Elizabeth "Totoo bang aalis ka na Elizabeth?" halos hindi makapaniwala ang may-ari ng bahay ng magpaalam ako sa kaniya. Hindi ako sumama kahapon kay Hermes at hindi naman niya ako napilit. Kung nagdesisyon siya para sakin, siyempre, may desisyon rin ako para sa sarili ko. "Oho, Aling Dida." "Saan ka pupunta? May malilipatan ka na ba? Buntis ka pa naman." Mabuti na lang wala si Aling Dida dito kahapon. Hindi niya nakita sila Hermes na pumunta dito sa bahay. Kapag nagkataon kasi baka magsusumbong pa ito kay Tiyang. "Meron na ho akong malilipatan, Aling Dida. Huwag ho kayong mag-alala. Kailangan ko kasi lumipat sa mas mura kasi nga po manganganak na ako." "Puwede ko naman babaan ang renta mo dito kapag gusto mo." "Hindi na ho, Aling Dida." "Sige, kung hindi na talaga kita map