CASSANDRA Naumid ang dila ko sa naging tanong niya. Hindi ko napansin na may naiwang dugo pala sa mukha ko nang tulungan ko si Felix kanina. Ngayon ay wala na akong lusot sa kanya. “Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?” Salubong ang kilay na ulit niya. “K-kasi ano—” “Kung hindi mo kayang sumagot si Roma ang tatanungin ko.” Kaagad niya akong tinalikuran at lumabas siya pinto. “Tyron sandali!” habol ko sa kanya. Malalaki ang naging hakbang niya pababa ng hagdan. “Where’s Roma? Tawagin niyo siya ngayon din!” sigaw niya. Lalo akong kinabahan sa maaring mangyari. Nagmamadaling lumabas si Rena at pagbalik niya kasama na niya si Kuya Roma. “T-Tyron…ako na ang magpapaliwanag…” pigil ko sa kanya at hinarap ko pa siya. “You can’t answer me dahil nag-iisip ka pa ng isasagot na kasin