CASSANDRA Nakakapanibago na wala ngayon si Tyron dito. Mas marami kasi kaming time na magkwentuhan lalo na kapag tapos na kami sa gawaing bahay. Sabi sa akin ni Manang Cora hindi ko na daw kailangan na tumulong at paghandaan ko na lamang daw ang pagsisimula ko ulit na pumasok. Kaya yung mga simple lang at kaya ko naman gawin na lamang ang ginagawa ko. Kagaya nang paglilinis ng kuwarto ni Tyron at pati na rin sa kanyang opisina. “Cass! Kanina pa tumatawag si Sir Tyron.” bungad ni Rena sa akin pagpasok niya sa kuwarto ko. Kakatapos ko lang maligo at matutulog na sana ako. “Sabihin mo sa phone ko na tumawag.” Wika ko sa kanya. Kinausap niya ito sa phone niya at nagpaalam na rin siya. Kinuha ko naman ang phone ko at sinagot ang tawag niya habang tinutuyo ko ang aking buhok. “Why don’t yo