CASSANDRA “Anak, pag-isipan mong mabuti ang pinaplano mo. Paano kung hindi pumayag si Sir Tyron sa gusto mo?” nag-alalang sabi ni Inay Berna. Nagdesisyon akong Inay na ang itatawag ko sa kanya dahil siya na lamang ang meron ako at mula pa noon ay parang pangalawang ina ko rin naman siya. “Inay Berna, ano ang gusto niyong gawin ko? Pumayag sa kanya na magpakasal pagkatapos ng limang taon? Hindi ko nga alam kung may nararamdaman ba siya para sa akin. At isa pa, ayokong matali sa relasyon na hindi ako masaya. Kaya tama lang yung naisip kong pag-ipunan at pagtrabahuhan ang pambayad sa kanya. Nang sa ganun hindi ko na siya kailangan na sundin.” Katwiran ko. Sinabi ko kasi sa kanya ang plano kong bayaran ang fifty million na utang ni papa. Nang sa ganun wala na siyang dahilan para alipinin ak