CASSANDRA
“M-maayos po ang pakiramdam ko.” Magalang na sagot ko sabay yuko dahil hindi ko matagalan ang paninitig niya sa akin.
“Kung ganun, pumunta ka sa kusina at tulungan mo si Manang Cora.” Malamig na sagot niya sa akin bago niya ako talikuran. Hindi ko alam kung nasaan ang kusina mabuti na lamang at nakita ko si Rena. Kinawayan pa niya ako kaya lumapit ako sa kanya.
“Ano kaba? Diba sabi ni Sir magpahinga ka daw muna?” litanya niya nang makalapit ako.
“Kaya ko naman.” pagmamatigas ko. Walang siyang nagawa kundi ang isama ako sa kusina. Naabutan namin ang matandang babae na inaayos ang mga nakalagay sa tray.
“Dalhin niyo na ito sa kuwarto ni Sir Tyron.” Utos niya sa amin. Kaagad naman na dinampot ni Rena ang isang tray at inabot sa akin. Kinuha naman niya ang isa pa at pinasunod niya ako sa kanya.
“Puwede ko bang malaman kung bakit sa kuwarto tayo nagdadala ng pagkain?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa paglakad at nilingon ako.
“Hindi kumakain si Sir Tyron sa dining table. Mas gusto niya sa kuwarto. At isa pa may kasama siya kaya huwag mo na lamang itanong dahil marami ka pang malalaman sa paninilbihan mo dito.” nakangiting sabi niya sa akin
Tumapat siya sa isang malaking pinto at kinatok muna bago pihitin ang seradura nito. Pagbukas niya ng pinto ay nilingon niya ako at senenyasan na pumasok.
Napakalawak ng kuwarto ang bumungad sa akin. May malaking kama din ito at nakita ko agad si Sir Tyron. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit.
“Ang bango niyan babe ah.”
Nalipat ang tingin ko sa babaeng kakalabas lang sa isa pang pinto na sa tingin ko ay banyo. Para siyang artista at modelo sa ganda at kinis. Lumapit siya sa mesa at binuksan ang takip ng dala ni Rena.
“Alam mo talaga ang favorite ko kaya ito ang ipinaluto mo ano?” Humawak siya sa braso ni Sir. Tyron at nag-iwas ako ng tingin nang halikan niya ito sa labi. Pagkatapos ay naupo na siya sa upuan. Bukod sa kama may set din siya ng glass table at two chair dito sa loob. Overlooking ang ganda ng labas ng veranda kaya siguro dito niya gustong kumain dahil maganda ang tanawin.
Pagkatapos maglagay ni Rena ng pagkain sa mesa ay dala ko naman ang ipinatong ko. Isa-isa kong ipinatong ito sa mesa. Ngunit hindi ko akalain na mainit na sabaw pala yung isang nakalagay sa sulyaw. Nabitawan ko ito at natabig ko ang tubig sa baso na malapit sa kanya.
“Oh my gosh! You’re such an idiot!” Inis na singhal niya sa akin. Tumayo siya at pinagpag ang tubig na nasa damit niyang nabasa na. Sobrang hapdi ng kamay ko dahil sa pagkapaso ngunit mas inalala ko siya.
“S-sorry po!”
Kinuha ko ang table napkin at ipinunas sa hita niya ngunit tinulak niya ako. Napasandal ako kay Rena.
“Tatanga-tanga ka kasi!”
Nagulat ako nang sampalin niya ako ng malakas sa pisngi napaling pa ang mukha ko at para akong nabingi sa malakas na sampal niya.
Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Dahil hindi ko matangap na dahil lang sa tubig na aksidente kong natapon ay pagbubuhatan niya ako ng kamay. Napa-hawak ako sa masakit na pisngi.
“You’re glaring at me?! How dare you!”
Akmang sasampalin niya akong muli ngunit may kamay na pumigil sa kanyang braso.
“Tama na yan, pagpasensyahan mo na siya. Bago lang kasi.” wika ni Sir Tyron. Nagtama ang mata naming dalawa.
“Mag-sorry ka.” utos niya na ikina-awang ng aking labi. Nag-sorry na ako kanina ngunit sinampal niya pa din ako. Ganito ba talaga kapag katulong ka? Kailangan tangapin na lang ang lahat ng pang-aapi?
“Cass, mag-sorry ka na…” narinig kong bulong ni Rena sa likuran ko. Iniyuko ko ang aking ulo sa harapan niya.
“S-sor-ry po…hindi na mauulit.” Nakakuyom ang kamay na sabi ko. Mabigat sa loob ko ang ginawa ko lalo na alam kong ginagawa nila ito para tapakan ang aking pagkatao. Pero wala akong magagawa dahil kailangan kong pagbayaran ang utang ng aking ama.
“Tsk! Stupid maid!” naiiling na sabi niya sabay upo ulit.
Si Rena ang naglinis ng iba pang kalat at inilagay ko na ang iba pa pagkatapos ay lumabas na kami. Mahigpit ang kapit ko sa tray na hawak ko at pinipigilan ko ang aking luha.
Nilingon niya ako nang maisara ko ang pinto. “Okay ka lang? Dumudugo ang labi mo. Bruha talaga yang Pamela na yan!” mahinang bulong niya sa akin pero ramdam ko din ang gigil niya dahil sa nangyari. Pinahid ko ang gilid ng aking labi.
“Okay lang ako.” nakangiting sabi ko sa kanya. Pero sa loob-loob ko wala pa ito sa kalingkingan ng nararamdaman kong sakit at galit. Bumalik kami sa baba at naglinis kami ng kitchen. Inaalalayan ako ni Rena sa mga dapat kong gawin. Mga ilang minute din akong naglinis mag-isa dahil binalikan niya ang mga pinagkainan nila.
“Cassandra, hinahanap ka ni Sir Tyron, ikaw daw ang magpalit ng comforter ng kama niya.” imporma sa akin ni Rena. Kakatapos ko lang maglinis at pagod na rin ako dahil bahagya lamang bumuti ang lagay ko.
“Sige.” tipid na sagot ko. Pinunasan ko ang basa kong kamay at lumabas na ako ng kusina. Nasalubong ko si Manang Cora. Inabot niya sa akin ang makapal na sapin ng kama, punda at kumot. Tinangap ko naman ito.
“Nabalitaan ko ang nangyari kanina. Sa susunod, mag-ingat ka na. Hanga’t maari iwasan mo ang magkamali kasi alam mo na ang mangyayari sayo. Naunawaan mo ba?”
Kagat labi akong tumango sa kanya. Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan. Suminghap pa ako upang mag-ipon ng hangin sa dibdib bago ko pihitin ang seradura ng pinto.
Pagbukas ko ay nakita ko agad si Sir. Tyron. Nakaupo siya sa sofa at nagtitipa ng laptop niya. Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko na nakita ang babaeng sumampal sa akin. Nag-angat siya ng tingin sa akin at bumaba ang kanyang mata sa mga dala ko. Pagkatapos ay binalik niya ang attensyon sa pagtitipa ng laptop niya.
Umikot ako sa kabila at inabot ko ang limang unan upang palitan ng punda. Nararamdaman kong sinusulyapan niya ako. Kaya medyo naiilang ako sa ginagawa ko.
Hinila ko ang kumot at pati na rin ang comforter at ipinatong ko sa ibabaw ng cabinet. Medyo mabigat pero kaya ko naman. Iniiwasan ko lang sumayad sa sahig dahil mahirap na. Baka mapagalitan na naman niya ako kapag nagkamali ako.
Nang mabalutan ko na ang kama niya ay inayos ko naman ang ito. Mabuti na lamang talaga at HRM ang naging course ko. Kahit paano may alam ako sa kung paano ko aayusin ang mga ito.
“Pagkatapos mo diyan yung sahig naman ang linisin mo.” Narinig kong utos niya sa akin. Sumagot ako nang hindi ko siya tinitignan pagkatapos ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko hangang matapos ako. Kinuha ko ang vacuum at nag-mop na rin ako.
“Marunong ka bang magmasahe?” tanong niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
“H-hindi—”
“I don’t care, pagkatapos mo diyan masahihin mo ako.”
Napasinghap ako at napabuntong hininga. Sa sobrang yaman niya hindi man lang siya makapunta sa spa para magpa-masahe?
“Si Manang Cora po baka maru—”
Nagulat ako nang pabagsak niyang sinara ang laptop.
“Hindi mo ba ako narinig? Ikaw ang gusto ko.” Salubong ang kilay na sabi niya sa akin.
“Okay po.” Tugon ko.
Pagkatapos kong naglinis nang sahig ay binuksan niya ang humidifier. Inilatag niya ang oil na nakalagay sa basket. Bago siya naghubad ng bath robe at dumapa sa kama na boxer short lang ang suot.
Napalunok ako nang makita ang kanyang well-toned body. Ang malapad niyang balikat at ang mga muscles niya sa tiyan. At ang umbok ng ibaba niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa sitwasyon ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang katawan ng lalaki.
“Simulan mo na.” utos niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. Pero nilagyan ko lang oil ang kamay ko. Nang ilalapat ko na ito ay natigilan ako.
Kasama ba talaga ito sa trabaho ko? Bakit parang pakiramdam ko mali na ito?
“Hey—”
Nagulat ako nang lingunin niya ako.
“Sorry, hindi ko kasi alam kung paano.” Pagdadahilan ko sa kanya. Tumihaya siya at nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko. Nasubsob ako sa dibdib niya. Hinapit niya pa ang beywang ko kaya lalong nagdikit ang katawan naming dalawa. Nag-angat ako ng mukha at nagkatitigan kaming dalawa.
“Kung hindi ka marunong magmasahe. Maybe you can give an extra service.”
Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa labi. Hindi lang basta halik dahil ipinasok pa niya ang dila sa loob ng bibig ko. Kumawala ako at sinubukan kong bumangon ngunit walang-wala ang lakas ko dahil sa mahigpit niyang hawak sa akin. Pinagpalit niya ang puwesto naming dalawa at nasa ilalim na niya ako. Nagpumiglas ako ngunit ayaw niyang tumigil.
Pilit kong itinitikom ang bibig ko ngunit kinagat niya ang labi ko. Hangang sa naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa pagitan ng aking hita.
“Sir!” Umiiyak na pigil ko sa kanya nang mabilis niyang nahila ang suot kong underwear. Hindi siya nagpatinag at nagpatuloy siya sa karahasan na ginawa niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol dahil sa awa ko sa aking sarili. Kahit gusto ko siyang itulak hindi ko magawa. Hangang sa tuluyan na akong nanghina at hindi na rin ako lumaban pa ngunit patuloy ang pagdaloy ng aking luha.
Bigla na lamang siyang tumigil sa paghalik sa aking leeg. Pinagmasdan niya ang aking mukha at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
“Get out.” Sambit niya. Umalis siya sa ibabaw ko at nagmadali akong bumangon sa kama. Walang pagdadalawang isip na akong tumakbo sa labas ng pinto.
“Oh—anong nangya—Cass!”
Hindi ko na inintay ang sasabihin ni Rena nagmadali na akong bumaba ng hagdan yakap ang aking sarili at ang nagulo kong uniporme. Dumerecho ako sa aking kuwarto at doon ko ibinuhos ang nararamdaman ko.
Ilang minuto din ang lumipas nang mahimasmasan ako. Naligo ako at nagpalit ng bagong uniporme. Mabuti na lamang at hindi niya itinuloy ang balak niya. Dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad!
Kailangan kong makatakas sa bahay na ito! Bago pa niya ako muling pagtangkaan. Dahil baka sa susunod at hindi na niya pigilan ang kanyang sarili. At sisiguraduhin ko sa kanya na kapag nakatakas na ako hindi na niya ako makikita pang muli.
Natulog ako ng maaga at hindi na ako muling lumabas pa. Hinatiran ako ng pagkain kanina ni Manang Cora at sabi niya sa akin bukas na lamang daw ako magtrabaho. Nang magising ako ay ala-una na ng madaling araw.
Nagsuot ako ng sapatos at magaan na bag lang ang dinala ko sa pagtakas. Kailangan ko lang mabuksan ang malaking gate sa labas. Habang natutulog ang dalawang guwardiya.
Nang makalabas na ako sa kuwarto ay madilim na paligid ang bumungad sa akin. Ngunit aninag ko na naman sa salamin na bintana dahil sa liwanag ng buwan.
Umikot ako sa likod bahay at dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Pigil ang aking paghinga dahil baka may makakita pa sa akin.
Hindi ko na sinara ang pinto at nagmadali na akong tumakbo sa dilim. Dumikit ako sa mga matataas na halaman upang hindi ako mahagip ng CCTV sa paligid.
Habang papalapit ako sa malaking gate ay parang may naghahabulan na daga sa dibdib ko.
Ngunit nang mapansin kong natutulog ang mga bantay sa loob ay dahan-dahan akong humakbang papunta sa lock nito. Sana lamang ay hindi sila magising dahil kapag nagkataon paniguragong magagalit sa akin si Tyron!
Dahan-dahan kong tinangal ang lock ng gate hangang sa tuluyan ko itong mabuksan. Mabilis akong lumabas at nagmamadali akong tumakbo. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagawa kong makatakas!
Madilim din sa labas pero natatanaw ko ang highway kaya kapag nakarating ako doon hihingi ako ng tulong para makalayo dito.
“Hoy!”
Napalingon ako nang marinig ko ang malakas na boses. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang dalawang guwardiya na hinahabol ako. Lalo kong binilisan ang pagtakbo. Hindi ako puwedeng mahuli. Sa takot ko ay may nakita akong paparating na kotse. Hinarang ko ito kahit hindi ako sigurado kong matutulungan niya ba ako.
“Tulong! Tulong!” Umiiyak na paki-usap ko nang tumigil ang kotse. Kinatok ko ang bintana.
“Please tulungan mo ako!” Hinihingal at nagmamadaling sabi ko sabay katok sa bintana niya. Narinig ko ang pagbukas ng lock ng pinto at mabilis ko itong binuksan. Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse. At mabilis ko din itong sinara!
“Maraming sala—”
“Sa tingin mo ba kaya mo akong takasan?” nakangising sabi niya sa akin. Para akong binusan ng malamig na tubig na at halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.