Elizabeth
"Tiyang naman! Nakakahiya po ginagawa niyo. Nagsama pa talaga kayo ng marami para lang kuyugin yung taong nananahimik rito." napapakamot na lang ako sa ulo dahil sa kahihiyan. Lahat ng dumadaan ay napapatingin na sa amin. Kahit na anong pilit kong pauwiin si Tiyang ay ayaw naman nitong makinig sakin.
"Ano naman ngayon, Elizabeth? Anong masama sa ginagawa namin ng mga kumare ko. Dapat nga matuwa ka dahil ipinaglalaban ka namin. Ginagawa ko lang ang makakabuti sa 'yo. Hindi puwedeng hindi ka pakakasalan ng lalaking 'yan. Dapat may mamanahin 'yang anak mo."
"Tiyang, pera lang naman lagi iniisip niyo eh!"
"Kung wala kang pera hindi ka magiging masaya tandaan mo 'yan Elizabeth. Ginagawa lang namin 'to para maging masaya ka kaya dapat suportahan mo na lang kami rito. Mag-welga ka rin diyan at ipagsigawan mong nabuntis ka ng walang hiyang bilyonaryo na 'yan! Sa panahong ito utak ang ginagamit Elizabeth. Talo ka kung hindi ka marunong dumiskarte!"
"Tiyang, hindi ho ako ganoon. Kahit na mahirapan ako. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko o ang anak ko sa lalaking hindi ko alam kung matatanggap kami."
"Kapag hindi ka niya matanggap ako ang harapin niya! Handa kami ng mga kumare ko at kahit na saan pa kami aabot niyan ay haharapin ko ang lalaking 'yan! Hindi kami aalis dito hangga't hindi ko nahaharap ang ama ng batang dinadala mo. Umulan man umaraw, dito lang kami, Elizabeth!"
Jusko!
Natampal ko na lamang ang noo ko sa sobrang kahihiyan. Siguro titigil lamang 'to si Tiyang kapag umulan at may kasamang kulog at kidlat. Masama bang ihiling kong mangyari 'yon. Ako yung nahihiya sa mga pinagagawa ng tiyahin ko. Hindi ko alam kung may hiya pa bang nararamdaman 'to sa katawan
"Tara na mga kumare! Kuyugin na natin ang lalaking nakabuntis sa pamangkin ko!" napangiwi na lamang ako ng manguna na naman si Tiyang sa kanilang grupo. Muli ko na naman natampal ang noo ko.
"Abby!"
Napalingon ako ng marinig ko ang pagtawag ni Katie sakin. Nilapitan ko kaagad ito at tsaka sinamaan ng tingin. "Ikaw may kasalanan nito eh!" inis na sisi ko sa kaniya.
"Sorry na." Kaagad naman itong nag-peace sign.
"Kung hindi lang kita kaibigan...talagang matatadyakan kita sa daldal ng dila mo."
Tumawa lamang ito.
"Hindi yata lumalabas si Sir." bulong ni Katie sakin.
"Mas mabuti."
"Anong mabuti?"
"Mabuti ng hindi siya lalabas para walang kasal na mangyari."
"Sus! Kunwari ka pa. Ang gwapo kaya ni Sir. Lalo na kapag nasa malapitan. Mas matititigan mo yung kaguwapuhan ng kaniyang mukha. Ang dami kayang nagkakagusto dun. Sige ka, baka maunahan ka pa. Sabi mo nga jumlong 'yon." Natigilan ako dahil sa pang-aasar ni Katie sakin. Hindi niya pa rin pala nakalimutan 'yon.
"Wala akong pakialam, Katie. Kahit pa siguro siya na yung pinakamalaki, pinakamahabang talong dito sa mundo. Wala akong pakialam."
"Pwes, ngayon meron na kasi..." Ngumuso si Katie.
"Anong meron?" sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Napaawang ang labi ko ng makitang palapit sa kinaroroonan ni Tiyang si Mr. David.
"Ayan na siya oh! Yung prince charming mo. Ang gwapo. Kung ako yung nabuntis niyan araw -araw akong pupunta sa office niya para sabihing nabuntis niya ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo na si Hermes David ang ama ng batang dinadala ko."
"Sira ulo ka."
Hindi ko napigilan na hindi mapatitig sa ama ng batang dinadala ko. Tama nga si Katie. Napaka-gwapo niya kahit pa nandito kami medyo malayo sa kaniya.
"Gurang na pala siya." bigla na lamang na komento ko.
"Ano?" halos hindi makapaniwala si Katie sa nasabi ko. "Maka-gurang ka naman! thirty years old lang 'yan noh! Tsaka hindi naman halata sa edad niya. Baby face nga 'yan si Mr. David."
"Ewan ko, basta gurang na siya sa paningin ko." dagdag na sabi ko. Ang totoo napakaguwapo niya at itong si Katie naglalaway na yata. Ayaw ko rin naman ipahalatang masyado akong natulala sa kaguwapuhan ni Mr. David.
Naalala ko pa ang brief niyang ibinigay sakin. Nasa drawer ko lang nakatago. Hindi ko nga alam kung bago ba niyang hubad 'yon o hindi. Pero infairness, napakabango ng salawal niya.
"Elizabeth!" sigaw ni Tiyang na kaagad naman akong napasagot. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan ni Tiyang at ni Mr. David.
"Lapitan mo na kaya. Nakatingin si prince charming sa 'yo. Baka nabighani na sa kagandahan mo." muli ay asar ni Katie sakin na may kasama pang tusok sa tagiliran ko. Muli naman akong tinawag ni Tiyang. Kinakabahan ako dahil kausap niya si Mr. David.
"Bakit tiyang?"
"Lumapit ka dito!" muli ay sigaw ni Tiyang. Napapakamot na lamang ako ng ulo habang palapit sa kanila. Naiilang naman ako sa pagtitig ni Mr. David sakin habang palapit sa kanila. Para bang kakainin niya 'ko ng buhay dahil sa mga pinagagawa ng tiyahin kong hindi ko alam kung anong trip.
"Tiyang..." Nang makalapit ako sa kanila, tamang-tama ang pagsalubong ng aming mga tingin ni Mr. David.
"Ahm!" Tumikhim ito, kaya naman ibinaling ko rin kaagad sa iba ang aking paningin.
"Sigurado ho ba kayong nabuntis ko ang pamangkin niyo? Masyado pa siyang bata para sakin."
"Bakit? Matanda na ho ba kayo, Mr. David?" kaagad naman na sagot ni Tiyang.
"Tiyang?" kaagad kong siniko ang tiyahin kong ang lakas ng trip.
"Ahm!" muli ay tumikhim si Mr. David tsaka muling bumaling sakin. "Let's just talk about it in my house."
"Wala ng pag-uusap. Pakasalan mo na kaagad ang pamangkin ko."
"What?"
"Tiyang?" muli ko na namang siniko ang tiyahin ko. Sinamaan at pinanlakihan niya lang ako ng tingin.
"Huwag mo akong matawag-tawag na tiyang diyan."
Nasapo ko na lamang ang noo ko. Mukhang wala talaga akong ligtas sa tiyahin ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko? Gusto ko na lang mag-walk out dito.
"Ano, Mr. David? Pakakasalan mo ba ang pamangkin ko o magpapakasal ka na lang sa presinto? Pumili ka?"
"Can I talk to her first?"
"Hindi! Hindi mo siya puwedeng kausapin hangga't hindi mo nasasabing pakakasalan mo ang pamangkin ko."
"Let me talk to her first. Paano ko malalaman na ako nga ang ama ng batang dinadala ng pamangkin niyo kung hindi niyo kami hahayaan na mag-usap?" tila napipikon na rin si Mr. David sa tiyahin ko.
Jusko! Ano naman kaya ang pag-uusapan namin.
"Kung anong itatanong mo dito mo na itanong sa harapan ko!" pakikipagmatigasan ng tiyahin ko.
"Hindi namin kayo kasama noong gumawa kami ng baby, kaya bakit ko itatanong dito sa harapan niyo?" Nagulat na lamang ako sa naging sagot ni Mr. David. Ang kinagulat ko pa ng sobra ay ang biglang paghawak niya sa kamay ko at kaagad na hinila ako palayo sa kinaroroonan ni Tiyang.
Habang naglalakad kami ay nakalingon naman ako sa kinaroroonan ni Tiyang. "Teka..." pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking pulsuhan.
Hindi siya nakinig. Patuloy lamang niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Narinig ko naman ang pagkakagulo nila Tiyang at mukhang may balak na habulin kami.
Samantalang itong si Mr. David, ipinasok niya ako ng tuluyan sa loob ng kaniyang kotse. "S-saan tayo pupunta?"
"You'll find out when we get there." seryosong sagot nito. Nang balingan ko siya sa driver seat ay adams apple niya kaagad ang una kong napansin. Sunod-sunod kasi itong napalunok habang nakatingin sa harapan. "Fasten your seatbelt---" natigilan siya at napatitig sakin. Ako naman ay sunod-sunod na lamang na napalunok lalo na ng magtama ang aming mga paningin. "May I know your name?" siya ang naunang magbawi ng tingin.
"E-Elizabeth..." sagot ko at muling ibinaling sa harapan ang paningin ko.
"Are you sure I'm the father of that child, Elizabeth?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kaniyang siya nga.
"Answer me, Elizabeth?"
"H-huh?"
Ayaw kong sabihing siya ang ama nito. Mukha kasing magulo ang buhay na meron siya. Mas mabuti na lang sigurong mag-isa ko na lang itataguyod ang anak ko kaysa meron nga siyang ama pero magulo naman ang mundong makakagisnan niya.
"Huwag kang maniwala sa Tiyang ko. Niloloko ka lang niya. Hindi ikaw ang ama ng batang ito." nakayukong sagot ko. Ito na lang ang paraan para manahimik na si Tiyang at ayaw ko rin naman gawin ni tiyang na bala ang anak ko para lang makuha ang gusto.
"Bakit hindi ka makatingin sakin ng diretso?"
Nabigla na lamang ako ng kabigin niya ang aking baba para lang mapatingala ako sa kaniya. "Mukhang hindi ka sigurado sa sagot mo. To be sure, let's do a paternity test." seryosong sabi nito. Hindi pa man ako nakasagot ay binuhay na kaagad nito ang makina.