DAVID - 1 HOTEL DE LETCHE
"I'm pregnant. 4 months. Nasa sa iyo kung pananagutan mo ako."
Napaawang ang labi ni Hermes nang makita ang nakasulat sa isang maliit na pirasong papel na ibinigay ng kaniyang secretary sa kaniya.
Tinawagan niya kaagad si Nida na kaniyang secretary para papuntahin ito sa kaniyang office.
Nang makapasok ito ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa na tanungin ito.
"Nakita mo ba ang mukha ng babaeng nag-abot sa 'yo ng sulat na ito?" tanong niya sa kaniyang secretary.
Sandaling natigilan si Nida para isipin iyon. "Opo, sir. Maputi, medyo kulot at medyo bata pa sir."
"Baka hindi pa siya nakakalabas ng building. Hanapin mo siya at papuntahin mo kaagad dito sa office ko, ngayon na!" utos niya kaagad rito.
"O-okay po, sir."
Natatarantang umalis sa kaniyang harapan ang kaniyang secretary.
----
Elizabeth's POV
"Ano? Naibigay mo ba yung sulat?" tanong kaagad sa akin ng kaibigan kong sinamahan ako para ibigay ang sulat sa isang sikat na bilyonaryong si Hermes David. Hinanap ko siya sa internet. Meron siyang isang kapatid na babae at meron din siyang iba't - ibang negosyo dito sa Pilipinas. Kaliwaan ang kaniyang mga pag-aaring hotel at resort.
"Oo, naibigay ko sa kaniyang secretary. Hindi ko naman hinahabol ang kayamanan niya. Gusto ko lang malaman niyang may anak siya na dapat niyang kilalanin. Hindi ko sinasabing kailangan niya akong panagutan dahil kaya ko naman buhayin ang batang nasa sinapupunan ko. Nakalimutan mo na ba? Kaya kong magbanat ng buto para lang mabuhay. Simula pa lang hindi na ako umaasa sa iba." mahabang paliwanag ko kay Katie.
"Alam ko."
——---
"Abby, pakidala ito sa room 142." utos sa akin ng aming manager dito sa hotel.
Nagtatrabaho ako bilang part time room attendant dito sa hotel De Letche. Pero ako itong inutusan na magdala ng dinner sa guest hindi ko naman trabaho 'yon.
Tamang-tama naman yung name ng hotel sa araw-araw na naleletse ako sa mga customer.
Tinatahak ko ngayon ang room 142 para ihatid ang kanilang dinner. Habang naglalakad ay nagkaroon ako ng oras para tawagan ang aking fiance, si Evan. Ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag ko. Ilang beses ko na itong tinatawagan pero wala pa rin. Hanggang sa mainis ako at muntikan ko ng itapon ang cell phone ko.
Pinindot ko kaagad ang door bell sa room 142 para maibigay ko na itong dala kong dinner.
"Who is it?" pagkatapos ng ilang minuto ay sumagot rin ang nasa loob ng room. Babae ang sumagot mula dito.
"Ma'am, nandito na po ang dinner niyo!" sagot ko.
Unti-unting binuksan nito ang pintuan kaya tumambad sa aking harapan ang isang babaeng nakasuot lamang ng gray silky nighties. Mukhang hindi lang siya nag-iisa. Mukhang may kasama siya. Siguro boyfriend or asawa niya.
Ipinasok ko ang trolley na dala-dala ko tsaka pasimpleng sinipat ang loob ng kwarto.
"Pakilagay na lang diyan." turo niya sa table.
Pagkatapos kong ayusin ang kanilang dinner sa table ay hinila ko na rin ulit ang trolley palabas. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ay nakarinig pa ako ng boses ng isang lalaki.
"Sino 'yon hon?"
Familiar sa akin ang boses na iyon. Wala akong pagdalawang isip na lingunin ito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang lalaking nangako sa akin na pakakasalan ako at tanging ako lang ang mamahalin habang buhay.
Si Evan ang aking fiance. Nagulat din ito ng makita ako. Hindi niya alam na nag-pa-part-time ako rito. Alam niyang nag-pa-part time ako pero hindi niya alam na dito ako sa hotel na ito.
"Elizabeth?" halos hindi makapaniwala na sambit niya nang magtama ang aming mga paningin.
Kaagad kumunot ang noo ko at doon nagpalipat-lipat ang aking paningin sa kanilang dalawa ng babae. Ang sakit makitang ang fiance mo ay may kasamang iba... at sa mismong hotel pa.
"Magkakilala kayong dalawa?" gulong - gulo na tanong ng babae. Gusto ko siyang sabunutan pero nagtitimpi ako.
Hindi nakasagot si Evan kaya ako na ang sumagot.
"Hindi lang kami magkakilala. Fiance ko siya at malapit na kaming ikasal." mariin na sagot ko. Maluluha na ako.
"Really? how did you become his fiance if I am his fiance? Nakikita mo ba itong suot kong singsing?" Ipinakita sa akin ng babae ang singsing na suot niya. Namuo ang luha sa aking mga mata.
Muli kong sinulyapan si Evan. Hindi ito nakaimik at tila hindi alam kung ano ang sasabihin.
Napahawak ako sa trolley dahil nanghihina ang tuhod ko. Pakiramdam ko ano man oras ay bibigay na ito. Sobrang sakit lang na niloko ako ng lalaking akala ko totoong nagmamahal sakin.
"Evan? Totoo ba 'to?" nanginginig na tanong ko. Kaunting-kaunti na lang ay bubuhos na ang luha ko. Kaya ko pa naman pigilan. Pero baka ilang minuto pa ay tuluyan ng kumawala ang luhang kanina pa gustong tumulo.
Hinintay ko ang sagot niya ng ilang minuto.
"I' m sorry, Abby..." nagbabakasakali akong hindi totoo pero ito na nga. Nag-so-sorry siya sakin. "Totoo ang sinabi niya. I'm really sorry, Abby." sagot niya na akala mo ganun lang kadali mawala ang sakit sa isang sorry niya lang.
Naging kalmado pa rin ako. Pinipigilan ko ang galit na nararamdaman ko ngayon. Wala na akong magagawa kung ang babaeng ito ang mahal niya. Alangan naman lumuhod ako para magmakaawa sa kaniya. Pwes, hindi ako ganoon.
Unti-unti kong pinunasan ang mga luha kong lumandas sa aking mga pisngi. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya.
Hinaplos ko ang aking daliri na nakasuot ng singsing na ibinigay niya sa akin. Hinubad ko iyon mula sa aking daliri. "You know what? Inaakala mo ba na magmamakaawa ako sa 'yo? Iiyak ako na parang batang inagawan ng lollipop? O' di kaya magmamakaawa, na ako ang piliin mo? Hindi 'yan mangyayari, Evan. Kung gusto mo siya." turo ko sa babaeng nasa kabilang side ko. "Then go ahead. Hindi ako iiyak para lang sa isang lalaking walang kwentang katulad mo." Ibinato ko sa kaniya ang singsing at tumalikod na lang para umalis sa kanilang harapan. Nagmadali akong lumabas ng room na 'yon.
Ganito ako kapag kaharap pero kapag nakatalikod doon ko ibinubuhos ang iyak.
Paglabas ko ng pintuan ay napasandal kaagad ako sa wall at doon na lang inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman mo sa mga oras na ito.
Akala ko ba hindi ako iiyak? Akala ko ba matapang ako? Akala ko ba, hindi agad-agad ako masasaktan. Pero ito ako ngayon umiiyak ng dahil sa lalaking iyon.
Pinadulas ko ang aking likuran sa wall kaya napaupo na lamang ako sa sahig.
Kahit na may makakita sakin dito, wala na akong pakialam basta't mailabas ko lang ang sakit na nararamdaman ko.
Halos two years kaming magkasintahan ni Evan pero sa two years na iyon ay mukhang ginago niya lang yata ako ng hindi ko man lang nahalata at napansin na may iba na pala siyang babaeng pinagkakaabalahan. Bakit pa dumating sa puntong niyaya pa niya akong magpakasal sa kaniya kung may iba na pala siyang babaeng kinababaliwan at ang masakit pa, pareho kaming pinangakuan ng kasal ng walang hiyang Evan na 'yon!
Sinabi ko sa sarili kong hindi ako iiyak pero heto ako ngayon umiiyak ng umiiyak. Sobrang sakit kasi... ang taong inaakala mong siya na ang makakasama mo habang buhay ay hindi pala.
Panay ang tulo ng luha ko. Pinupunasan ko na lamang ito gamit ang mga palad o daliri ko. Akala ko nga matapang ako pero ito ako umiiyak ng dahil sa isang lalaking gago!
Hindi ko nga namalayang humihikbi na pala ako.
Lalaki lang 'yan. Hindi ko dapat iniiyakan!
"Here."
Napatingala na lamang ako ng makarinig ng boses ng isang lalaki. Nakatayo ito sa aking harapan. Nakatitig na tila ba naaawa sa akin.
"Huwag mo 'kong kaawaan. Ayos lang ako." Hindi siya nagsalita kaya napatingin na lamang ako sa puting tela na iniaabot niya sakin.
Napatitig ako roon ng matagal. Hinablot ko ang puting tela na binibigay niya sakin. Wala siyang imik nakatitig lang siya sakin habang ako nakatitig sa hawak ko ngayong brief.
"Brief?" muli akong napatingala sa kaniya habang ito naman ay tila blanko lang ang reaksyon nito sa mukha.
Bibigyan na lang niya ako ng panyo na pamunas ng luha ko, brief pa? Aanhin ko 'tong brief na 'to?
"Matatanggal ba ng brief na 'to ang sakit na nararamdaman ko?" inis na tanong ko sa kaniya. Itinaas ko pa nga ito sa ere para malaman niyang brief ang ibinigay niya sakin O baka naman inaasar ako ng lalaking 'to.
Wala pa rin akong makitang kahit na anong reaksyon mula sa kaniya. Akala ko pa naman babawiin niya itong binigay niyang brief ngunit wala naman siyang pakialam.
Alam kong lasing na ito dahil sa klase ng mga tingin niya at mga mata nitong namumungay na. Baka inaantok na o baka talagang sobrang lasing na.
"Pagtiyagaan mo na lang. Kaysa naman magmukha kang batang uhugin diyan."
"Ano?" tumaas ang boses ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy napigilan na kunin ang aking cellphone sa bulsa para tingnan ang sarili ko.
Nang muli kong balingan ang lalaking nasa aking harapan ay wala na ito.
"Nasaan na 'yon?"
"Abby!"
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni manager Fin. Napatayo ako ng wala sa oras. Pinagpagan ko ang aking likuran at kaagad na itinago ang hawak kong brief sa aking bulsa.
"M-ma'am?" napayuko ako para batiin ito.
"Abby, kailangan ka sa room 109."
Nahalata kaya ni ma'am Fin ang pag-iyak ko?
"Anong nangyari sa mga mata mo?"
"W-wala po ito ma'am Fin napuwing lang ako."
"Ganoon ba? Lumakad ka na. Puntahan mo na yung room 109. Kailangan ka doon."
"Sige po."