DAVID- 6 You're mine

1940 Words
Elizabeth "Ayoko!" pagmamatigas ko ng pababain niya ako sa kaniyang kotse. Nasa harapan na kami ngayon ng hospital at nauna na rin siyang lumabas sakin. Nauna siya para alalayan akong lumabas ngunit ayaw ko naman lumabas. "Ayokong gawin ang paternity test. Hindi mo naman anak 'to." napahalukipkip ako sa kaniyang harapan. Napansin kong sinapo niya ang kaniyang noo. Para bang naiinis sa inaasal ko. Sinasadya ko 'to para hindi matuloy ang paternity test. Hindi ko hahayaan na magtagumpay si Tiyang sa masamang balak nito. "Bakit kaya mga bata ngayon ang titigas na ng mga ulo." "Excuse me? Ako ba pinaparinggan mo?" "Is there anyone else here?" "Hindi na ako bata para malaman mo! Marunong na 'ko sa lahat!" Bahagya siyang natawa. "Of course you know. Especially when making a baby, right?" Nagtaasan ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Lasing ako no'n." "Then?" "Then, may nangyari sa 'tin...dahil nga pareho tayong lasing." Bahagya siyang natawa. Hindi ko malaman kung ano ang dahilan ng mga pagtawa niya. "Finally, sinabi mo rin sakin ang totoo. Ako nga ang ama ng batang 'yan. As far as I remember, you're a virgin." Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin sa kaniya na may nangyari sa amin. Nakalimutan ko dahil nadala ako sa mga tanong niya. Nawala ako sa sarili ko. Ngayon, paano na? "I still remember how you screamed that night when I first entered you." dagdag pa na sabi niya na mas lalong nagpalaki sa aking mga mata. Naalala niya ba? Naalala niya ang gabing 'yon. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasigaw kung masakit? "Hindi ko akalaing malakas palang sumigaw at maingay ang bata pagdating sa kama." nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Hindi na ako bata! Kung bata ako? Ano ka naman? Gurang? Matanda? Mahina? Uugod-ugod? O 'di kaya hindi na makatayo. Na over age na." inis na tanong ko sa kaniya. Mukhang napikon ko yata siya dahil sa pangungunot ng noo niya. Sige lang mapikon ka. Tutal, totoo naman mga sinabi ko. "Stop saying that!" tila naiinis na saway niya. "Bakit? Na realtak ba kita? Kung hindi ka ba naman uugod-ugod e 'di sana nakarami ka ng rounds 'di ba?" Hindi ko inaasahang kakabigin niya ang bewang ko kaya napatingala ako at siya naman itong napayuko. Hindi ko akalaing maglalapat ang aming mga labi. Nanlaki ang mga mata ko ng madama ang malambot nitong mga labi at naamoy ko naman ang napakabango niyang hininga. Hindi ko akalaing mapapapikit ako ng wala sa oras. Ang sarap niya palang humalik. Nakakadala at talagang mapapapikit ka sa mga hagod ng kaniyang malambot na labi. Para tuloy akong hinehele dahil nakalimutan ko ang lahat. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman kong unti-unting naghihiwalay ang aming mga labi. He grinned. "Patikim pa lang 'yan." Nabigla na naman ako ng muli niyang kabigin ang bewang ko kaya mas lalong naglapit ang aming mga mukha. Nakatitig siya sa aking mga labi. Ganoon din naman ako. Nakatitig sa mapula at manipis niyang labi na hugis puso. Dinaig pa yata nito ang labi kong walang hugis. Grabe naman ang gurang na 'to. Kaya naman pala ang sarap niyang humalik. Ganito pala kaganda ang labi niya. Nakakaakit halikan ang mga labi niya. Naramdaman kong mas dumiin ang paghapit niya sa bewang ko. Para bang hahalikan na naman niya ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Once I found out that I was really the father of that child. You won't be able to escape from me anymore. You'll be mine, Elizabeth. You're mine, young woman!" Napaawang na lang ang labi ko. ------- "Grrrr! Bakit hindi maalis sa isip ko ang halik na 'yon?" paikit-ikot na ako sa kama ko. Hindi ako makatulog. Grabe yung resulta ng mga halik ng gurang na 'yon. Hindi ako makatulog at hindi rin ako mapakali. Paulit-ulit na nagpa-flash back sa isip ko ang halik niya. Ang hagod ng labi niya. Mababaliw yata ako. "Jusko! Patulugin niyo naman ako!" sigaw ko na lamang habang nakatingala sa kisame. Bwesit na lalaking 'yon! Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon kanina ay nag-presinta na siyang ihatid ako. Hindi niya na pinagpilitan pa ang paternity test. Hindi ko alam kung bakit? Baka naniwala na talaga siyang siya ang ama. Pero ang sabi niya, kapag napatunayan niyang anak niya nga itong pinagbubuntis ko ay wala na raw akong kawala sa kaniya. Asa siya. Hindi niya ako madadala sa karisma niya. Porke't ba pumayag akong mahalikan niya kanina ay magpapadala na lang ako sa kaniya. Hinding-hindi niya mapapatunayang siya ang ama ng batang dinadala ko. Hinding-hindi ako aamin. Huwag na huwag kang aamin, Elizabeth. Ilang beses akong bumangon sa kama at pabalik-balik naman sa banyo. Hindi pa rin ako makatulog. Alas dos na pala ng madaling araw ngayong sinulyapan ko ang orasan. Naalala ko tuloy si Tiyang habang nakaupo sa plastic chair dito sa kusina. Nakatulala habang kaharap ko naman ay ang plastic na table. Mabuti na lang hindi na pumunta pa dito si Tiyang. Akala ko kasi guguluhin niya pa rin ako at kukulitin na dapat matuloy ang kasal. Mukhang sumuko na yata dahil wala naman siyang napatunayan na si Mr. David talaga ang ama ng pinagbubuntis ko. Sa wakas humikab na rin ako. Mukhang dinadalaw na 'ko ng antok. Bumalik na lamang ako sa kwarto at humiga sa kama. Ilang minuto lang ng ipikit ko ang aking mga mata ay nakatulog na din agad ako. ------ Nagising ako sa sunod-sunod na kalabog sa pinto. Para akong naalimpungatan. Naniningkit ang aking mga mata sa antok. Ayaw ko pa bumangon ngunit yung kunakatok sa pinto parang wala yatang balak na tumigil. Sino ba kasi bisita ko sa oras na 'to? Binalingan ko ang orasan na nasa ibabaw ng mesa dito sa kwarto ko. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang alas dyes na pala at magtatanghali na. Napabalikwas na lamang ako ng bangon. Paulit-ulit akong napapahikab dahil sa antok. Buti na lang wala akong pasok ngayon. Tamang-tama day off ko. Nakalimutan ko na yung mga kumakatok sa pintuan ng bahay ko. Bumaba ako sa kama para pagbuksan ang pinto. Baka kasi yung may-ari na naman ng bahay at naniningil na naman ng renta. Masyado pa naman maaga para maningil. Hindi na nga ako nakapaghilamos at hindi na rin ako nakapagpalit ng pantulog kong manipis na sando at pekpek short. Ganito ako matulog, kulang na lang maghubad ako. Hindi ako sanay na mahaba ang suot ko. Parang naiirita ako. "Nandiyan na!" sigaw ko at nagmamadali ng tinahak ang pinto. Nang buksan ko ito ay iba pala ang mabubungaran ko. Hindi pala yung taong inaasahan ko. Hindi pala may-ari ng bahay kundi si--- "Ma'am Fin?" takang-taka na sambit ko. "A-ano ho ang ginagawa niyo dito?" buong pagtataka ko. Hindi kaya kakausapin niya ako dahil tatanggalin niya na ako. Nalaman niya na kaya na buntis ako? "Hindi ako nag-iisa, Elizabeth. May kasama ako." bumaling ito sa likuran niya. "S-sino ho?" Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng tumambad sa aking harapan ang lalaking hinding-hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito pa mismo sa bahay ko. Si Mr. David. Anong ginagawa ng gurang na 'to dito? Hindi lang si Mr. David ang nandito sa bahay ko dahil may isa pa na babaeng nagpakita sakin at hindi ko ito kilala pero alam kong mayaman ito dahil napupuno ito ng alahas sa katawan at mukhang mga gold pa. Napansin kong nakatitig si Mr. David sakin at tsaka nagbaba ito ng tingin sa dibdib ko hanggang sa bumaba pa sa mga hita ko. Natampal ko na lamang ang noo ko ng ma-realized ko ang suot ko. Manipis nga pala ang sando ko at nakapekpek short pa ako. Sobrang nakakahiya! "Teka lang po." wala sa sariling isinarado ko na lang ang pinto dahil sa kahihiyan. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawa ng isang Mr. David pagkatapos kong maisarado ang pinto. Tila ba nang-asar pa ito. Naghanap ako ng tshirt ngunit short pa rin naman ang suot ko. Hindi lang katulad kanina na pekpek short na. Kaagad din akong bumalik para buksan ang pinto. Sobrang nakakahiya. Nawala ako sa sarili ko kaya naisarado ko bigla ang pinto. Parang wala na akong mukha na maipakita sa kanila dahil sa ginawa ko. Baka naman umalis na sila. Nang buksan ko ang pinto ay nandito pa rin naman sila. Hindi sila umalis. Ano kaya ang sadya nila bakit kasama pa si Ma'am Fin? "P-pasensya na." pilit na ngiti ang ibinigay ko tsaka nilakihan ang awang ng pintuan. "P-pasok po kayo." Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob habang ako nasa kanilang likuran nakasunod din. "M-maupo ho kayo." alok ko sa kanila sa sira-sira kong sofa sa sala. Nakakahiya. Alam kong mga bigatin ang mga taong ito. "M-ma'am Fin..." pasimple kong siniko si Ma'am Fin. Kahit papaano kasi nakakabiruan ko ito. "Anong kailangan nila sakin?" Pasimple kong bulong kay Ma'am Fin. Hindi kaagad ito nakasagot. Napansin kong bumaling sakin si Mr. David at ang isa pa na babaeng kasama nila. Medyo may kaedaran na ito at kamukha ni Mr. David. Hindi naman siguro ito nanay niya. Anong dahilan naman bakit isinama a niya dito? "You must be Elizabeth?" tanong ng Ginang sakin. Marahan akong tumango. "A-ako nga ho. A-ano po ang kailangan niyo sakin?" "Anak ko si Hermes." sagot niya kaya naman napaawang ang labi ko. Binalingan ko si Mr. David na ngayon ay nakatingin din sakin. Kaagad ko naman ibinaling muli sa nanay ni Mr. David ang aking paningin. "A-ano ho ang kailangan niyo sakin?" kinakabahan na ako. "My son will tell you why we are here." sagot niya tsaka binalingan si Mr. David. Ganoon din naman ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang aming paningin ni Mr. David. "Do you remember what I told you yesterday? I will find a way to find out the truth. And I saw Mrs Fin the manager of the hotel where we were both there. And also, I review the hotel's cctv. You are the one who entered my room so it is possible that you are the girl I had s*x with that night." Napaubo na lamang ako sa mga sinabi niya. Nahihiya ako. Hindi ba siya nahihiyang sabihin 'yon ngayong nandito ang Mommy niya kaharap namin. Puwede naman namin pag-usapan ito ng kami lang pero bakit nagsama pa siya ng iba. Ano 'to? Pamamanhikan? "Kung talagang si Hermes ang ama ng batang dinadala mo, Hija. Hindi ko hahayaan ang apo ko na walang kagigisnan na ama." "Ho? A-ano ho ang ibig niyo sabihin?" "Marry my son. Hermes is not getting any younger. I also want him to have a wife." Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. "Pumayag ka na, Elizabeth. Tsaka sabihin mo na ang totoo. Huwag mo ng itanggi na hindi si Mr. David ang ama ng pinagbubuntis mo." sabi sa akin ni Mrs. Fin. Makakapagsinungaling pa ba ako kung dala niya na lahat ng ebidensyang siya ang ama ng batang dinadala ko. "I'm waiting for your answer, Ms. Bernido." bigla naman nagsalita si Mr. David. "Ahm..." Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko. Magpapakasal ba ako sa lalaking 'to? "I changed my mind. Hindi ko na hihintayin pa ang sagot mo. Whether you like it or not, you are coming home with me now. I don't want you to live here while you are carrying my own child." Aba! Talagang nakapagdesisyon na siya mag-isa. Magpasalamat ka, Mr. David kasama mo ang Mommy mo at si manager Fin. Dahil kung hindi, talagang tinadyakan ko na bayag ng gurang na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD