Habang nasa labas ako ng bahay at nakatingin sa papadilim na paligid at nagsisimula na akung gumawa ng apoy at naging handa kasi kagaya ng sinabi ni Tito Bert baka balikan ako nito kaya ako naman na kailangan na maging alerto at handa hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng hayop na iyon. Madami akung kinuha na kahoy kanina at nilagay dito upang hindi mawala ang apoy sa buong paligid. Ng matapos na akung makagawa ng apoy mabilis na akung bumalik sa loob ng bahay at kumain pero hindi umaalis sa aking tabi ang aking barel at nakabukas ang lahat-lahat ng ilaw. Ng matapos na akung kumain kinuha ko ang aking laptop at nagsulat ako sa mesa pero ang utak ko naman ay nadoon sa lobo na iyon na baka nandoon siya sa labas at hinihintay ako o baka naman nakatingin lang siya sa akin sa paligid