ito ina-aksyunan baka kung sino pa ang mapahamak dahil sa lobo na iyon at kung ano pa ang kanyang gawin sa mga tao dito,” narinig ko ang munting tawa ni Tito Bert na mukhang may nakakatawa sa aking sinabi pero basi palang sa naging reaksiyon ni Tito Bert mukhang wala ding naniniwala sa kanya. “Kagaya mo Nikini wala ding naniniwala sa akin at kahit anong sabihin ko noon pinagtatawanan nila ako,” natahimik nalang ako at sumunod nalang sa kanya kasi sa akin nga inakala nila na baliw ako at hindi totoo ang aking sinasabi na baka nababaliw ako. Habang naglalakad kami ni Tito Bert napatingin ako sa paligid kung saan ang tahimik at tanging huni ng mga ibon at hangin lang ang iyong maririnig. Hanggang sa makarating kami sa parang isang kubo na bahay at nandoon si Tita Lucy na kumukuha ng damo sa labas ng kanilang bahay habang ang kanilang anak na babae naman ay nagsasampay ng mga damit. Ngumiti ako sa kanila lalo na ng makita nila ako kaya mabilis silang napatayo at sinalubong kami. “Mabuti naman at napadalaw ka Nikini nabalitaan kuna muntik ka ng mapahamak kagabi kamusta kana?” mabilis naman akung napangiti sa kanya at mabilis siyang lumapit sa akin at tinignan ang sugat ko sa aking kamay at paa. “Mabuti naman at maayos ka at hindi ka gaanong nasaktan,” mas lalo akung napangiti sa kanyang sinabi kasi mabait nag pamilya ni Tito Berto at kung sa gitna na ako ng kagubatan nakatira lalo naman sila na medyo malayo ang pagitan namin at ayos lang naman sa kanila ito. “Maghanda kayo ng pagkain dito na kakain si Nikini may ipapakita lang ako sa kanya,” mabilis na saad nni Tito Bert at inaya na ako papasok sa kanilang bahay na gawa sa kuwayan kaya sumunod ako sa kanyang habang nginitian ko naman ang kanyang anak na ngayon ay nasa high school palang. Ng makapasok ako sa kanyang bahay bumungad sa akin ang ibat-ibang patalim at kung ano-ano pa na kahoy. “Pasensya kana masyadong magulo ang bahay,” saad sa akin ni Tito Bert pero ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa paligid kung saan may mga nakita akung bagay na hindi ko maipaliwanag kung ano, may roong mga botelya na may lamang mga kahoy at mahahabang ugat ng kahoy at kung ano pa sa paligid. Parang isang albularyo ang nakatira dito at doon ko lang na realize na albularyo nga pala ang asawa ni Tito Bert. “Babalikan niya kaya ako Tito Bert?” tanong ko kasi kung babalikan niya ako mas lalo lang akung natatakot at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Masyadong malaki ang hayop na iyon at isang sakmal niya lang ako sa leeg kapag nagkataon. Mabilis na napatingin sa akin si Tito Bert at kaagad na may kinuha sa isang box at mabilis na tumingin sa akin. “Takot niya lang na balikan ka Nikini at kung babalik man siya malayo naman siya,” hindi parin ako kumbinsido sa kanyang sinabi kasi kitang-kita ko kung gaano kabangis ang hayop na iyon. “Matagal ko ng nakikita ang lobo na iyon na palaging umiikot dito tuwing gabi pero hindi ko naman siya nakikita kung araw kaya malamang malayo ang pinagtataguan niya dito,” marahan akung umupo sa upuan kung saan may nakita akung ibat-ibang kulay ng mga bato nasa dalampasigan mo lang ito makikita. “Ilang araw napo kasi akung nakakaramdam na parang may nakatingin sa akin na parang may nakabantay at nakatingin sa bawat galaw ko pero hindi ko naman mahanap o makita kung sino kasi kung lilingon ako wala naman akung makita at wala naman akung naaabutan na nakatingin sa akin,” biglang napaiwas ng tingin sa akin si Tito Bert at umupo nadin ito sa kabilang mesa at dahan-dahan na nilagay sa aking kamay ang isang pulseras na gawa sa parang isang ugat ng kahoy at maganda naman siyang tignan kasi parang sinauna itong pulseras pero maganda naman ito. “Isuot mo iyan paniniwala lang pero kapag suot mo iyan baka sakaling hindi ka niya lapitan dahil sa amoy ng pulseras na ito,” bigla ko naman itong inamoy pero wala naman akung maamoy na kahit ano kaya bigla nalang napangiti sa akin si Tito Bert at napailing nalang dahil sa aking inasal sino ba naman ang hindi mapatawa kung iyon ang aking ginawa. “Ginulat mo naman ako Nikini pero hindi mo maaamoy iyan kasi aso lang ang makaka-amoy niyan,” kaya kahit ako napahawak nalang ako sa aking mukha at napatampal dito kasi nagulat lang din naman ako at curious kung ano ang amoy nito. Maingat ko itong tinignan at tinignan si Tito Bert na ngayon ay nakatayo na at nakatingin sa labas ng kanyang bahay at bumalik naman ang kanyang tingin sa akin. Malalim na napabuntong hininga si Tito Bert at umupo muli sa kanyang kinauupuan kanina. “Basta mag-iingat ka lang kasi nararamdaman kuna babalikan ka niya ano mang oras,” bigla na naman akung kinabahan sa kanyang sinabi kasi kung babalikan ako ng hayop na iyon paano ko ipagtatanggol ang aking sarili kung napupuno na ako ng takot. “Mamaya na kayo mag-usap kumain na muna tayo tamang-tama luto na ang tinulang manok na niluto ko kanina,” mabilis akung inalalayan ni Tita Lucy hanggang sa makalabas kami sa parang kubo na iyon at dinala niya ako sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain at nakaupo na doon ang kanilang anak na nakangiti sa akin kaya wala na akung nagawa kundi ang ngumiti nalang din sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD