CASSANDRA
“Hoy! Ano yang bitbit mo?” usisa ni Rena nang makita ang dala kong paper bag.
“Chocolate.” Wala sa sariling sagot ko sa kanya. Lutang pa kasi ang utak ko sa kung ano ang gagawin ko. Parang kahit hindi ako magdesisyon sa kanya pa rin ang bagsak ko. Namalayan ko na lamang hawak n ani Rena ang paper bag na nasa kamay ko.
“Wow! Mukhang masarap ah?”
Bumalik ako sa realidad nang marinig ko siya.
“Wala ka nito?”
“Ako? At bakit naman niya ako bibigyan? Hindi naman ako ang—”
“Rena.”
Sabay kaming napalingon nang marinig ko ang boses ni Sir Tyron.
“Come here, may ipapagawa ako sa’yo.” Tawag niya dito. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa akin bago niya muling sinara ang pinto.
“Sige, maiwan muna kita. Patikim ako niyan mamaya ha?” Nakangising sabi niya sabay tungo sa kuwarto ni Sir Tyron.
Bumaba na rin ako upang ilagay sa kuwarto itong binigay niya sa akin. Ipinatong ko ang phone sa ibabaw ng table. Nag-iisip pa rin kasi ako kung papayag ako sa kundisyon na binigay niya. Pero what if? Wait lang…kung papayag siya na mag-aral ako at magtrabaho. Makakaipon ako ng pera para mabayaran ang utang ni papa! Nang sa ganun, hindi na niya ako singilin pa! Tama! Ang galing ng naisip ko. Bukod sa trabaho sa barko mag-iisip din ako ng extra income. Sa ganung paraan mabibili ko na ang Kalayaan ko at hindi ko na kailangan pang pakasalan siya!
Napatayo ako at dinampot ang phone upang tawagan si Yaya Berna.
“Jusko! Cassandra!” bulalas niya sa kabilang linya. Nahihimigan ko pa na nakahinga siya ng maluwag nang marinig niya ang boses ko.
“Yaya, maari po ba kayong magtrabaho ulit dito para magkasama na tayong muli? Saka ko na po ipapaliwanag sa inyo. Ipapasundo ko po kayo diyan okay?” Excited na sabi ko sa kanya at natuwa naman ako nang hindi na siya nagtanong pa.
Binalikan ko si Sir Tyron sa kuwarto niya. Wala na din doon si Rena.
“Have you decided already?” seryosong tanong niya sa akin. Inilagay ko ang phone niya sa ibabaw ng table.
“Yes, payag na ako sa kundisyon mo. Basta makatapos ako ng pag-aaral ko at matupad ko ang pangarap ko. Payag na akong magpakasal sayo!” Masayang sabi ko sa kanya. Binaba niya ang reading glass niya at mariin niya akong tinignan na parang binabasa ang isip ko.
“May I know kung bakit ang bilis mo atang nagdesisyon. Kung ganun papayag ka na din na magpakasal sa akin after five years?”
Kaagad akong tumango sa kanya. Kapag nalaman niya ang plano ko paniguradong magagalit siya sa akin. Kaya secret ko lang muna ito dahil hindi ko pa alam kung bakit gusto niya akong pakasalan gayong halata naman sa edad naming dalawa na malayo ang agwat namin sa isa’t-isa. Sa tingin ko nga nasa forty’s na siya eh.
“Gusto ko eh.” Wala sa sariling sagot ko. Kinuha niya ang phone sa ibabaw ng table at inabot sa akin.
“Sayo ang phone na yan. Kakailanganin mo yan kapag nag-aaral ka na. Ipapasundo ko agad ang yaya mo at ako na ang bahala sa papasukan mong university para matapos mo ang course mo.” Pahayag niya. Nginitian ko siya.
“Salamat sir—”
“Tyron, you can call my name. Besides, you’re now engage with me.”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bago pa ako makabalik sa realidad ay nagulat na lamang ako nang kabigin niya ang batok ko at halikan ako sa labi.
Lumabas ako sa kuwarto niyang nakahawak pa rin sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang itulak siya sa ginawa niya kanina. Dahil bago pa ako makapag-react ay binitawan na niya ako at pinalabas ng kanyang kuwarto.
Kinagabihan ay naligo muna ako bago magbihis ng damit pantulog. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay napatingin ako sa chocolate na bigay niya sa akin. Nilapitan ko ito at kinuha sa loob. Kumuha ako ng isang piraso at tinignang maigi yung gintong nakabalot sa chocolate. Para siyang si Sir Tyron. Nababalot ng karangyaan pero hindi mo alam kung tunay ngang masarap kung hindi mo titikman.
“Teka? Ano bang itong iniisip ko?” bulong ko sabay kaltok sa sarili.
Kinagat ko ang chocolate at ninamnam kong maige.
“Hmmm, heaven ang sarap nga!” bulalas ko. Ngunit nang mapunta sa pinto ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita kong nakasilip si Sir Tyron. Nasamid ako sa eksenang nakita niya. Binuksan pa niya lalo ang pinto at lumapit siya sa akin.
“Mas gusto kong kainin mo yan sa harapan ko.” Wika niya sa akin.
“H-Ha? Ti-tinikman ko lang kung lasang gold nga!” Depensa ko sa kanya. Kumuha siya ng isa at kinagat ito sa kalahati. Isinubo naman niya sa akin ang kalahati sa kinagat niya.
“Mas masarap diba?”
Napilitan akong nguyain ang sinubo niyang chocolate.
“Good girl, now let’s go to our room.” Aya niya sa akin.
“Ha? Teka—bakit kailangan kong pumunta sa kuwarto mo? Tapos na ang trabaho ko diba?” reklamo ko sa kanya.
Kung kanina ay hindi ko siya napigilan nang halikan niya ako. Hindi ako papayag na matulog sa tabi niya.
“Remember what I told you earlier? Akin ka na, dahil pumayag kang magpakasal sa akin after five long years.” Seryosong sabi niya sa akin.
“Oo pero hindi ko naman sinabi na puwede na nating gawin yun!”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
“Ang alin?” kunwari’y tanong niya sa akin.
“Yung ano—”
“s*x? Why not? Gagawin din naman natin yun dahil fiancée na kita diba?”
“Fiancée? Hindi mo pa nga ako nagiging girlfriend. Fiancée na agad? Saka hindi ito ang pinag-usapan natin kanina. Akala ko gagawin lang natin yun kapag kasal na tayo!” Litanya ko. Nakalimutan ko na atang siya ang amo ko dahil napagtaasan ko siya ng boses. Pero hindi ko naman sinabing kasama ang katawan ko sa pagpayag sa kundisyon niya.
Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin kaya napa-atras ako sa gilid ng kama. Akala ko lalapitan niya ako ngunit tinalikuran niya ako at lumabas siya ng kuwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag nang gawin niya yun. Pero hindi pa rin ako dapat maging kampante dahil paniguradong mauulit pa ito. Kaya kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi kami mauwi sa iisang kama.
Mabigat pa ang talukap ng mata ko nang magising ako. Ayoko sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at puyat pa ako kagabi sa kakaisip sa mga sinabi niya. Pero kailangan kong magtrabaho.
Naligo ako at nagpalit ng uniform.
“Cassandra, Mabuti naman at maaga kang bumangon. Magpunta ka ngayon sa pool at alisin mo yung mga tuyong dahon.”
Kaagad akong tumalima sa utos ni Manang Cora. Kahit araw-araw kasing pinapalitan ang tubig sa pool ay hindi maiwasan na magkaroon ito ng maraming tuyong dahoon dahil nasisilungan ito ng malaking puno. Pagkalabas ko ay kaagad kong hinanap ang mahabang panungkit na may net. Ngunit nang makalapit na ako sa pool ay hindi ko inasahan na makikita ko si Sir Tyron. Natigilan ako nang makita ko siyang naka-trunks lang. Nagtama ang mata naming dalawa ngunit mabilis niya akong iniwasan ng tingin at napunta ang attensyon niya sa babaeng lumapit sa kanya na kakapirangot lang na bikini ang suot. Lumambitin ito sa kanyang leeg at hinalikan siya nito sa labi. Hindi lang basta halik kundi nagkakainan pa sila ng bibig. Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko parang may kinurot ako ng nail cutter.
Akmang tatalikod na sana ako pero tinawag niya ako kaya nabitin ang akmang pagtalikod ko.
“Yung mga dahon tangalin mo sa pool.” Utos niya. Parang may nakadagan sa binti ko na ayaw kong lumapit pero kailangan kaya napilitan akong gawin yung ini-utos niya sa akin.
Hindi na ako magtataka kung ang bilis lang niya akong alukin ng kasal. Siguro lahat ng babae na ikinakama niya ay pare-pareho ang alok niya tapos kapag pinagsawaan na niya ay aatras siya sa pangako nito.