CASSANDRA
Nang matapos akong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit. Pagkalabas ko ng banyo ay nakaupo na siya sa kama ko. Nasa tabi niya ang isang puting box.
“Come here.” tawag niya sa akin. Nakayuko akong lumapit sa kanya. Tumayo siya at nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat para i-upo.
“Sir ako na— kaya ko naman.” na-iilang na pigil ko sa kanya. Pero hindi man lang niya ako pinakingan at naghila pa siya ng upuan sa harapan ko. Hinawi niya ang buhok ko at tinignan ang sugat ko sa noo. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanyang mukha. Lalo na sa kanyang labi na sobrang lapit lang sa akin.
Binuksan niya ang box at kumuha siya ng cotton balls. Nilagyan niya ito ng betadine at dahang-dahan na dinampi sa sugat ko.
“Kung hindi ako dumating baka nalunod ka na. At kung nangyari yun baka kung anong nagawa ko kay Pamela. Kaya sa susunod. Kapag may nanakit sayo. Lumaban ka.” Wika niya sa akin. Lalo akong napatingin sa kanyang mukha nang marinig ko yun mula sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa akin at nagtama ang mga mata naming dalawa.
“Huwag mong bigyan ng malisya itong ginagawa ko. Concern lang ako sayo.” Paliwanag pa niya.
“Bakit? Bakit mo ito ginagawa Sir Tyron?”
Kumuha siya ng malaking bandage at nilagyan ang noo ko.
“Hindi mo na kailangan malaman ang dahilan. Gawin mo na lang ang sinasabi ko. Walang ibang may Karapatan sayo kundi ako. Kaya ako lang ang dapat mong susundin.” Seryosong sagot niya sa akin. Nang matapos na siya ay kaagad na rin siyang umalis. Naiwan ako sa kuwarto na naguguluhan sa ipinapakita niya sa akin. Nang medyo okay na ako ay lumabas na ulit ako sa kuwarto ko. Naabutan kong nagba-baked si Manang Cora ng cake para daw sa meryenda. Mahilig daw kasi si Sir Tyron sa matamis. Nang matapos siya at inabutan niya ako ng dalawang hiwa at dalawang tasa ng kape.
“Dalhin mo ito kay Sir Tyron.” Utos niya sa akin. Hindi naman ako nagreklamo at kaagad kong tinangap ang tray. Pagdating ko sa kuwarto niya at naabutan ko siyang nagtitipa sa laptop niya.
Nagtataka ako dahil dalawa ang pinadala niya samantalang walang ibang tao dito kundi siya lang.
Inilapag ko ang tasa ng kape sa ibabaw ng kanyang mesa at pati na rin ang dalawang platito ng cake.
“Sit down.”
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong ibang nakita.
“You, sit down.”
“A-ako?” tinuro ko ang aking sarili. At napabuntong hininga pa siya kaya kaagad akong umupo sa harapan niya. Inabot niya sa akin ang isang tasa ng kape at isang platito ng cake.
“Bakit umuwi ka ng Mindoro? Anong plano mo?” usisa niya. Bakit gusto niya ding malaman ang bagay na yun? Akala ko ba nandito ako para magbayad ng utang sa kanya?
“Answer me.” seryosong sabi pa niya.
“Plano ko sanang doon muna ako kina Yaya Berna. Ulila na akong lubos at wala na akong pamilya. Ayaw niyang mamuhay ako ng mag-isa sa Maynila. Kaya isinama niya ako. Gusto kong makatapos ng pag-aaral dahil pinangako ko yun kay Papa.” Kwento ko sa kanya.
“You want to finish your course? After that ano ang plano mo?” muling tanong niya sa akin.
“Ha? Ah, gusto kong sumakay sa barko. Pangarap ko din kasing maging crew sa isang sikat na cruise ship.” Dagdag ko pa. Napayuko ako nang titigan niya ako.
“Eat, para sa’yo yan.”
Napatingin ako sa cake at mukhang masarap nga ito. Kaya lang parang nakakailang naman kung kakain ako sa harapan niya.
“Sir—”
“Just eat, Cassandra.”
Wala na akong choice kundi damputin ang tinidor at kainin ang chocolate cake sa harapan ko.
“Is it good?”
Tumango ako sa kanya.
“Sa tingin ko mamahaling chocolate ang ginamit ni Manang Cora. Ngayon ko lang kasi nalasahan yung ganito kasarap na chocolate.”
Tumayo siya at dinampot ang isang paper bag. Inabot niya ito sa akin.
“Tama ka, it’s from Delafee Switzerland. One of the most expensive chocolates in the world. Open it.”
Kinuha ko ang box na nakalagay sa loob ng paper bag. Isang square ito ng puro bilog at kulay gold.
“It was wrapped in edible gold. One bite of that chocolate cost four hundred ninety US dollars.” Wika niya na ikinagulat ko. Mahilig din ako sa chocolate pero hindi kasing mahal nito!
“Ah, ganun ba?”
Binalik ko sa paper bag ang box ng chocolate at ibinalik ko sa kanya.
“No, it's for you.”
Awang ang labi ko nang sabihin niya yun. Akala ko ipapakita lang niya sa akin pero ibibigay pala niya yun. Paano ko naman kakainin ang ganun kamahal na chocolate? Kung nasasanla pa yun baka sakaling tangapin ko.
“Sir—”
“Gusto mo pa bang mag-aral?” putol niya sa sasabihin ko.
“Opo.”
Inabot niya sa akin ang isang phone.
“Call your Yaya Berna. Tell her na mag-impake na siya ipapasundo ko siya sa mga tauhan ko. Papayag akong mag-aral ka ulit. Papayag din akong sumakay ka ng barko para matupad mo ang pangarap mo. Pero may isa akong kundisyon…”
Kinakabahan akong nakatingin sa kanya. Yung tatlo kong narinig ay pumabor sa akin. Namimiss ko na si Yaya Berna at sabi niya pag-aaralin niya ako para makapagtrabaho ako sa barko. Siguro narealize na niyang hindi ko mababayaran ang utang ko kapag gagawin niya lang akong alipin kaya naisip niyang mas makakabayad ako kapag nagtrabaho ako sa barko.
“Anong kundisyon po?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“Bibigyan kita ng limang taon para tuparin mo ang lahat ng hangad mo sa buhay na gusto mong makuha. Ngunit hindi ka aalis sa poder ko at gagawin mo ang lahat ng gusto ko.” Seryosong sabi niya sa akin. Tumayo siya sa upuan niya at lumapit siya sa akin. Hinila niya ako patayo sa upuan at napa-atras ako nang lumapit niya sa akin. Napasandal ako sa malamig na salamin ng banyo.
“S-sir—”
Napapikit ako nang dampian niya ng daliri ang labi ko. Akala ko sasaktan niya ako ngunit pinahid pala niya ang natirang icing sa labi ko at dinilaan niya ito.
“Pag-isipan mo Cassandra.” Dagdag pa niya sabay kagat sa kanyang labi.
“P-pagkatapos ng limang taon? Papalayain mo na ba ako?”
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya umiwas ako.
“Pagkatapos mong matupad ang pangarap mo. You will marry me.” Bulong niya sa tenga ko na ikinataas ng aking balahibo.
“M-marry you? B-bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Napalunok ako nang muli niya akong tinitigan sa mata. Parang gusto niya akong akitin at halikan.
“Dahil yun ang gusto ko.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya sa harapan ko at bumalik sa kanyang upuan.
“Maari ka nang lumabas, kapag nagdesisyon ka na tawagan mo yung yaya mo sa phone na yan at ipapasundo ko siya kaagad. Dalhin mo ang chocolate na bigay ko. Huwag kang mag-alala dahil lahat kayo meron yan.”