CASSANDRA
Gumalaw ang panga niyang mariing tumingin sa akin. Binalot ng kaba ang buong katawan ko sa kaya niyang gawin.
“Do it again, and I will f**k you hard hangang sa hindi ka na makalakad.” Banta niya na ikinanginig ng katawan ko. Kita ko sa mga mata niya ang galit. Natakot ako para sa aking sarili. Wala akong nagawa nang ibalik niya ako sa mansion. Pagkababa niya ay hinarap niya ang mga guwardiya na kanina ay humahabol sa akin.
“Kapag nakatakas siya ulit kayo ang malilintikan sa akin na-intidihan niyo ba?!” Singhal niya sa mga ito. Pagkatapos ay pinagbuksan na niya ako ng pinto.
Nagbagsakan ang aking luha nang bigla niya akong hilahin. Halos kaladkarin na niya ako papasok sa loob ng bahay mansion.
“Sir—nasasaktan ako—" Marahas ang naging paglingon niya at matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin.
“Gumawa ka pa ng ingay, may paglalagyan ka sa akin.” Igting ang pangang banta niya. Namalayan ko na lamang na paakyat na kami ng kuwarto niya at lalo akong natatakot para sa aking sarili. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at mabilis niya akong hinagis sa loob.
“Simula ngayon dito ka na matutulog! Sa ayaw at gusto mo!” Singhal niya at pabagsak na sinara ang pinto.
“Ba-kit mo ba ‘to ginagawa?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking panga.
“Hindi mo ba alam na pag-aari kita? Simula nang itapak mo ang paa mo sa pamamahay ko ay sa akin na nakasalalay ang buhay mo. Kahit ano pang gawin ko sa’yo. Whether you like it or not—my house is my rule!” Giit niya. Marahas niyang binitawan ang baba ko. Pagkatapos ay naghubad na siya sa harapan ko.
“Kapag sinubukan mong tumakas. I swear, hindi kita patutulugin hangang umaga. Believe me...i can do that to you.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Pumasok siya sa banyo at narinig ko na lamang ang paglagaslas ng tubig. Hinubad ko ang suot kong sapatos at inilabas ko ang damit kong pantulog.
Mabilis akong nagbihis at nahiga ako sa sofa. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Ayoko siyang tignan at makita. Kahit gustuhin ko man umalis natatakot akong totohanin niya ang sinabi niya kanina.
Narinig ko ang pagbukas ng banyo. Hindi ako kumikilos sa kinahihigaan ko. Pinakikiramdaman ko lamang siya. Wala naman akong naramdaman na kahit ano. Bumigat ang talukap ng mata ko at nakatulog na rin ako.
Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong maliwanag na at mataas na ang araw. Wala na si Sir Tayron sa kama niya. Mabilis akong bumaba sa hagdan upang bumalik sa aking kuwarto. Nagpalit ako ng uniporme dahil baka mapagalitan ako ni Manang Cora.
Paglabas ko ay nasalubong ko pa si Rena. “Sis, dapat hindi ka na lang tumakas kagabi. Ginalit mo tuloy si Sir Tyron, at dumami pa tuloy ang mga matang nakatingin sa bahay.” Wika niya sa akin at ini-nguso ang mga lalaking tanaw ko sa salamin mula sa labas. Dahil lang sa pagtakas ko, kinailangan niyang gawin yun? Pero bakit?
“Mabuti na lamang at umalis si sir, makakahinga tayo ng maluwag maghapon. Haist, pero alam mo ba?” Mahinang sambit niya sabay lapit sa tenga ko.
“Narinig ko siya kanina sabi niya kay Manang huwag ka daw muna gisingin bago siya umalis.” Bulong niya sa akin. Sabay ngiti. Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit niya ito ginagawa. Bakit iba ang pagtrato niya sa akin kumpara sa mga kasambahay niya.
“Anong ginagawa niyo diyan dalawa? Kumain na tayo para ma-umpisahan na ang maraming trabaho.”
Mabilis kaming naghiwalay ni Rena at nagmadaling nagpunta sa kusina. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami sandali tapos nag-umpisa na kaming maglinis.
Marami ding itinuro sa akin si Manang Cora, nag-plantsa ako ng mga damit ni Sir Tyron at inayos ko ito sa cabinet. Nilinisan kong maige ang loob ng kuwarto niya at siniguradong wala kahit kaunting alikabok.
Paalis na sana ako nang bumukas ang pintuan ng kuwarto.
“Palitan mo ng tubig ang pool maliligo ako.” Mataray na utos niya sa akin. Akala mo kung sinong bruha kung makapag-utos. Hindi pa sila kasal ni Sir Tyron pero akala mo talaga nagmamay-ari din siya ng mansion.
“Hey! Bakit nakatunganga ka pa diyan? Did you hear me?” Ulit pa niya. Inilapag niya ang bag niya sa table at naka-crossed arms pa na tumingin sa akin.
“Yes, Ma’am.” Tipid na sagot ko sabay talikod sa kanya at lumabas na rin ako ng kuwarto. Sa pagkaka-alam ko hindi ko naman trabaho ang magpalit ng tubig sa pool pero pakiramdam ko pinag-iinitan talaga ako ng Pamela na ito!
Lumabas ako ng garden at sinunod ko naman ang utos niya. Nagpatulong ako kay Manang Cora. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
“Mabuti pa ipaghanda mo na lamang ng drinks at meryenda si Ma’am Pamela. Ako na ang bahala dito, tulungan mo si Rena sa kitchen.” Utos niya sa akin. Tumango naman ako at sinunod siya. Pagkapasok ko sa likuran na pinto ay nasalubong ko pa si Ma’am Pamela. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ng mata niya. Nakasuot siya ng two-piece bikini. Litaw na litaw ang ganda ng kurba ng katawan niya. At ang makinis niyang balat. Napapailing na lamang na nagpunta ako sa kusina.
“Andito na naman ang bruha. Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako.” Reklamo niya sa akin habang nag-aayos ng meryenda sa mesa. May sandwich, fresh cut na prutas, at fresh juice ang inilagay niya sa malaking tray.
“Ihatid mo ito sa labas. Baka tarayan ka na naman ng bruhang yun kaya bumalik ka agad dito okay?” bilin niya sa akin kaagad naman akong tumalima.
Pagkarating ko sa pool area ay naabutan ko siyang nakahiga sa sun lounge chair sa tabi ng pool. Nagbibilad sa araw at naka-shade pa. Kaagad kong ipinatong sa table ang pagkain niya at akmang aalis na sana ako pero tinawag niya ako. Binaba niya ang shade niya at derechong tumingin sa akin.
“Kung kailangan mo ng trabaho, sa akin ka na lang magtrabaho. Kailangan ko ng personal alalay. Ako na ang bahala kay Tyron.” Wika niya sa akin. Gusto kong makatakas dito pero ayoko naman mapunta sa babaeng ito. Sigurado akong mamaltratuhin niya lang ako lalo kapag sa kanya ako nagtrabaho. Baka hindi lang sampal ang aabutin ko.
“Ayaw mo?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Tumayo siya at pinanliitan niya ako ng mga mata niya. Hinawakan niya ang braso ko at napangiwi ako nang dumiin ang mahaba niyang kuko.
“Kung may plano kang akitin ang boyfriend ko huwag mo nang ituloy. Binabalaan kita. Hindi ako mabait sa mga katulad mo.” Banta niya sa akin. Sinalubong ko ang galit niyang mga mata.
“Bitawan niyo ako.” Paki-usap ko sa kanya. Pero lalo lang niyang idiniin ang kuko niya sa braso ko.
“Bitawan mo ako!” Singhal ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko siya papatulan. Nagpipigil lang ako pero hindi ko na kaya ang lahat ng ginagawa niya sa akin.
“Malandi ka!” Gigil na singhal niya sa akin.
“Hindi ko nilalandi si Sir Tyron, nandito ako para magbayad ng utang ng ama ko. Tahimik na sana ang magiging buhay ko sa Mindoro kung hindi niya ako pina-kidnap at dinala dito! Kaya kung galit kayo huwag sa akin!”
Hinila ko ang braso ko at naramdaman ko ang kuko niyang gumasgas sa balat ko. Akala ko ay titigil na siya ngunit Gigil na hinila niya ang buhok ko.
“Tama na! Bitawan mo ako!”
Sinampal niya ako ng kaliwa’t-kanan. Pilit ko siyang itinutulak ngunit ramdam ko na ang paghapdi ng anit ko sa gigil niyang paghila ng buhok.
“Malandi ka kaya bagay sayo to!”
Malakas niya akong tinulak sa semento, mas matangkad at mas malaman siya sa akin. At isa pa iniiwasan ko din siyang gantihan dahil paniguradong magagalit si Sir Tyron sa akin. Dahil sa lakas ng pagtulak niya nauntog ang noo ko sa may kanto ng semento. Nahihilong napahawak ako sa noo ko at naramdaman ko ding may tumulo. Pagsalat ko at kulay pulang dugo ang nakita ko sa kamay ko.
“Ano?! Kulang pa yan sayo ambisyosa ka!”
Hinila niya ang uniporme ko at kinalakad niya ako sa gilid ng pool.
“T-tama na…” Ngunit imbis na awa ay nakangisi lang niya akong tinignan hangang sa tuluyan niya akong binitawan at itinulak sa pool.
Lumubog ako sa ilalim at nakainom ng tubig. Hindi ako marunong lumangoy kaya nag-panic ako. Sinubukan kong umangat pero hindi ko kaya dahil sa hilo na nararamdaman ko. Hangang sa napagod na akong labanan ang tubig.
Ano pang silbi ng buhay ko kung mabubuhay lang din naman ako na sinasaktan ng ibang tao?
Ano pang silbi ng buhay ko kung pagmamay-ari lang din ako ng ibang tao?
Hindi ko na matutupad ang pangarap kong sumakay sa barko at malayang maglayag.
Hindi ko na matutuloy ang pangako ko kay papa na kakayanin ko ang lahat…
Dahil ngayon pa lamang ay gusto ko nang sumuko.
Pa…magkikita na tayong muli…
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpadala ng tuluyan sa kung ano ang plano sa akin ng diyos.
Kunin mo na ako please?
Nawalan ako ng malay at nang magising ako ay nag-aalalang mukha ni Sir Tyron ang bumungad sa akin. Inilabas ko ang tubig na nainom ko at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Basang-basa din ang damit na suot niya.
“Thank god you’re alive.” Mahinang sambit niya. Nang humiwalay siya sa akin ay tinignan niya ang noo ko. Nakita ko ang pagalaw ng kanyang panga at marahas siyang lumingon.
“Get out of my house now, habang may natitira pa akong awa sa’yo.” Narinig kong sambit niya, Lumapit sa akin si Rena at nilagyan niya ako ng tuwalya ibinalot niya ito sa aking katawan.
“What? Ako? Paalisin mo? Hindi ko kasalanan nahulog siya sa pool bakit ako sinisisi mo?!” Singhal ni Pamela sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko at tumayo siya upang harapin si Pamela.
“Nahulog? Nakita ko ang ginawa mo! Akala mo hindi ko alam ang lahat ng galaw sa tahanan ko?!” Galit na sigaw niya dito.
“Eh ano naman kung sinaktan ko siya? Dapat lang yun sa kanya dahil nilalandi ka niya! Ayaw niyang sumama sa akin dahil mas gusto niyang akitin ka!” Nangingilid ang luhang sagot niya.
Marahas niyang hinaklit ang braso nito. “Nakalimutan mo na ba? You’re just my bedwarmer. Wala tayong relasyon kaya bago pa magdilim ang paningin ko umalis ka na sa pamamahay ko.” banta nito sa kanya na ikina-awang ng labi ni Pamela.
Lumapit siya sa akin at inalalayan niya akong tumayo.
“Let’s go.” Wika niya. Inikot niya ang kanyang braso sa aking beywang at hinawakan pa ang aking kamay.
“Tyron! Ipagpapalit mo ako sa muchacha na yan?! How dare you?!” Pahabol na sigaw ni Pamela.
Sinalubong kami ni Manang Cora.
“Ayoko nang makita ang babaeng yan. Paalisin niyo siya ngayon din.” Utos ni Sir Tyron sa kaniya.
Narinig pa namin ang pagwawala ni Pamela nang pumasok kami sa loob ng bahay. Inalalayan niya ako sa maid’s quarter. At pinagbuksan naman niya ako ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit niya ako niligtas at kung bakit niya ito ginagawa. Ayoko din magtanong kung bakit.
Pagpasok namin sa loob ay inupo niya ako sa upuan.
“Maligo ka at magpalit ng damit. Okay ka na ba? Dadalhin kita sa hospital kung may nararamdaman—”
“Okay na po ako, maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin.” Putol ko sa sasabihin niya. Napabuntong hininga siya at tumayo sa harapan ko.
“I’ll be back, gagamutin natin noo mo.”
Tatangi pa sana ako pero tinalikuran na niya ako at lumabas na siya ng kuwarto ko.