CASSANDRA Kasalukuyan akong nagdidilig ng halaman nang maramdaman kong may nakasunod sa bawat galaw ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala namang nakatingin sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay mukha ni Tyron ang nakita ko. Nakatingin siya sa akin habang humihigop ng kape. “G-goodmorning.” Bati ko sa kanya. “Goodmorning.” Sagot niya. Akala ko dededmahin lang niya ako. Ngumiti ako sa kanya at ibinalik ang attensyon sa pagdidilig ng halaman. Nang mapatingin ulit ako sa taas ay wala na siya doon. Napunta ang attensyon ko sa kotse na kakapasok lang sa malaking gate. At nanlaki ang mata ko nang makita ko si Yaya Berna na kakababa lang bitbit ang bagahe niya. “Yaya Berna!” Sa sobrang saya ko ay naitapon ko ang hose na hawak ko at nagtatakbo ako na parang bata upang salubu