CASSANDRA “Cassandra sandali!” tawag niya sa akin pagkalabas ko ng canteen napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa aking pulsuhan. “Sorry.” Mabilis niyang binitawan ang kamay ko. Hinarap ko siya. “Bakit? May kailangan ka pa ba?” seryosong tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “Sorry sa nasabi ko kanina. Naging padalos-dalos ako sa mga salitang binitawan ko. Hindi ko alam na kakamatay lang pala ng papa mo, condolence.” “Wala yun, ganun naman talaga ang mga tao. Mabilis silang manghusga without thinking na hindi lang sila dumadanas ng problema.” Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako pabalik sa building. Pero sumabay pa rin siya sa akin. “Hindi ganun yun Cassandra, wala akong intensyon na saktan ka. Naging selfish lang ako kasi inisip ko lang yung sarili ko. Kaya sorr